Mga bituing nagniningning sa maulap na Himpapawid
Mga Gabing kay dilim ngunit ngiti mo'y nagliliwanag pa dinNasan ka? Nasan tayo? Nasan ang magiging tayo?
Nasan ka? Nung sinasabi nilang hindi naman bagay ang tayo? Nasan ka nung sinasabi nilang mas bagay ang kayo.Nasan tayo? Nasaan ang tayo?
Nasan ang magiging tayo?
Mga tanong na paulit ulit sa utak ko mga tanong na animoy hindi totoo
Mga tanong na akala mo walang sagot
Sagot na maaaring makapagpaliwanag sa kung ano mang meron ang ako at ikaw na sinasabing tayoKay dilim sa bawat daan
Kay hirap ang nararanasan
Pero aking maha'y wag mabalisa pagkat puso natin ay iisaSabay tayong lumakad sa madilim na kalangitan
Harapin ng nakayapak habang hawak ang kamay
Sabay nating salubungin ang mga tanong na iyan mga tanong na sa kanila ay hindi maliwanag mga tanong na sa kanila'y Walang halagaSabay nating sagutin
Sabay nating ibahin ang mga isip nila na ang tayo ay imposible dahil sa labang ito tayo ay talo ngunit panalo sa isat isaSabay nating ipakita na mali sila dahil tayo ay panalo dahil sa kwentong ito ang ikaw at ako ay aabot hanggang dulo
At ating isigaw na sa dulo ng karimlan Ikaw at Ako ang nakikita sa walang hanggan
![](https://img.wattpad.com/cover/82258344-288-k766276.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula At Mga Quotes Handog Para Sayo
De TodoMinsan dahil sa quotes at mga Tula kaya nalalaman natin ang mga bagay bagay