"Sin!!Sakay na!Paparating na sila!!"tinawag ako ng isang lalaki na di ko kilala,tumakbo ako sa direksyon nya,buo ang tiwala ko sa kanya,sumakay ako sa likod ng Duca nyang motor at pinaandar nya ito agad.
"Bilisan mo _______!!"sigaw ko sa kanya..di ko narinig ang sarili kong sigaw ng pangalan nya pero muhkang kilala ko sya..
"Hahaha,di na tayo nyan maaabutan kaya chill lang!"may ngiti nyang sabi sakin then a bright flash of light and a huge honk was in front of us..
"Ilag!!"
*blam!!*
"Aray!!Ano ba yan!?"sigaw ko sabay kamot sa ulo na tinamaan ng kamao,tsk,panaginip lang pala yun..pero..sino kaya yung lalaki dun.
"Hala!Ikaw pa galit!Paparating na si Ma'am!!"nagmamadaling sabi sakin ni Azia,agad syang tumakbo sa upuan nya at sabay ayos ko naman sa sarili ko..argh,bwesit naman eh,15 minutes na si Ma'am na late sa klase tapos papasok pa,eh tinatamad din nga syang mag turo samin eh.
Kumuha na sya ng attendance namin at nag start ng klase,muntikan pa ulit akong makatulog,bago ko makalimutan ang panaginip ko ay isinulat ko na ito sa 'dream journal' ko,sabi kasi nila if you keep track of your dream there might be a chance that you can control it.
Mamayang mga three o'clock ay vacant namin I can go back to sleep,napakalamig ng panahon noon dahil umulan pa ng malakas,di ko man lang ito nabalitaan,naligo ang iba kong kaklase dito,since wala naman akong pamalit ay naupo lang ako at pinanood sila ng biglang..
"Sin.."nilapitan ako ni Franchesca na para bang nahihiya,kasama si Yunique na may tinatago ang kamay sa likod,isa ba tong prank sakin?
"Ano?"tanong ko sakanila habang may itsurang nagtataka.
"Pahiram ng jacket mo..ehehe."ahh,hihiram lang naman pala ng ano!?
"Hah!?Jacket ko!?Bakit naman!?"tinakpan ni Yunique ang bibig ko gamit ang kamay nya sabay sabing "Shhhh,wag kang maingay Sin."
"Eh bakit kasi jacket ko ah."
"Alam mo naman kung bakit eh.."sabay turo sa likodan ni Yunique..
"Ahh,meron ka--"agad tinakpan ni Franchesca ang bibig ko,na agad ko naman kinainis.
"Wag mo nang sabihin na sa alam mo naman eh."lagi na tong nangyayari sakin,magdala din kasi sila ng jacket nila!Nag dadala na ako ng extra jacket in case na isa sa mga babae sa room namin ay meron,kinuha ko ang emergency jacket ko sa bag at binigay sa kanila ito.
"Oh ayan,i-downy yan ah pakabalik sakin!"kinuha na ni Yunique at isinabit sa bewang nya.
"Oo,ida-downy ko po,nagdala ka na talaga ng isa pang jacket ah,ayaw ipahiram yan?"sabay turo sa pinakaimportanteng jacket ko,Trafalgar Law jacket. Oo,sasabihin nyo na 'jacket lang naman bat ayaw mong ipahiram?' Itong jacket na toh ay pinagiponan ko,hango din ito sa isa kong paborito na anime character at ito'y priceless para sakin.
"This one is priceless,kaya bawal toh,magdala na din kayo ng inyo."sabay yakap ko sa jacket na suot ko na at tumawa lang sila sabay sabing 'opo opo' at umalis.
[Fast forward~]
Uwian na namin,hindi na ako sumabay sa mga kaklase ko,nagtitipid kasi ako ngayon eh,may gusto akong bilhin na libro.
"Ganda nga naman ng panahon ngayon oh.."
(Cricket sound)
"Sino bang niloloko ko!Malas naman oh T~T,dapat pala sumabay na lang ako,bwesit ang panahon na toh oh."sabi ko sa sarili ko habang hawak ko ng mahigpit ang payong ko. Maulan pa rin hanggang ngayon,ano bang silbi ng payong na toh kung nababasa lang naman ako.
Mga ilang oras na ako naglalakad ng may mapansin ako. Isang itim na van,nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa lamig at kaba. Chill Sin,nag oover react ka na naman,hinayaan ko lang ito. Pero may naramdam akong di maganda,my guts tell me to run,due to my senses,I ran with all my strenght.
"Shiiiiiiiittttt!!!!"sigaw ko habang tumatakbo,bakit? Kasi sinusundan talaga ako,bumilis ang andar ng langyang van!! Wala naman silbi ang pagtakbo at hinarangan ako ng van,may dalawang lalaki na lumabas sa van at sapilitan akong pinasok!! ( TДT)Tulong!!
"B-biti--"tinakpan nila ang bibig ko,all my sentences turned to muffled screams,yung payong ko!!Hiniram ko lang yun ki mama!Patay ako ngayon,papagalitan ako ni mama nito!!(ಥ_ಥ)A-ay oo nga pala,kinidnap ako..k-katapusan ko na ba toh!?maluha kong sabi sa isip ko..
"Hah!Nakuha din natin ang leader ng 'Scythe's'!!Matutuwa nito si Boss!"sabi nung isang lalaki.
"Ano ba ang mga sinasabi ng iba at mahirap daw kidnapin leader ang ng 'Scythe',eh sadyang mahina lang ata sila eh!"sabay silang humalakhak,tumahimik lang ako at baka sakaling pasabogin ang ulo ko ng kung ano man..langya naman oh!!Ano ba yang leader leaderan na yan,ano yung 'Scythe' na yan,at ang mas mahalaga,pano ako nasali dito!?
Pagkatapos pa ng ilang oras na naman ay huminto na ang van,may takip ang bibig ko at naka hoodie pa ako noon,may takip din ang mga mata ko kaya wala akong makita.
"Labas na Grimm!!"tinulak ako ng napakalakas palabas ng van na ikinatumba ko,tinawan lang nila ako at sinipa sa tyan,namimilipit ako sa sakit noon,hindi din ako makahinga ng maayos..
Ginulpi gulpi nila ako..sobrang sakit na ng katawan ko..after nila akong bugbugin ay may tinawagan sila..nagvibrate ang phone ko sa bulsa..sa tingin ko ay mga 8:00 p.m na nun..dapat ay nasa bahay na ako..mamatay na ako..yan lang ang umikot sa isip ko.
(A sound of a car stopping by and foot steps of a man)
Sa mga narinig ko ay nakasapatos na mamahalin ang lalaki,hinihingal na ako sa mga pagkakataon na yun,nanginginig na ang katawan ko,sobrang hina na ako..papalapit sakin ang mga yabag at inangat ang ulo ko,at inalis ang hood ko..