Chapter 4

17 5 0
                                    

Shinri's PoV:

"Maxine(Shin) and Belle, stay here. Wag muna kayo sumunod sa shop namin ha??"

Pangatlong beses na bilin sa amin ni Mama kaya nagtataka na ako. Bakit? Ano bang meron? At sobrang bilin na bilin niya na wag muna kami sumunod?

kahit nalilito ako ay tumango nalang ako....

"Okay, bye sweetie...bye Belle...take care"

Sabi ni mama at hinalikan ako sa pisngi at niyapos si Belle...

"Bye Tita!!"

"Bye Ma!!"

Sabay na sabi namin ni Belle...tumingin naman sa amin si Mama at ngumiti bago umalis ng bahay...

"Hayys, Shin!! Bakit di mo sinabi sa akin na kay Tita ka pala nagmana!!"

Sabi ni Belle habang nangangalkal ng pagkain sa ref namin..kahiya naman sa kanya...

"Ha?"

Tanging sabi ko dahil di ko talaga gets....this past few days ay nagiging slow nadin ba ako? O sadyang mahirap sila intindihin?

"Alam mo ba!!"

Sabi ni belle habang hawak ang ice cream at isang kutsara...

"Hindi.."

Inis na sabi ko pero yung isa wapakels padin...hayys

"Parehas kayong weird ni Tita!!! Nasa lahi niyo na ba yon??"

Sabi niya na parang wala lang sa kanya...seriously? Di ba siya nahihiya at nakataas pa paa niya sa upuan habang enjoy na enjoy na nakain ng ice cream...

"Seriously?"

Sabi ko ng poker face.....tumingin naman siya sakin sabay sabi na..

"Alam ko na!! Sundan kaya natin si Tita!?"

Nakangiting tagumpay na sabi niya....na para bang ayun ang pinakamagandang naiambag niya sa mundo...and i was like -_-
Seriously?

"Belle...wag ngayon!! masakit ulo ko sa pag iisip kung bakit kaibigan kita..."

Sabi ko at hopeless na umupo sa upuan at hinilot ang sintido ko...

"Shin!! Pupunta tayo sa ayaw at sa gusto mo!! And look!! 10 minutes na ang lumipas kaya pwede na siguro yon!!"

Hayys!! Di lang multo ang nagpapasakit sa ulo ko pati kaibigan ko...

Di ko siya pinansin at nanatiling nakapikit...

"Shin!! "Poke" shin!!! "Poke" shiiinnn "poke" shii-"

"Ano ba!?"

Sabi ko....at tinignan siya ng masama at ayun nakangiting tagumpay ang bruha...

"Tara na kasi!!!"

Sabi niya at kinaladkad na ako palabas kaya wala narin akong nagawa!!! Great!! Just great -_-#

Belle's Pov:

Kasalukuyan kaming nagaadventure ni Shin at ang mukha ni Bes parang pinagkaitan ng kagandahan!! Char!!

"Belle...bumalik na tayo...I have a bad feeling about this"

Sabi niya at yumuko...i don't know why pero laging tama ang pakiramdam niya....siguro coincidence lang yon...

"Shin...relax malapit na tayo and 20 minutes na ang nakakalipas simula ng umalis si Tita"

Sabi ko at ng malapit na kami sa shop ay napatingin ako kay Shin...nakatulala siya sa kalsada...tatawid kasi kami eh...

"Ah, shin? Tawid na tayo?"

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko bago tumakbo sa direksiyon ko at itinulak ako pagilid kaya natumba siya sa akin...

Pagkatapos non ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng pagkabangga.....

Pagkamulat ko ay namutla ako sa aking nakita....ilang pulgada na lang ang layo sa amin ng isang 10 wheeler truck....at ang mas nagpaputla sa akin ay ang mga dugo na nagkalat sa paligid...hindi!! Hindi!!

Inilibot ko ang paningin ko at parang masusuka ako sa mga nakikita ko....mga pirapirasong laman ng taong naararo ng truck....

Muntikan na rin kaming maararo ng truck kung di ako tinulak at hinila ni shin...

"Muntik na kaming mabangga"

Wala sa sariling turan ko at tinignan si Shin na hawak ang ulo niya....

"Ahhhh!!!!"

Sigaw niya na para bang may nakikita siyang mga pangitain...

"Shin!!"

Naiiyak na sambit ko....tama siya...dapat di na kami sumunod.sa araw na ito higit sa 10 buhay ang nawala....

"Belle, "sniff" it's my fault...I already know this will gonna happen but I did nothing....signs were given to me....but I choose not to value it...."

Sabi niya kaya napaiyak ako lalo...

"What are you saying? You got nothing to do with this"

Sabi ko at tumingin siya ng diretso sa akin at hinawakan ng mahigpit ang balikat ko..

"I have!! I already know the exact time!! Location and type of accident that will happen!! Now tell me!!! Am I still sane!? Ha!? Di pa ba ako baliw sa lagay na to!?"

"O-ouch, s-shin! Na-nasasaktan ako..."

Sabi ko at agad naman siyang natauhan at tinignan ang kamay niya...

"A vision of death"

Sabi ni shin kaya kinalibutan ako at bigla nalang siyang nahimatay...

I regret this day....i'm so sorry shin for not trusting in your instinct...

-------

Huhu...new update...i guess? Haha

The Psychic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon