Part 10

11.8K 322 19
                                    

"MOIRA, MAY bisita kang guwapo."

Nag-angat ng tingin si Moira mula sa binubusising gown. Mula sa assistant na si Lindy ay dumako ang mga mata niya sa direksyong tinitingnan nito at ng dalawa pang mananahi. Chance was once again standing by the door. As usual, may bitbit na naman itong tupperware ng pagkain na ipinadala na naman sigurado ng kuya niya upang ibigay sa kanya.

Malapad ang pagkakangiti nito. Subalit unti-unti iyong nawala nang hindi man lang nabanat ang kanyang mukha upang gantihan ang mga ngiting iyon.

"Wrong timing ba ako?" tanong nito.

"Oo." Ibinalik niyang muli ang pansin sa ginagawa. "Lindy, pakikuha na lang ang tupperware kay Chance."

"Ikaw na lang. Tinatamad ako, eh."

"Claire---"

Excited na tumayo ang isang mananahi pero agad din itong naupo nang pigilan ni Lindy.

"Tinatamad din si Claire. Di ba, Claire?"

Malakas ang kutob niyang pinagti-trip-an na naman siya ng kaibigan. Kaya napilitan siyang harapin ang binata upang kunin ang tupperware.

"Pakisabi kay Kuya salamat."

"Moira Kel---"

Basta na lang niya ito tinalikuran nang hindi na pinatapos pa ang sasas=bihin nito. She wanted to scream the hell out of him for not listening to her about her name. And for hurting her without noticing it.

"Moira, may sasabihin pa yata si Chance."

"I'm busy, Lindy."

"Sige, babalik na lang ako."

She turned to him. "Bakit?"

"Nakalimutan ko na ang sasabihin ko." Pagkatapos ay umalis na ito.

Nilapitan siya ng kaibigan. "Oy, anong drama iyan? Bakit naman ipinahiya mo si Chance?"

"Ipinahiya? Hindi naman marunong mahiya ang taong iyon."

"Moira, what's wrong with you?"

"Nothing. Tinanong ko lang naman kung bakit pa niya kailangang bumalik dito. Masama na bang magtanong ngayon?"

"Nagbanggaan na naman ba kayo ni Chance?" Hindi siya kumibo at ipinagpatuloy na lamang ang pagkutingting sa gown. Napabuntunghininga na lang ito. "Akala ko ba okay na kayo? Inlove ka na nga sa kanya, di ba?"

Napasinghap ang mga mananahi nila. Binato niya ng inuupuang throw pillow ang kaibigan. Tumawa lamang ito.

"Hay naku, nagselos na naman ang lola ko. Naman, Moira. Hindi ka pa ba nasanay? Babe magnate ang amore mo, natural na lapitan siya ng mga babae kahit saan siya magpunta."

"Manahimik ka nga riyan." Nagdadabog niyang itinaas sa kanyang harap ang gown saka ininspeksyon iyon. "Wala akong pinagseselosan."

"Kung ganon, bakit ganon na lang ang pakikitungo mo kay Chance kanina?"

"Huwag mo ng intindihin iyon. Asikasuhin mo na lang ang mga bagong designs natin para hindi tayo matamabakan ng trabaho."

"I still want to know what happened between the two of you. Sabi ni Papa Boris ko, matapos nyo raw manggaling ni Chance kina Mrs. Lamberto, naging malungkot ka na at hindi pala-imik."

"At kailan pa natutong magkuwento si Kuya sa ibang tao ng mga nangyayari sa bahay?"

Lindy's face glowed and her eyes shone. "Since we started dating two days ago."

"What?"

"I think nagbunga na rin ang pagtitiyaga ko sa kanya."

"You mean, kayo na ni Kuya?"

Let Me Call You Sweetheart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon