Mahal kong MagulangPaglisang di inaasan na kinailangan para sa magandang kinabukasan
Kung hindi dahil sa kahirapan hindi kailangang mawalayNais ko lamang magpasalamat sa buhay na iniaalay, inialay upang aming kinabukasan ay magliwanag.
Pagpapagod, pagkawalay na iyong tinitiis, araw gagawing gabi gabi gagawing araw upang mabigyan ng maayos na hinaharap.
Maraming salamat sa wagas na pagmamahal, pagmamahal na hindi ninyo hinayaang mawalay sakabila ng malayong agwat na parang bundok, dagat ang pagitan.
Labis akong nagpapasalamat sa pagpiling inyong ginawa dahil lahat ng ito'y para lamang sa kinabukasan at labis na pagmamahal.
Kami'y mananatiling mga anak na mag aantay sa magulang na siyang handang maglakbay upang masigurado ang kinabukasan.
Mahal namin kayo at lubos kaming nagpapasalamat.
BINABASA MO ANG
Tula At Mga Quotes Handog Para Sayo
RandomMinsan dahil sa quotes at mga Tula kaya nalalaman natin ang mga bagay bagay