Chapter Twenty Nine: Beige

265 14 0
                                    

Andi

Medyo masakit ang ulo ko dahil sa pagkakagising ko. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Dahil sa ingay sa labas at dahil din sa ingay ng isipan ko.

Si Kolens ang tumakip sa bibig ko kagabi. Pareho rin kaming nakakutob sa mga ilaw na tila may sariling isip at hindi natatanglawan at pilit iniiwasan ang building namin.

Tunay ang narinig namin kagabi. May nagbubukas ng pinto at tumutunog na susi. Hindi na namin ito nahanap dahil ayaw bumukas ng mga ilaw.

Isa ring dahilan kung bakit hindi ako makatulog nang maayos ay hindi ako makabiling sa gusto kong posisyon at dahil 'yon sa sugat ko.

"Get up! Let's have breakfast," hinatak-hatak ni Blaire ang paa ko. Nakatulog ito na suot pa rin ang dress na suot niya kahapon. Nakita kong nakatitig siya sa kamay ko.

"Wow, cool."

"Saan ka nanggaling kagabi ha?" tanong ko. "Hindi lang pala gabi. Nasaan ka buong magdamag?"

"At ikaw? Nasaan ka rin?" pabalik na tanong nito sa akin habang nakapamewang. "Buti nando'n si Ianne para samahan ako."

Binato ko siya ng unan dahil sa pagkakasabi niya. Ang arte ng tono. Bigla naman itong umupo sa dulo ng kama ko at nagkakawag sabay hampas sa binti ko.

"Nagdate kami kahapon!" Tili siya nang tili habang nakatingin sa kisame. Kinikilig ang loka.

"Akala ko ba sinamahan ka lang?"

"Eh! Date na rin 'yon. Ikinuha niya ako ng laruan do'n sa may games na kailangan mabasag mo yung plato. Sinamahan niya ako kumain."

Bigla naman akong natahimik. Hindi naman date yung amin, diba?

"Hoy! Support mo naman ako," maarteng pagkakasabi nito sabay hawak sa magkabilang pisngi. "Paano kung maging kami ni Ianne?"

"Paano kung hindi?"

"Ano ba! Malay mo nga. Feeling ko gusto niya ako kasi tinititigan niya lang ako habang kumakain," nakangising sabi nito.

Bigla naman akong nasamid. Ganoon ba ang ibig sabihin no'n?

"Hindi. Baka nga iniisip no'n ang takaw mong babae ka." Tumayo na ako para mag-ayos ng sarili.

"Ha? Hindi a. Kapag tinititigan ka lang ng lalaki habang magkasama kayo, it---"

"Si Ianne!" sigaw ko sabay turo sa bintana. Ayaw kong ituloy kung ano man ang sasabihin niya dahil ayoko sa pumapasok sa isip ko. Agad naman itong yumuko at nagtago sa gilid ng kama. Dali-daling inayos ang magulong buhok at gusot na damit.

"Wala na?" tanong niya

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa CR. Napakalakas mangarap at magpantasya. Kaaga-aga.

"ANDIIII!" Dinig kong sigaw nito habang kinakalampag ang pinto.

Pagkatapos ko maligo at pagkalabas ay wala na si Blaire. Tignan mo nga yung isa na 'yon, saan kaya pumunta?

Buti naman at walang inihanda si Blaire na baduy na outfit. Agad akong nagbihis at nilagyan ng benda ang sugat ko.

Lumabas na ako. Katulad kahapon, maingay pa rin ang paligid. Kung saan-saan may nagtatawanan, mga kantang tumutugtog sa speaker at mga nagkakantahan dahil may pa-videoke sa isang stall. Ang mga kantang madalas kong marinig ay mula pa noong 2010. Naintindihan ko naman. Most of them had no access to the outside world for ten years.

Pababa na sana ako nang may biglang nagsalita sa gilid.

"Come with me. Samahan mo ko sa pamimili ng suit," utos nito. Nakasuot ito ng plain white shirt at black jeans. Low cut sneakers naman ang sapatos nito. And as usual, suot niya pa rin yung gwapo niyang mukha.

West UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon