Chapter Twelve: Escape

261 10 0
                                    

Andi

Nanghihina ako. Wala akong ganang kumain. Mag-iisang linggo na akong nakakulong dito. Wala pa raw nakakahanap sa akin, kahit si Kolens. Umaasa ako na makikita nila ako pero nabigo ako. Kailangan ko na nga yatang gawin ang naisip kong plano.

Hindi na ako nakagapos. Pero nakakulong naman ako sa isang kwarto na walang laman. Wala rin kahit ang patalim ko. Hindi naman nila ako pinapahirapan. Sa totoo nga, inaalagaan pa nila ako.

At nakakapagtaka 'yon. Sobra.

Binasag ko ang salamin na nakita ko sa CR. Sana, sana hindi nila narinig ang tunog nito. Naghanap pa ko ng maaaring labasan ngunit ang pinto lang talaga ang pwede. It was locked.

Naaamoy ko na rin ang sarili ko. Amoy pawis dahil kahapon pa ako nakaligo. Buti nga ay pinaligo pa nila ako.

Tinignan ko sa kapirasong salamin ang mukha ko. Mukha akong basang-sisiw. I looked stupid.

Kailangan ko na talaga makalabas dito. Wala na akong balita sa labas ng apat na sulok ng kwarto na 'to. Wala man lang bintana, tanging pinto lang. Di ko alam kung ano na ba talagang nangyari kay Blaire. Ligtas ba talaga siya? Kung napalitan na ba ako sa Class A?  Baka hinahanap na ko ni Eros. Mababaliw yata ako kung hindi ako makakalabas.

May mga yabag ng paa akong narinig kaya ginawa ko na ang plano ko. Hiniwa ko ang aking braso. Napangiwi ako habang unti-unting bumuka ang sugat at tumulo ang napakapulang dugo. Unti-unti 'tong humahapdi. Linagyan ko rin ng maliit na hiwa ang ibabang parte ng wrist ko at ipinahid doon ang dugo.

Gusto kong sumigaw sa sakit pero kailangan kong manahimik. Kagat-kagat ko ang manggas ng aking damit, pinipigilang makalalikha ng ingay.

Bigla akong napapikit. I could hear the sound of keys. Biglang bumukas ang pinto at nanatili akong nakapikit, mistulang patay.

"Puta, anong nangyari?!" Sigaw ng isa sa mga boses.

"Hindi ko akalain na magpapakamatay siya," sabi ng isa pang boses. "Maiwan ka rito tatawag ako ng tulong. Tignan mo kung buhay pa."

Dalawang lalaki ang pumasok sa kwarto ko base sa mga boses nila. Naramdaman kong umalis na ang isa at iisa na lang ang naiwan.

"Shit. Anong gagawin ko?" Rinig kong bulong ng lalaki. Sumilip ako at nakita ko siyang nakatalikod. Kinuha ko ang kapiraso ng basag na salamin at itunutok sa leeg niya.

"Subukan mong sumigaw," bulong ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa basag na salamin kaya pati kamay ko ay nasusugatan na nito.

"Ibaba mo 'yan," sabi ng lalaki sa akin. Iniangat niya ang braso niya kaya mas naging alerto ako.

"Isa pang galaw at gigilitan kita," idinikit ko sa balat niya ang talim ng salamin. "Akin na ang susi!"

"Hindi ka makakatakas sa ibaba. Huwag mo nang sub--"

"ISA!"

Gusto ko nang makalabas. Nauubusan na ako ng oras dahil alam kong babalik rin ang kasama niya. Hindi na siya nagsalita pero bigla niyang pinilipit ang kamay ko kaya nabitawan ko ang salamin.

"Hindi ka makakatakas!" Sigaw sa akin ng lalaki. Tatakbo na sana siya palabas pero kumuha ako ng bubog at binato sa kamay niya kaya nabitawan niya ang susi.

Kinuha ko ang susi sa sahig sa pinakamabilis na paraang makakaya ko pero nahablot pa rin niya ang isang braso ko.

Gamit ang bubog na nakasuksok sa aking bulsa, sinugatan ko ang mukha niya kaya nabitawan niya ako.

Tumakbo ako pababa ng building. Sa wakas, nakalabas na ako. Mas lalong sumakit ang sugat ko dahil sa pagtakbo ko. Lahat ng dinaraanan ko ay walang nakapigil sa akin. Akala ko makakatakas na ako pero hindi.

Hinarang ako ng tatlong lalaki kaya tumakbo ako sa kabilang direksyon. Kailangan kong makahanap ng ibang lalabasan. Kailangan kong makaalis dito.

"Oh God please help me!" sigaw ko na umalingawngaw sa building. Napansin kong may mga estudyante na papunta ng cafeteria. It was dinner time.

"Help!" Sigaw ko. Nagulat ako at napaatras nang may lumitaw din na dalawang lalaki. Hagdan na lang ang pag-asa ko. Tumakbo ako pataas hanggang sa makarating ako sa third floor. I took a deep breath. Nakahawak ako ngayon sa dibdib ko, breathing heavily.

Sa kaliwa ay wala nang daan, sa harap ko ay wala na rin pero may fire exit sa kanan. And that damn fire exit was being guarded by two bullshits!

"I'm dead. I'm dead," paulit-ulit kong bulong. I wasted my time, my effort and my freakin' blood!

"Ka-miyembro ka na namin which means isa ka na sa amin. Bakit ka pa tatakas?" Tanong ng lalaki na nasa harap ko ngayon.

"Sumosobra na 'yan!" A redhead shouted. "Sinugatan ba naman yung mukha ni Danel! Babanatan ko 'yan!"

Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Hawak ko pa rin ang bubog na nasa bulsa ko kanina. Now, I'm stuck.

"Nasaan yung puta na 'yon!?" Sigaw ng isang lalaki habang umaakyat sa hagdan. Siya ang sinugatan ko kanina sa mukha.

"Hayop ka nandito ka lang pala!" Sigaw niya. Pinigilan kong hindi magpakita ng takot pero nabigo ako. My lips were quivering.

"Nakita mo 'to!? Pagbabayaran mo ito!" Hinatak niya ang braso ko at pilit akong pinapasama sa kanya.

"Danel! Mapapagalitan ka ni Pres!" Sigaw ng isa sa kanila.

"Wala akong pake! Nakita mo ito? Sinugatan niya ako!" Sigaw nito. Hinatak ko pabalik ang braso ko. Tinignan niya ako nang napakasama sabay sampal sa akin ng malakas.

"Fuck you, bitch! You're just a bait!" He shouted at my face.

Shit. Ang sakit no'n. Namanhid ang kaliwang pisngi ko. Tinignan ko ang hiwa sa pisngi niya. Kinuha ko ang bubog sa aking bulsa at gumawa pang muli ng hiwa sa mukha niya.

"F-fuck! Oh shit!" Nabitawan niya ako. He cursed while holding his left cheek. "Aaargh!"

Hinampas niya ng malakas ang kamay ko kaya nabitawan ko ang bubog. Sinuntok niya ako sa sikmura. Napaupo ako sa sakit. Parang hihimatayin ako, hindi ko yata kakayaning tumayo. Hindi pa siya nasiyahan kaya sinipa niya pa ako sa tiyan.

Lahat sila ay nanonood lang. Pinapanood lang nila kung anong mangyayari sa aming dalawa. Mukha na naman akong kawawa dahil sa mga luhang umaagos sa pisngi ko. It was normal! I was hurt!

Kumuha siya ng bote ng alak sa gilid. Oh no. Ilang beses ako nagdasal sa isip ko. Binasag niya pa ito sa katabing pader. Umaagos pa rin ang dugo ng sugat niya sa mukha samantalang ako ay luha ang umaagos sa mukha ko.

"S-stop!" Pilit kong sigaw. Walang may balak pumigil. Pumikit na lang ako dahil sa takot habang umiiyak. Gusto kong yakapin ang tuhod ko at awatin sa pangangatog pero wala na akong lakas.

"Para sa'yo ito! Magtin---"

"Danel Arello."

Isang boses ang umalingawngaw sa buong lugar. Bigla akong napatingin sa kanan at laking gulat ko nang makita ko na nandon si Kolens kasama ang lima ko pang kaklase at isa sa kanila si Ianne. Kinindatan ako ni Ianne habang hawak sa leeg ang bantay sa fire exit at may nakatutok na kutsilyo.

Naiwang nakatulala lang ang lalaking hahampas sa akin ng bote. Ang iba naman ay bumunot na ng mga patalim sa kanya-kanyang bulsa.

"Ops, ayaw namin ng away," sabi ni Ianne. "Ibigay niyo lang si Andi."

Biglang natauhan si Danel, ang hahampas sa akin ng bote. Maangas syang tumayo at umiling. Bumulong naman ang mga kasama niya na isuko na lang ako.

"Sa tingin niyo ba na sainyo pa siya aanib kung malaman niyang sinaktan niyo si Andi?" tanong ni Sol na kanina pa ngumunguya.

Sinong siya ang tinutukoy niya?

Isang iglap lang ay may bumuhat sa akin paalis at itinakbo ako papalayo. Hindi ko siya makilala pero hindi ito galing sa lima kong kaklase at hindi rin ito si Kolens. Malaki ang posibilidad na kalaban ito. Siguro nga.

Nawalan ng saysay ang plano ko. Mukhang mabubulok na ko rito.

West UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon