NEXT ON TRACK

5.2K 58 10
                                    

Title: "Underneath Your Clothes"
Genre: General Fiction

"SASHA, hindi pa nga nag-uumpisa 'yong party, ang dami-dami mo nang nainom!" saway sa akin ni Celine.

Yeah, what my best friend just told me was true. Hindi pa nag-uumpisa ang bridal shower niya, ang dami ko nang naitunggang alak.

"So what now? Mayaman ka naman, Lin! Mayaman din si John! You can pay every drink I'll take this night." patamad kong sagot.

Tinatamaan na nga ako sa dami ng nainom ko dahil sa pinagsasasabi ko.

"Well, Sasha, hindi naman 'yon yung problema ko. I'm all willing to pay whatever drink you want to take right now 'cause it's my party, charge everything to me! Ang pinupunto ko lang po ay baka masobrahan ka sa kalasingan niyan!" patuloy niyang sermon sa akin.

"Whatever, Lin. In-invite mo naman ako rito, and I'm your best friend kaya hayaan mo na ako!" irap ko sa kanya.

Ang galing ko din eh 'no? Ako na nga itong naki-party lang, ako pa itong nagtataray! Perks of being somebody's best friend!

"Oo nga naman, best friend kita kaya pasalamat ka!" ganti niya sa makulit na pagtataray.

"Haha kaya nga! Love you!"

"Kung hindi lang talaga kita best friend, Sha eh kanina pa kita ipinatapon sa pasig river! Haha love you too!"

Napailing nalang kami habang tumatawa. Ganyan talaga kaming magbi-best friends. May irapan, may tarayan pero wagas kung magmahalan!

"Bakit 'di mo nalang kasi gayahin itong baby Seni natin? Look oh! Nagtatarayan at nagtatawanan na tayo rito, siya diyan sa tabi tahimik pa din at pangiti-ngiti lang! Maria clara as ever!" napagdiskitahan bigla niya ang isa pa naming best friend na si Serenity.

Totoo din 'yan. Kanina pa ang isang 'yan, diyan lang sa tabi, tahimik tulad ng lagi. Nakikinig, hindi nagsasalita at pangiti-ngiti lang kapag nagtatawanan kaming dalawa ni Celine.

Sa totoo lang, hindi ko din maintindihan kung paano naming naging best friend ng huli si Serenity gayong kung ikukumpara siya sa aming dalawa ni Celine, parang siya yung tipo ng babaeng napakasobrang prim and proper, tipong babaeng hindi makikipagkaibigan sa katulad naming madadaldal at parang mga bad influence... Ang bait kasi ni Seni eh, samantalang kaming dalawa ni Celine? Hay, oo, nasobrahan sa bait! Sobra-sobrang bait in a sarcastic way!

Well, maybe, gano'n nga siguro 'yon. Despite of differences, nag-click pa rin kaming tatlo. Maraming taon na ang lumipas at solid pa rin ang friendship na mayroon kami. Look at them now? Pareho nang lumagay sa tahimik. Si Serenity, happily married na't may isang anak, itong si Celine naman maglalagay na rin sa tahimik. Ang bilis lang talaga ng panahon!

"Nananahimik ako rito. Hindi ko kayo inaano!" tatawa-tawa namang depensa ni Serenity sa sinabi ni Celine.

Kahit na tatawa-tawa siya, dyosa pa din talaga. Iba!

"Oo nga! Alam kasi ni Serenity na ikaw naman ang magbabayad ng lahat ngayon gabi, Celine, kaya nananahimik siya!" biro ko rin.

"Eh natural, party ko 'to! Alangan namang kayo ang pabayarin ko sa bridal shower ko 'diba?"

Nagsitawanan ulit kaming tatlo.

Nasa isang high-end bar kami pero naka-designate kami sa iisang kwarto. Isang sosyal at daring-ambiance party suit na paggaganapan ng bridal shower ng echuserang mahaba ang hair na friend naming si Celine!

In a minute, magti-turn off na ang lights dito sa suit dahil lalabas na ang mga macho dancers na ii-entertain kami. Or maybe, ako lang. Ako nalang kasi ang nai-entertain sa mga ganito dahil pareho nga'ng taken na ang dalawang echuserang sina Serenity at Celine!

Killing You Softly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon