Part 6

12.4K 351 21
                                    

HINIHINTAY NI Moira ang paglabas ni Chance sa fitting room. Dahil nga kasi wala siyang importanteng trabaho nitong mga nakaraang araw, napagtuunan niya ng pansin ang paggawa sa suit ng binata. Kaya tatlong araw lang, tapos na niya iyon.

Chance went out at last. At para siyang napako sa kanyang kinauupuan nang makita ang itsura nito sa formal suit.

"Bagay ba sa akin?"

Bagay? He looks perfect with it! Nasanay kasi siyang simpleng t-shirt at maong pants lang ang nakikitang suot nito. Bukod pa sa walang pasak na pagkain ang bibig nito kaya talagang nanibago siya sa itsura nito ngayon.

"Okay lang," she said instead. "Nagmukha kang kagalang-galang."

Tumayo siya at ininspeksyon pa nang mabuti ang fitting niyon sa katawan nito para lang magkaroon siya ng distraction.

"Hindi ba masikip?"

"Tamang-tama lang." Saka lang ito humarap sa salamin. Narinig pa niya ang impit nitong pagmura. "Ang guwapo ko pala talaga! Matutuwa nito ang tatay ko kapag nakita ako."

"Ako rin matutuwa. Lalo na kapag nabayaran mo na ako."

"Don't worry. I'll send you the check tomorrow."

"Bakit kasi gumastos ka pa ng malaki sa pagpapatahi ng bagong suit? Kung ako sa iyo, nag-rent na lang sana ako. Mas mura pa."

"Anong palagay mo sa akin, cheap?" Hindi pa rin yata ito nagsasawang tingnan ang sa salamin. "Mayaman ako kaya gusto ko ng bago."

"'Yun naman pala, e di sana bumili ka na lang ng bago."

Doon lang ito muling bumaling sa kanya. Masasalamin ang matinding pag-aalala sa mga mata nito.

"Napagod ka ba nang husto sa paggawa nitong suit ko?"

"Hindi. Madali lang talaga gawin ang mga formal wear ng lalaki. So, it wasn't a problem for me." Pero na-touch siya sa ipinakita nitong concern. Hayan ka na naman, Moira. Hinahayaan mo na naman ang sarili mong madala ng mga pasumpong-sumpong niyang pagbabago. Hay, matuto ka na nga. "I suggest a long sleeve polo with a lighter color to go with that. Mukhang bagay naman sa iyo kahit ngayon kulay."

"Talaga? Bagay sa akin ang kahit na anong kulay---"

"Just stay away from pink," sansala niya rito dahil nag-uumpisa na namang maging aktibo ang kayabangan nito sa katawan. "And yellow."

"Okay. Ah, Moira Kel---"

"Walang bayad ang mga fashion advice ko."

"Bakit, binabayaran ba iyon?"

"Gusto mong singilin kita ngayon?"

"Okay lang. But in one condition. Hihingi lang ako ng pabor sa iyo."

"Mas malaki ang bayad sa mga pabor na ginagawa ko."

"Fine. Name your price."

Napataas ang isang kilay niya. Mukhang seryoso ang unggoy sa mga sinasabi nito.

"Depende sa favor iyan," aniya. "Ano ba iyon?"

"I need a date for tomorrow night."

"Tomorrow night? You mean, bukas na ng gabi ang party na paggagamitan mo ng suit na iyan?"

"Oo. Birthday kasi ng tatay ko---"

"Baliw ka talaga, ano?"

"Bakit na naman?"

"Paano pala kung hindi ko iyan natapos agad? Sisisihin mo pa ako kapag hindi ka nakapunta sa party na iyon ng tatay mo."

"Bakit naman kita sisisihin? Sa ibang okasyon ko naman talaga ito sana gagamitin. E, natapos mo naman before my father's party kaya ito na lang ang isususot ko roon. Pero nalalayo tayo sa usapan. As I was saying, I need a favor---"

Let Me Call You Sweetheart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon