Tula

19 0 0
                                    

Tanong ng Isip

Paano itatama mga pagkakamaling di pinag isipan?
Paano matatanggap mga katotohanang salungat?
Saan maguumpisa? Saan dadalhin ng bawat isipan?

Naliligaw ako dahil sa pagkakamaling hindi sinadya, ngunit sinadya ng tadhanang maganap?

Mahal kita ngunit bawat galaw ay di magtugma. Naguguluhang utak di maitama.
Mahal kita ngunit sapat pa ba? Sa dami ng maling patulo'y na nagagawa?

Saan na nga ba tutungo? Saan na nga ba lulugar?
May lugar nga bang itinalaga para sakin?
May lugar nga ba ang para Satin?
May lugar pa nga bang matatawag na atin?
O habang buhay nalang mananatili sa Ikaw at ako ngunit walang Atin?

Tula At Mga Quotes Handog Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon