57• In sickness and In health

324 11 0
                                    


Lakad-takbo na ang ginawa ni Yoongi makarating lang agad sa office ng asawa niyang si Jhope. Feeling niya,may kakaiba talaga e. Nasalubong pa niya si Taehyung at Jin na tila ba nagmamadali pa.

"Oh,hi guys. Si Jhope,nasa loob ba?"
Usisa niya sa dalawa. Kita pa niya ang pagtitinginan nina Jin at Taehyung.

"Kaya nga hahanapin namin sila ni Jas e. Yoongi,ang sabi ng asawa ko parang nakakaranas ng depression ang asawa mo"

"Huh? What do you mean depression, Tae?"

Naguguluhan siya sa mga narinig mula kay Taehyung.

"Para kasing wala siya sa sarili niya,hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para ma-depress siya,pero Yoongi lahat ng signs na may depression ang isang tao nasa kanya. We all know na napaka-cheerful na tao niyang asawa mo,napakadaldal at sobrang energetic niyang tao. Pero kung makikita mo siya,ikaw mismo may makikita kang iba sa kanya. Isa pa,gusto niya palagi siyang mag-isa,diba? Isn't it too unusual?"
Sagot ni Jin. Napaisip siya. Kagabi pa nga iba ang ikinikilos ni Jhope,parang iwas na iwas ito sa kanya,at tila ba kay lalim ng mga iniisip. Sobrang naninibago siya,sa asawa niya.

"Saka Yoongi,kanina kasi bago siya umalis dito,pinatawag siya ng boss namin at ang dinig namin,sa iba na pinasa ang project na siya ang naka-assign. Di kaya,dumagdag pa yun sa mga iniisip niya? Kaya nga,sinundan siya ni Jas e"
Dagdag pa ni Taehyung. Naaalarmang napaayos siya ng tayo. Maaaring dinidibdib ngayon ni Jhope ang nangyari sa trabaho pala nito. Ganun kasi ito,madaling magdamdam sa mga bagay-bagay, kahit hindi halata dahil super bubbly at masayahin talaga si Jhope.

"A-alam niyo ba kung saan sila nagpunta?"
Tanong niya. Sabay na umiling ang dalawa.

"Hindi. Kung hindi nga lang sinabi nitong si Jin na sinundan ni Jas ang asawa mo,wala akong kaalam-alam"

"Ang mabuti pa,tara na guys"

Tumango na lang silang dalawa ni Taehyung at sabay-sabay na silang lumabas para hanapin ang mga asawa nila. Hindi pa man sila nakakasakay sa mga sasakyan nila,biglang ring ang phone ni Taehyung.

"Hello mahal ko? Nasaan ka? Si Jhope kasama mo ba?"
Tanong ni Taehyung sa misis nito sa kabilang linya. Ni-loudspeaker pa nito ang phone nito.

"Oo mahal,naabutan ko siyang tumatawid sa kalsada and almost hit by a car buti na lang may lalaking sumagip sa kanya. Mahal, pakitawagan naman si Yoongi,nandito kami sa hospital ngayon"

"Jas,sa'n hospital yan?"
Siya na ang nagtanong. Parang nalambot siya bigla sa mga nalaman kay Jas.

"We're here at the Seoul hospital. Don't worry too much,nawalan lang siya ng malay at mga galos lang sa kamay ang mga nakuha niya"

"Jas,wag mo muna siyang iiwan ha? At maraming salamat dahil sinundan mo siya"

"Wala yun,oppa. Sige na,mukhang ikaw ang dapat makausap ng doctor na sumuri sa kanya kanina"

"Oo,sige"

Nagpaalam na si Jas at sila namang tatlo sakay na ng kotse ni Taehyung at nagtungo sa hospital. Di naman kalayuan at hindi rin gaanong traffic kaya nakarating silang agad sa destinasyon nila. Pumasok na sila sa loob ng building,nadatnan pa nilang nakaupo si Jasmine sa mga upuan ng waiting area.

"Mahal,are you okay?"
Patakbong lumapit si Taehyung dito at niyakap ang asawa.

"Oo,ayos lang ako Taehyung. Nagalusan lang din ako kasi hinila ko din si Jhope e. Pero I'm okay"

"Buti naman. Si Jhope,Jas?"
Si Jin ang nagtanong habang siya parang bigla siyang nanghina at nawalan ng lakas kaya naupo siya sa isa sa mga upuan.

Kookmin's presents: Proxy in LoveWhere stories live. Discover now