"Sorry Exquisite, break na tayo."
"A-ano?"
Unti-unti kong naramdaman ang paglabo ng aking paningin dahil sa mga namumuong luha sa mata ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong nangyayari ngayon o nanaginip lang ako.
Today is our fifth anniversary pero bakit ganto ang eksena namin ngayon. Dapat nagcecelebrate kami, right?
"I said, tapusin na natin 'to Exquisite. Hindi na kita mahal. Ayoko na, sawa na ako."
Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi nya pero pwersahan nya itong tinanggal.
Okay.
Hindi 'to panaginip, ramdam ko ang sakit ng kamay kong mahigpit nyang tinanggal mula sa pagkakahawak ko sa pisngi nya pero mas nasasaktan yung puso ko ngayon na kanina pa malakas ang pagtibok.
Naririnig nya kaya?
Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Naalala ko nung last anniversary namin, meron syang surpresang inihanda para saken na halos ganito rin, aarte sya tapos mapapaniwala nya ako tapos sa huli sasabihin nya "Surprise lovesy!" Tapos yung emosyon ko biglang mapapalitan ng saya at mayayakap ko na lang sya bigla ng mahigpit dahil sa sobrang tuwa.
Tama.
Baka ganun nga ulit ang plano nyang gawin ngayon kaya tinimpi ko ang paglabas ng aking mga luha at agad na nagbigay ng ngiti sa kanya.
"Lovesy, ano na naman bang pakulo 'to? Nako ikaw ha, kasama ba yan sa surprise mo sakin ngayong anniversary natin? Pwede bang tama na ang pagpapanggap mo kasi nasasaktan na ako eh, kumbinsido na ako sa arte mo mamaya nyan mapaniwala mo na talaga ako." Pilit akong tumawa at mahinang hinampas ang braso nya.
"Exquisite, ano ba! Pwede bang umayos ka nga, hindi ako nakikipagbiruan sayo. Kung ayaw mong tanggapin ang break up ko, hindi ko na kasalanan yun. Aalis na ako. Sorry."
"Dont leave." Matigas kong sabi sa kanya, this time seryoso na ang mukha ko. Nagsisink-in na sa utak ko lahat ng mga nangyayari ngayon. "Paanong nangyaring hindi mo na ako mahal huh Rod? Parang kahapon okay pa tayo ah, nag-iloveyou ako sayo and you say you love me too then we make love that afternoon pero bat ngayon biglang ganyan na? All this time akala ko mahal na mahal mo ako at ayaw mong mawala ako sayo pero heto ka ngayon sa harap ko at you're breaking up with me. How come huh Rod? How come?" Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
All this time, akala ko perfect na. Na hindi kami aabot sa puntong to kasi wala talaga akong clue o ideya man lang na hindi na pala nya ako mahal, lahat naman kasi ginawa ko, I almost give everything to him. Fuck ang sakit.
Sobrang sakit.
"Sorry." Narinig kong sabi nya at tuluyan na siyang umalis sa harapan ko. Sinundan sya ng tingin ko, gusto kong habulin sya pero hindi ko maintindihan bakit hindi ako makagalaw. Gusto kong isigaw ang pangalan nya pero walang boses na lumalabas mula sa bibig ko. Naipikit ko ang aking mga matang kanina pa may umaagos na luha, ramdam na ramdam ko ang sakit.
"Eto na 'yon Exquisite, naulit na naman. Sa pangwalong pagkakataon nagmahal kana naman tapos iniwan ka lang din." Mahinang sabi ko sa aking sarili kasabay ng pagmulat ng aking mga namumugtong mata pero walang tigil pa din sa pag-iyak.
Nakakapanghina.
"Bakit ganun 'no? Maraming beses na akong nakaranas ng ganitong klase ng scenario pero bakit hindi pa rin ako nasasanay. Bakit ang sakit pa rin? Bakit sobrang sakit pa rin?"
Past 11:30 ng gabi pero hindi pa rin ako umaalis dito sa park, wala ng mga tao at tanging ingay na lang ng mga insekto at punong sumasabay sa hangin na lang ang naririnig ko.
Tahimik akong nakaupo sa isa sa mga bench dito habang nakatingin sa kawalan na parang nasisiraan ng bait. Umaasa pa rin ako na babalik si Rod dito at babawiin nya lahat ng mga sinabi nya sa akin kanina.
Nag-intay ako ng isang oras pa.
Hanggang sa maging dalawa.
Tatlo.
Apat.
Pero wala pa ring Rodrigo Fuentabella na dumadating dito sa lugar na'to, na miski kahit anino nya hindi ko nakita. Wasak na wasak na yung puso kong paulit-ulit na nagmamahal pero nasasaktan pa rin. Ano bang mali saken?
Maganda naman ako.
Sexy rin.
Malambing.
Ma-effort.
Ideal type of girlfriend.
Pero bakit ganun? Palagi na lang akong iniiwanan, pinapaasa at sinasaktan gayong nagmahal naman ako ng sobra. Fuck this thing called love.
Nagflashback lahat sa utak ko yung mga naging relationship ko before, gantong ganto rin. Magmamahal ako ng tapat at totoo pero sa huli ako din yung iiyak, masasaktan at iiwan. Akala ko nga hindi na mauulit yun saken ngayon habang in a relationship ako sa isang Rodrigo Fuentabella kasi nagtagal kami ng limang taon at sya na ang pinakamatagal kong naging relationship.
Sobrang perfect na ng lahat. Mahal nya ako, mahal ko din sya hanggang sa umabot kami sa puntong to.
Ang labo diba? Nagmamahalan kami pero bat may break up na naganap.
Ay mali!
Ako na lang pala yung nagmamahal kasi sya nagsawa na.
HA HA HA HA HA.
Nakakatawang pag-ibig, pinaglalaruan ako ni kupido. Nakakagago. Pero yun ang akala ng kupido na yan, kasi this time ayoko na. Ako naman ang maglalaro sa kanya. Papanahin nya yung kung sinoman pero yung pana nya saken, hinding hindi na uubra. Sabi nga nila, it's your time to shine kaya ako naman, paglalaruan ko yung puso nila sa mga kamay ko.
Hinding hindi na ako maiinlove pa ulit, I finished my words.
♚ ♚ ♚
STORY WRITTEN BY:
R O M S Y Y Y
BINABASA MO ANG
LOST IN LOVE (On Going)
Fiksi RemajaNagmahal. Nasaktan. Nagmahal ulit. Nasaktan na naman. Nagmahal muli. Nasaktan na naman ulit. Putanginang love yan. Dahil sa paulit-ulit na scenariong 'to, Exquisite Avery Ramirez decided to turn herself into a "micro" type of girl. Yung tipo ng baba...