Mundo(ToLine)

870 17 0
                                    

San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala

Tots POV

Una kitang makita ay rookie days natin. First game namin kayo.  UP vs UE, at inaamin ko ang galing galing mo. Team Captain kahit rookie ka palang. Ang ganda mo rin pero mas maganda para sa akin noon ay si Isabel. Oo, mahal ko si Isa noon. Nawala ka ng isang taon, naskip mo ang season 79 and akala ko makikita kita noon. Hanggang sa nabalitaan ko na lumipat ka pala sa Morayta. Lumipat ka pala sa FEU. Isang taon akong naghintay para makita ka muli, oo inaamin ko crush kita noon. Hanggang sa dumating yung araw ng laban natin. UP vs FEU na para sa sesason 80. Lumabas kayo sa dug out at aaminin ko, nabighani ako sa iyong taglay na kagandahan. Sobrang ganda mo, mas gumanda ka pa kaysa noon.

Buong laro di ko maiwasang tumingin sayo. Okay lang sakin na matalo kami dahil nahawakan kita. Nahawakan ko ang kamay mo. Yung mga sandaling nahawakan ko ang kamay mo, kakaiba ang naramdaman ko. Naramdaman kong parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko.

"Tots easyhan lang natin" nakangising sabi ni Ayel.

"Tots ano ba andito pa kami. Matatalo na tayo nakangiti ka pa"Natatawang sabi ni Isa.

"Aba ewan ko sa inyo" naiinis kong sagot. huhuhu ako nanaman po ang napagtripan nila.

Natalo kami pero HAHAHA okay lang atleast nakita kita. Nakita kitang masaya. Nakita kitang nakangiti. Hanggang sa isang araw bigla mo akong finollow sa twitter.

"Oh bakit ka kinikilig?" nakangising sabi ni Ayel.

"Uy finollow siya ni Celine" tumatawang sagot ni Maris.

"Uy kinikilig siya yiiiie type mo si Domingo noh Tots" sumbat ni Jessma. Oh ma ghad lamunin niyo na ako ako'y napagtritripan nanaman.

"Bahala kayo diyan aalis na ako may klase pa ako"sabi ko sabay alis papunta sa subject kong math.

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’y magiging ikaw

Hayst ang hirap ng buhay. Aral dito, aral doon pgkatapos ay training di mo na nga masisingit ang buhay pag-ibig charot lang HAHHA wait may nagdm sakin sino kaya 'to?

Celine Domingo➰messaged you
Oma ghad mga mamsh minessage ako ni Celine

Celine:hi lodi pwede ka ba sa sabado?

O TO DA M TO DA G 😱 NIYAYAYA BA AKO NI CELINE PARA SA ISANG DATE?!

Diana Mae: bakit idol?

siyempre pabebe muna tayo ano ho

Celine: Niyaya kasi ako ni Kyle manood ng game ng FEU mens eh huhuhu panonoorin niya yung bf niya

gusto talaga ata ako ni Celine hehehe ang kapal ng mukha ko HAHAHA

Diana Mae: sige tsaka gusto mo after ng game samahan mo ako

Diana Mae: may pupuntahan lang tayo hehehe

Celine: Sige lang HAHAHA

Celine: Date yun ah

Date yun ah.
Date yun ah.
Date yun ah.
Date yun ah.

Paulit-ulit sa utak ko. gusto niya rin kaya ako? yes tama kayo ng nababasa readers, gusto ko si Celine. huhuhu anong irereply ko.

Diana Mae: sige. it's a date😊

Celine: ano nga pala ang number mo?

Celine: para matext kita in case na hindi kami on ni kyle.

hinihingi niya na ang number ko. step by step tayo dito mga kababayan.

Crazy ThingsWhere stories live. Discover now