Nakasanayan na ni Katrina ang mamuhay mag-isa mula nang mag-asawa ang mommy niya at magkahiwalay sila. Nakatutok siya sa negosyo dahil doon siya magaling. Doon kasi siya hinubog ng mommy niya-sa matalinong paghawak sa responsibilidad na ipinagkatiwala nito sa kanya.
Pero may isa siyang isang problema-sa pagtatapos ng bawat araw na umuuwi siya sa bahay na walang naghihintay sa kanya, sinasakop ng emptiness at lungkot ang dalaga. Na-realize niya, napapagod na pala siyang mag-isa.
At sa estadong iyon ng emosyon ni Katrina dumating sa buhay niya ang pulis na si Robbin 'Brave' Guanson. Sa isang iglap ay nagkaroon ng bagong kahulugan ang buhay niya. Ipinaramdam nito sa kanya kung paano maging masaya, kung paano ang magkaroon ng karamay, at kung paano ang mahalin at magmahal. Pero sa huli, ipinaramdam din ni Brave sa kanya kung paano masaktan...