ONE: "Yeah. I like it too."
"MAHAL na mahal kita, Ava... "
"Mahal na mahal din kita, Dave, kaya lang hindi talaga pwede. May asawa na ako."
"Ipaglalaban kita."
Napangiti ako nang kadarating ko lang sa set kung saan nagti-taping ng movie scene ang artista kong best friend kasama ng mga co-stars niya at ng direktor nila saka iilang personnel and staff.
"Pero mali talaga ito, Dave."
"Wala akong pakialam kung mali ito kasi alam ko, ramdam kong ang pagmamahal ko para sayo ay tama."
Hindi ko maiwasang mapailing habang magiliw na nakangiti at pinanunuod ang kaibigan ko. Acting as if a straight, huh? Really, Dane?
"Oh, Dave!" the girl actress hugged her leading man as her tears fell down.
"We'll fight, baby. We'll fight against all odds. We'll fight even against the world." anang bidang lalaki at hinigpitan pa lalo ang yakap nila.
"Okay, cut! Cut!" deklara na ng direktor kaya naghiwalay na ang dalawa mula sa yakap at nagpunas na ng luha ang lead girl gamit ng towel na ibinigay ng kanyang P.A, I guess.
"Very good! That was very good, Aira and Daniel." natutuwang papuri pa ng direktor sa kanilang dalawa.
"Salamat po, direk." isa-isa nagpasalamat ang dalawa.
"Okay, keep up the good work huh? You may now take your break."
They nodded and that's the time I gave my best friend a clap.
Nagulat naman siya nang makita ako pero gumuhit kaagad ang malaking ngiti sa kanyang labi. "Scarlette?"
"Hi, Daniel!" I waved at him sexily.
"Oh god! It's really you, Scar!" tuwang-tuwa siya nang sinalubong ako ng yakap.
I hugged him too.
"God, Scar! I missed you!" aniya nang kumalas kami sa yakap at hinawakan niya ako sa balikat.
Ngumisi ako. "I missed you more, Dane!"
"Uhm, ha-hi!" bigla ay sumingit sa amin ang baklang-ladlad na direktor nila na feeling close.
Ang ganda ng ngiti nito sa akin.
I smiled back to him. "Hi."
"Ah, by the way, Scar. This is our director. Direk Connor." pagpapakilala ng kaibigan ko ng direktor nila sa akin. "And, direk, this is Scarlette. My best friend."
"Hello, Scarlette!" anang direktor saka walang pagdadalawang-isip na naglahad ng kamay sa akin.
Inabot ko iyon at nakipag-shake hands. "Hello, direk."
"Nice to meet you." patuloy niya.
"Uh, yeah. Nice to meet you too."
"Uhm, ang ganda-ganda mo talaga 'no? Anong size ng waistline mo? Anong height mo?" sunod-sunod niyang tanong matapos kaming mag-shake hands.
Nabigla naman ako sa mga pinagsasabi nito. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita kong halos lahat ng mga tauhan nila at iba pang mga artista ay nakatingin na rin dito sa amin. Particularly, sa akin. They look as if they saw an angel while staring on me. They look so amused by my presence! Why? What's wrong? Ngayon lang nakakita ng maganda? Ngayon lang nakakita ng sexy? Ano ba!
"Direk naman!" saway na ni Daniel sa direktor nila saka binalingan ako. "Pasensya ka na, Scar."
"Ah, oo. Oo, pagpasensyahan mo na ako, Scar! You know, nagandahan lang talaga kasi ako sayo!" sunod pang paumanhin sa akin ng bakla.
BINABASA MO ANG
Killing You Softly (Completed)
RomanceBuhay ang kabayaran mula sa buhay na inutang. His life is destined to be finished by her. Will she be ever able to succeed killing the man she hated all her life? Can she really be able to resist his gorgeousness? Until when? What are the things she...