WLAHC- 11

256 7 6
                                    

Hello Guys! Wah! Anebeyen! Di ko kayo matiis. Kahit di pa nakakaabot sa 100 votes, yaan ko nalang.. Lab ko kayo eh. Kaya e'to.. Tinapos ko na 'tong chapter na 'to para di na kayo mabitin. HAHA. Kahit ako ayoko ng nabibitin eh. Trip ko lang talaga gumawa ng teaser. Tinamad kasi ako that time, kaya ginawa kong teaser yung chapter 11. Pero ngayon, complete na... :D

Anyways, I dedicate this chapter to Ayaaaa. :) Thanks for supporting and reading my story. XD

Sana monday na... Can't wait to watch Princess and I.. Habang tumatagal lalong gumaganda at lalong kinikilig ako sa mga scenes ni Mikay at Gino.. Grabe lungss ah. Sila Jao at Gino halatang gumagawa na ng moves kay Mikay.. Si Kiko naman todo effort para lang mapansin ni Mikay. O'haaa? Haba ng hair ni Mikaaaaaaay! >:D<

---------------------------------------

Kathryn's POV

E'to ang unang buong araw na magkasama kami ni DJ. Syempre, inaalagaan pa din niya ko kahit bumaba na lagnat ko. Hehe. Nabobored na nga ako sa ginagawa niya eh. Daig pa ang doctor kung magpayo at magpaalala ng pag-inom ko ng gamot. Ganun nalang ba talaga siya mag-alala?? Parang lagnat lang. An'layo kaya nun sa bituka. Helleeerrr??? HAHAHA. Nakakatuwa si DJ. At dahil wala rin naman mga maids, siya yung nagluluto ng kakainin namen. Grabe lungss. Hindi siya marunong magluto, pero trying hard siya. May niluto pa nga siyang pancake, pero nasunog. Laughtrip talaga. Buti nalang medyo marunong ako magluto dahil tinuruan naman ako ni mommy kahit papa'no, kaya tinulungan ko siya... Pero sabi niya kaya na daw niya... Yabang talaga.. HAHAHA. (^_______^)

DJ. Spell Boring... Sarkastiko kong sabi sakanya. An'dito kami ngayon sa sofa, nakaupo at nanunuod lang ng t.v.... Ahaaaaay. (-___-)

B-O-R-I-N-G.. Sabi niya ng seryoso. Aba! Inispell talaga?? Ang slow naman ne'to. Di nagets yung ibig kong sabihin.

Duh! Alam ko ang spelling noh. Ang slow mo! Sabi ko ng pabiro...

Bakit nabobored ka na ba?? Sabi niya..

Uh? Oo eh. Pwede bang magwala, tumalon, gumulong o di kaya magtumbling tumbling? Hahahaha. Natatawa ako sa sarili ko, nagagawa ko na naman mag-isip ng kalokohan. XD

Hindi pwede. Baka mabinat ka pa jan eh. Tsssss. Ok, ayan na naman siya. Feeling doctor 'tong kumag na 'to. Tsk!

Ang arte ne'to. Wala na kong sakit noh. I'm very energetic... Tignan mo oh--- oh!! Hahaha. Nagtatatalon ako sa sofa. Parang bata lang eh noh??

Ang isip bata mo talaga! Umayos ka nga jan. Hmm? Laro nalang tayo ng Guitar Hero..- Siya

Haha. Atleast isip bata lang, hindi maya----- tinignan niya ko ng masama. Hehehe. Uh? Eh? Sige, laro nalang tayo.. Sabi ko sakanya, habang nagpipigil ng tawa.

Ang Corny mo talaga. San ba nakalagay yung controller at play station mo?? Sabi niya.

Nasa kwarto ko. Ako na kukuha... Sabi ko..

Ako na. Jan ka nalang. Okay? Iset-up mo na yung t.v para pagbaba ko ikakabit nalang naten. Sabi niya at umakyat na siya papunta sa kwarto ko...

Daniel's POV

An'dito ako sa kwarto ni kath. Hinahanap ko yung PS. Di naman kasi niya sinabi kung san banda nakalagay.. Tssss. An'kalat ng kwarto niya. Kababaeng tao, ang burara sa gamit. Grabe talaga 'to si kath! Gan'to siguro set-up ng kwarto niya pag wala silang maids. (__ __+)

When Love && Hate Collide ♥♥ (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon