Chapter 1

38 13 10
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa gym para sa practice namin sa cheer dance....nakangiti akong nakikipagkuwentuhan kay Belle ng mahagip ng paninigin ko si Rhein....ang dating boyfriend ni Angela na may kasamang ibang babae which is si.....Lyca at nakita kong hinalikan ni Rhein si Lyca kaya nanlaki ang mata ko..what the heck??

"Shinri, anong tinitignan mo??"

Tanong ni Belle at sinundan ang tinitignan ko....kaya agad kong inalis ang tingin ko sa kanila...

"A-ah, wala wala, tara na!! Baka malate pa tayo"

Sabi ko kaya nagkibit balikat nalang si Belle at nauna ng mag lakad...

Ibinalik ko naman ulit ang tingin ko kay Lyca at nakita ko na wala na sila don. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa gym...

"Sorry, we're late"

Nakayukong sabi ni Belle kaya nakiyuko narin ako....at pagkatapos noon ay inilibot ko ang paningin ko at napansin ko na kami nalang pala ang kulang dito dahil nandito narin si.....Lyca....

"It's okay, cheerleaders!! pumunta na kayo sa Last form niyo!!!"

Sabi ng coach namin o tagaturo...agad agad naman kaming pumunta sa last formation namin which is yung paghahagis at isa ako sa mga ihahagis....

"Okay!! Yung mga magsusupport ay alalayan niyong mabuti yung mga ihahagis ha!?"

Striktong sabi ng coach namin kaya nagsitango yung magsusupport sa amin...

"Belle!! Shinri!! At Lyca!! Kayong tatlo ang mga ihahagis kaya galingan niyo ang pagbabalanse at wag niyong kalimutan ang focus!! Okay??"

"Yes, coach!!"

Sabay sabay na sabi namin at nagsimula na kami...nung sa part na ihahagis na ako ay nahagip ng mata ko si Angela na nanonood sa amin habang nakaupo sa bench...at nakatingin siya sa akin....ng....diretso sa mga mata ko...kaya nagkamali ako ng landing at hindi nila ako nasambot at nahulog ako....

"A-aray"

"Shinri!!"

Nagtakbuhan sa akin ang mga kamiyembro ko at si coach...pinilit kong buksan ang mata ko at tignan ang pwesto kanina ni Angela ngunit wala na siya...nahihirapan na akong buksan ang mata ko...

"Boys!! Dalhin niyo siya sa clinic!!!

Narinig kong sigaw ni coach and....everythings went black...

Zzz

Iminulat ko ang mata ko at ang mukha ni Belle ang sumalubong sa akin...

"Shin!! Are you alright?? Bakit ka ba nahulog eh namaster mo na yung paghagis eh!!"

Nagaalalang tanong niya....bakit nga ba ako nahulog?? gawa ni angela?? Imposible dahil....never mind...siguro namamalik mata lang ako...

"S-sorry"

Nakayukong sabi ko ng biglang dumating ang nurse...

"Ms. Pwede na po kayong lumabas"

Nakangiting sabi ng nurse at umalis na....

"Aray!!"

Sabi ko ng bigla akong batukan ni Belle...

"Gaga!! Buti nalang at di napasama ang landing mong bruha ka!! Kundi sa ospital diretso mo!!"

"Oo na po!! Parang mas masakit pa batok mo sa pagkabagok ko eh!!"

"Ang exaggerated ni ateng??"

Napairap nalang ako at tumayo na...inalalayan naman ako ni belle...

"Wag na belle, okay lang ako..."

"You sure??"

"Absolutely..."

Ng makalabas na kami ng clinic ay awasan na pala....nakita ko rin na may isang table sa may harapan ng classroom namin at nakalagay don na nanghihingi ng tulong ang pamilya ni Angela....

Lumapit ako don at binasa ko ang papel na pinapamigay ng mga malalapit na kaibigan ni Angela....na sina Nica, phoebe at Lyca at siyempre....hindi mawawala si Rhein.....ang Bf ni Angela.....

"Angela is such a beautiful and sweet girl but unexpected things happened, 2 months from now she was found dead in her room..and we, her family, want to ask help from you to help us pray for Angela and to capture the murderer, thank you so much"

After I read the letter ay napailing ako dahil sa nangyari kanina.

Yeah right, Angela is already dead, malabong nakita ko siya kanina.....maybe i'm just hallucinating....

Nagbigay ako ng perang pantulong sa pamilya niya at umalis na doon....Rest In Peace....Angela.....

----------

Okay lang po ba?? Hehe, if may suggestions po kayo ay sabihin niyo lang po, thanks....

The Psychic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon