"BAKIT KAYA hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend?" tanong ni Moira sa kanyang repleksyon sa salamin. "Maganda naman ako, seksi, mabait, matalino, at successful. Pero bakit single pa rin ako?"
Inilapit pa niya nang husto ang mukha sa salamin. Wala naman siyang makitang hindi kaaya-aya sa makinis niyang pisngi. Her eyes was a bit huge, pero mapupungay naman iyon at napapalamutian pa ng mahahabang pilik. She got her father's aristocratic nose and full lips. She got her mother's heart-shaped face. Hindi siya katangkaran ngunit hindi rin naman masasabing pandak siya.
Itinaas niya ang kamay at sininghot ang kilikili. Wala rin naman siyang masamang amoy. Kaya nga nagtataka siya kung bakit mas nauna pang magka-boyfriend at magka-asawa ang kapitbahay niyang...hindi naman sa pang-aano...pero naniniwala kasi syang mas maganda sya dun e. Pati 'yung madalas niyang makaaway noon na kapitbahay dahil lagi niya itong tinutukso dahil sa kulay ng kutis, ngayon ay Amerikano pa ang asawa at nagpapakasasa sa snow sa Amerika kung saan na ito nakatira.
"Ako lang ba ang nakakakita ng kagandahan kong ito?" Nagdududa niyang pinagmasdan ang salamin. "Hindi naman siguro sinungaling itong salamin namin."
"Oo nga, Moira Kelly. Ako man ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon e wala ka pa ring boyfriend. Tomboy ka ba?"
Hindi na niya kailangang lingunin pa ang nagsalita para lang malaman kung kanino nanggaling ang nakakairitang baritonong boses na iyon. But she didn't have to turn, either. Dahil nakikita na rin niya sa salamin ang repleksyon ng nag-iisang taong ipinanganak yata sa daigdig with the sole purpose of ruining her days.
Chancellor Ortega III.
Nakasimangot niya itong tinitigan sa salamin. "Baka ikaw ang bad---"
"US Marine ang lolo ko, Army colonel ang kapatid ko at PNP Chief ang tatay ko. Kaya imposibleng maging tomboy ako." Kumagat ito ng malaki sa hawak na tatlong patong ng sandwich. "Gusto mong sagutin ko ang mga katanungan mo? Sabihin mo lang. Sasagutin kita ng libre. Kung hindi mo naitatanong, ako ang takbuhan ng mga kapitbahay natin dito sa tuwing may problema sila---"
"Sa pag-iisip?" Hinarap na niya ito. "No wonder mas lalong napapahamak ang mga tao rito sa subdibisyon natin."
"Bakit hindi mo ako subukan? Malay mo, masagot ko ang mga katanungan mo. Matalino yata ako. Sigma cuma lauder yata ako nung college."
"It's summa cum laude."
"Sigma, summa, alpha, whatsa, who cares?" Inisahang subo na lang nito ang natitirang sandwich. Handa na naman ang damuho na sirain ang napakagandang umaga niya. "So, ano? May ikukunsulta ka ba? Walang bayad para sa mga bago kong kliyente."
"Mukha na ba akong may problema sa pag-iisip?"
Mataman siya nitong pinagmasdan. "Medyo. And according to my expert eyes, malapit nang lumala ang kalagayan mo. Una ng sintomas niyon ang pakikipag-usap mo sa iyong sarili."
"Chance."
"Yes?"
"Two things, okay? Shut. Up."
Eksaheradong kalungkutan lang ang isinagot nito. "Para nagmamalasakit lang naman ako. Ano ba ang masama sa pagtulong sa kapwa?"
"Wala. Pero kung ikaw ang tutulong sa akin, masama. Dahil wala akong tiwala sa iyo. Isa pa, hindi kita kapwa."
"Napakasakit mo talagang magsalita. Kaya ka hindi magka-boyfriend dahil inaapi mo ako."
"E, kaapi-api ka naman talaga, 'no?" Nagpamaywang na siya. "At tsaka, ano bang ginagawa mo rito sa amin? Hindi ba't sinabi ko na sa iyong ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo? Bakit nandito ka pa sa bahay namin mismo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/128217238-288-k174095.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Me Call You Sweetheart (COMPLETED)
RomanceGinamit ni Moira ang lahat ng nalalaman niya sa taekwondo upang mapatumba ang taong sumusunod sa kanya nang minsang mag-jogging siya sa gabi. Pero mukhang mas magaling at mas mabilis ito. Hanggang sa magpakawala siya ng malakas na sipa. "Ops, ops...