AGAD DUMAKO ang paningin paningin ni Moira sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Chance's grinning face was now so close she could almost breathed in his minty fresh breath. Hindi niya alam kung anong nangyari pero bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib. At dahil hindi pamilyar sa kanya ang ganoong pakiramdam, agad siyang nag-react upang makalayo rito. Napadukwang ito nang sikuhin niya ito sa tiyan.
"Awww!" Hinimas-himas nito ang nasaktang sikmura. "Ikaw talagang babae ka..."
Hindi pa rin humuhupa ang kabang iyon sa kanyang dibdib nang lumayo rito. Kaba na sigurado siyang hindi nagmumula sa takot. It was the first time she had seen him that close. Or felt his body against hers. Muli niya itong nilapitan at malakas na tinampal sa noo.
"Buwisit ka! Bakit mo ako ginulat nang ganon? Balak mo ba talaga akong patayin sa takot, ha?"
"Hindi kita tinakot!" Tumayo na ito nang maayos sa kabila ng panaka-naka nitong pagngiwi. Mukhang ininda talaga nito ang ginawa niya. "At tsaka, bakit naman kita tatakutin? Gusto ko lang namang itanong kung anong nangyari sa inyo dahil narinig ko kayong nagsigawan dito kanina."
"Moira, magkakilala kayo ni Chance?" tanong ni Lindy.
Nilingon niya ito. "Magkakilala kayo ng lalaking ito?"
"Magkakakilala tayo?" singit ni Chance. "How nice."
"Tumahimik ka!" singhal niya rito. "Lindy, hindi ka dapat nakikipagkilala sa gaya nito. Masama siyang tao. Kriminal siya!"
"Oy, Moira Kelly. Huwag kang ganyan. Puwede kitang kasuhan ng libel!" (Note: thank you sa nag-correct :) )
"Sa print lang puwede ang libel, 'no?"
"E, di magpapa-print ako." Buong giting pa nitong itinuro si Lindy. "At siya ang witness ko."
Nanggigigil niya itong binalingan. She was about to say something when she noticed her brother walking towards them.
"O, Moira, anong ginagawa mo rito? Akala ko ba may kausap kang ahente ngayon?"
"Anong ginagawa ninyo..." Halos manlaki ang mga mata niya nang makita ang establisyimentong pinanggalingan ng kanyang Kuya Boris. Auron Motors. Iyon ang official dealer ng mga mamahaling sasakyan sa bansa na pag-aari ng kuya niya at ni Chance. "Kayo ang may-ari niyan?"
"Moira, matagal mo ng alam iyan," wika ng Kuya Boris niya. "Bakit parang nabibigla ka pa? Ganyan na ako kayaman, kapatid ko."
"Ganyan na 'tayo' kayaman," singit ni Chance.
Parang gusto na niyang magpapadyak. Of course she knew he and her brother own the Auron Motors. Ang hindi lang niya matanggap ay ang katotohanang magiging kapitbahay niya ang establishment ng mga ito. Ni minsan kasi, dala ng pagiging busy niya sa dating trabaho, hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong alamin kung saan ang branch ng mga ito.
Nasapo niya ang noo. This is a nightmare! Ang ibig sabihin kasi ng pagiging magkapitbahay ng kanilang mga negosyo, madalas na rin niyang makikita ang pagmumukha ng Chancellor Ortega III na ito.
"Moira," ani Lindy. "Bakit naman hindi mo sinabing kakilala mo pala itong si Chance?" Napansin niyang nagpa-cute pa ito nang sulyapan ang kanyang kuya. "At kapatid mo pala itong...isa pang guwapo."
"Lindanilla!"
"What? Ina-appreciate ko lang naman ang biyaya ng Diyos sa kababaihan." Inilahad nito ang kamay sa Kuya Boris niya. "Hi! I'm Lindy."
"Boris." Tinanggap naman nito iyon. "Welcome to the neighborhood. Ikaw ba ang kasosyo nitong menopause baby kong kapatid?"
"Ay, oo."
BINABASA MO ANG
Let Me Call You Sweetheart (COMPLETED)
RomanceGinamit ni Moira ang lahat ng nalalaman niya sa taekwondo upang mapatumba ang taong sumusunod sa kanya nang minsang mag-jogging siya sa gabi. Pero mukhang mas magaling at mas mabilis ito. Hanggang sa magpakawala siya ng malakas na sipa. "Ops, ops...