Istorya(MarianxAyel)

266 2 0
                                    

Sa istorya
Na tumatakbo sa aking isipan
Ikaw ay nariyan
At kasama mo akong nangangarap
Na balang araw ay

Ayel's POV

"Ayel tama ba?" tanong ng isang babae pagkatapos ng try outs

"ay oo, Arielle Estrañero pero ayel for short" pagpapakilala ko.

"Ang galing mo kanina" nakangiti siya.

"HAHAHA ikaw rin ano ka ba nambola ka pa" sabi ko.

"sus hindi ah magaling ka talaga. good luck sa atin" sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

"yeah good luck?" tanong ko.

"ay sorry oo nga pala nakalimutan ko sabihin ang aking pangalan. Marian Buitre pala" sabi niya ang cute niya sobra.

"sana maging magkaibigan tayo marian" sabi ko sabay tanggap ng kamay niya para makipagshake hands.

"Una na ko hah may class pa ako eh" sabi niya sabay takbo papalabas.

Bakit kakaiba ang aking nararamdaman. First time lang ito mangyari sa akin. Bahala na may class rin pala ako mamaya.

Aabutin mga bituin
Habang pasan kita
Buong mundo'y aangkinin
Para sa'ting dalawa
Hinding-hindi ka bibitiw
Kahit sa'n magpunta
Pero ngayon

"Marian and Ayel" sabi ni ate kathy.

Tinawag lang naman ang mga magiging magroommates for the rest of the year.

"yun oh nice one marian" asar ni ate nicole.

"one point for buitre" natatawang sabi ni ate angeli.

"ewan ko sa inyo" sabi niya sabay tayo.

"halika tutulungan na kita sa mga gamit mo parang dala mo na ata buong bahay niyo eh" pang-aasar niya.

"hmp kainis ka HAHAHHA" sabi ko sabay tawa at natawa naman siya.

"lika na may dinner daw mamaya" sabi nito sabay kuha sa isa kong bag at diretso na sa room.

"bakit ang onti ng mga gamit mo?" tanong ko rito habang nag-aayos.

"ah antipolo lang bahay namin malapit lang" sabi nito sabay tanong na "eh ikaw bakit madami sayo parang di ka na niyan uuwi."

"siyempre layo kaya ng bacolod dito" sabi ko.

"kaya pala" sabi nito gabang nakatingin sakin.

"kaya pala ano?" sabi ko.

"kaya pala ang hilig mong ngumiti" sabi nito.

Feeling ko namula ang pisngi ko. Nakakahiya naman.

"nambola ka pa" sabi ko rito.

"Totoo kaya ang ganda mo pa nga eh" boom wala na finish na.

"Marian, Ayel halika na aalis na para sa team dinner" sigaw ni ate kathy.

"halika na baka gutom na sila" sabi ko.

Nasa'n na?
Nasa'n na?
Sabi mo hindi ka bibitiw
Pero nasa'n na?

Naging sobrang close kami ni Marian. Minsan nga eh tabi pa kami matulog sa kama ko o kaya sa kama niya. Sabay kumain at sabay umalis sa dorm para sa training. Lahat ng pwedeng gawin ng magbestfriends nagawa na namin. Minsan nga napagkakamalan na kami eh. Kaya ayon nahulog itong si tanga sa taong may mahal ata na iba. Pinakilala na kasi sa amin ang mga magtrytry outs na future rookies. May type siya dun sobrang papi naman kasi tapos mabait at sweet pa.

Crazy ThingsWhere stories live. Discover now