Simula

389 3 0
                                    

Akala ko tuluyan na ako mawawalan ng pag-asa simula nang mawala si Daddy. Mayaman ang Pamilya ni Daddy pero hindi kami humingi ng tulong

Pero labis ng pasasalamat ko ng makilala ko ang ama ng taong pinakamamahal ko

"Brioneza you need to pretend my young wife" pagmamakaawa niya naguguluhan naman ako bakit?

"Tito! Ano po ba sinasabi niyo?" naguguluhan kong tanong "Kailangan maisalba ang kompanya ko at kailangan may asawa akong ipapakita e wala naman" nakikita ko ang pagkagulo gulo sa nangyayari dahil sa itsura niyang magulo ang buhok at may bahid na mantsa ang damit

"bakit kailangan ng asawa para maisalba ang kompanya?" tanong ko sa balisang si Tito Jimmy

"Kasi yung tumulong sakin na mapaunlad ang kompanya ay galit sa walang asawa at babawiin niya ang kompanya kapag anytime na mabuking ako na wala akong asawa can you help me please?" naingingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata naguguluhan padin ako bakit kailangan niya pang mag-asawa para maisalba ang kompanya sa taong yun? Pwede yun ipakulong pang bablackmail ang ginagawa niya

"Tito! No way! Tutulungan kita pero h-hindi maging a-asawa niyo napaka bata ko pa para diyan" giit ko na

"You just need to pretend Brioneza I know naiilang ka pero Brioneza you're like a daughter to me kaya wag kang mag-alala at diba sabi mo may gusto ka sa isa kong anak? Pag tuluyan ng naging successful ang plano natin ibibigay ko na ang anak ko sayo kahit sino man sa kanila" nasamid ako sa sarili kong laway para naman laruan ang anak niya

"T-tito I'm sorry hindi naman po ganun kadali yun" ako

"I need you Brioneza ikaw lang kailangan ko at gusto kong tulungan mo din ako kahit dito lang sa mga naitulong ko sayo at sa pamilya mo I love your dad he's my bestfriend at pinangako ko sa kanya na babantayan kita at tatayong ama sayo just help me Brioneza please itong kompanya na ito ang pamana ng magulang ko sakin at pambuhay sa mga anak kong mababait" nakita kong naluluha na siya oh! Bakit naguguilty ako! Briony isipin mo makakamit mo na ang lalaking pinakamamahal mo bakit hindi ako makahindi?

I found myself nodding

"Ano po ba ang gagawin ko?" tanong ko nakita kong nabuhayan siya

"Titira ka lang sa amin sa iisang bahay" nanlaki ang mata ko

"What?"gulat kong tanong

"Relax kasama ang mga anak ko may sarili kang kwarto at kailangan mo lang ipakilala sa kanila na ikaw ang magiging nanay nila at syempre ang mga gawaing ina na nagluluto,naglilinis at iba pa gagawin mo pwede mo ding ipagawa sa mga anak kong mababait" napanganga ako paano na si Arghhhh! Yes yes! Relax Briony umoo kana di kana pwedeng tumanggi pa

"Paano po si a basta! Paano ko po siya makukuha?" uminit ang pisngi ko sa tanong ko damn! Kainin na sana ako ng lupa

Nakita ko si Tito na tumawa

"hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo sa anim but ikaw na bahala gumawa ng hakbang basta tutulungan lang kita sa lahat" namula ako sa sagot niya damn!

Sabi ni Tito ngayon daw kami lilipat sa Mansion nila kaya agaran din ang pag-aayos ko ng gamit

My Dad died a year ago ang lola at lolo ko lang ang nag aruga sakin pati si Tito Jimmy na taga suporta ng aming pangangailangan kaya laking pasasalamat ko ng dumating sa buhay namin si Tito

My mom? She left us without saying a word

Kaya wala na akong pakealam sa kanya

"Hija sabi ni James sa kanya kana daw titira at sinabi niya ang plano niyo nagalit ang lolo mo pero desisyon mo yan kaya hindi naming pakekealaman apo mag-ingat ka alam namin mabuting tao si James pero dapat mag-ingat padin bisitahin mo kami a? Mahal ka namin apo" naiiyak ako mamimiss kita lola kayo ni lolo

The Young Mother of Six hot GuysWhere stories live. Discover now