Entry #2: Alay Para Sayo

211 9 2
                                    

Malamig ang hangin, malamlam ang tingin

Masakit sa damdamin, ika'y galit sakin.

Mahirap man aminin, masakit tanggapin,

Sana'y ako ay iyong kausapin.

Sakin ay sabihin, lahat ng hinanakit.

Alam kong masakit, sana'y h'wag ipagkait.

Halika sa kandungan ni ama at ika'y lumapit,

Sumama ang tingin, isang maanghang sa salita ang sinapit.

May luhang pumatak, isang salita ang tumatak.

Mistulang nakayapak, hindi alam kung sa'n tatapak.

Sana'y may pakpak upang maiwasang bumagsak.

Isang salita ang nasa utak, ngunit sa dibdib napahawak.

Pagpasensyahan si ama kung ako'y naging masama.

At sa maikling panahon, sana'y maging tama.

Kahit hindi sa ending, jueteng o lotto tumama,

Basta't ika'y kasama, walang sakit na nadarama.

Tandaan lang ang salitang "MAHAL KITA"

Ipaparamdam ko ang mga salitang yan kahit di mo nakikita.

Sasambitin, uulitin ang 'Mahal Kita' hanggang pumikit ang aking mata.

Bawat salita, isisiksik sa lata, masaya pala maging makata.

-Anonymous

Nagbabasa ako ng dyaryo at nahagip ng mga mata ko ang saing artikulo na naglalaman ng isang tula na ang pamagat ay “Alay para sayo”

Habang binabasa ko bawat salita ay tagos-tagusan sa puso ko. Ramdam ko ang paghingi niya ng patawad sa kanyang anak. Kung ako siguro yung anak, napatawad ko na siya. Kasi hindi ako yung anak.

Sana ganyan din si papa.’ Ang tanging salitang tumatak sa utak ko.

“Reyna! Halika nga rito at may sasabihin ako.” Tawag sakin ni mama.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan na’san si mama.

“Ma! Alam ko na ang sasabihin mo, na hindi na naman ulit ako makakapag-aral ng kolehiyo kasi wala na na naman tayong pera pampa-aral sakin” ganyan naman lagi si mama taun-taon. Same place, same time, nakakasawa.

“Ma! Sa tatlong taon, paulit-ulit na lang. ayoko nang marinig yung sasabihin mo kasi, lagging tumatatak sa kokote ko na hindi ko na maaabot yung mga pangarap ko. Ni ayoko ngang lumabas sa bahay na’to kase once na lumabas ako, hindi nila maiwasang magtanong ng ‘saan ka nag-aaral?, anong course mo?, anong year ka na?’ ang tanging sagot ko lang, ‘NAG-STOP AKO’ Ma, iisipin ko pa lang ‘yon, sumisikip na dibdib ko. Sana hindi mo na lang ako sinanay noon na kung ano yung gusto ko, makukuha ko.”

May rumihistrong luha mula sa mata ko. Hindi ko kinaya yung sakit.

Iniwan ko si mama sa kusina at bumalik sa aking kwarto upang doo’y ibuhos ang dala-dala kong sama ng loob.

Nakapagbitiw ako ng masasakit na salita kay mama. Ang taong gusto kong protektahan, ay yung tao pang nasaktan ko. Hindi ko sinasadya ang pagsalitaan siya ng ganun pero masyado akong nadala sa emosyon ko. Masyado na kasing mabigat, halos tatlong taon ko to’ kinimkim. Tanging Diyos lang ang saksi sa lahat ng sakit na nararamdaman ko simula noon.

WM 2nd Monthsary Poem Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon