Wednesday~ P.E ang suot namin ngayon, yung mga guards na na assign para sakin ay wala. Ano kayang nangyari sa kanila, at least di na ako pinag titinginan ng mga tao.
At ayun na sya, tumatakbo papalapit sa mga colt. Ang mala-lampaso nyang buhok na kahit papano ay muhkang cool, ang makinang nyang mga mata at ang ngiting pang cute na bata. Kung akin ka lang di na kita pinakawalan.
"Giles!"
"Madam, yes madam!"
"Pakikuhanan kami ng tubig."
Tsk, kukuha na lang ng tubig, ipapagawa nya pa kay Giles. Feeling donya naman tong babae na toh. Don't worry Giles! One year left at mawawala na sya.
"Madam,ito na po yung tubig nyo madam!"
"Thank you Giles haha."after nun ay umalis na si Giles, inabangan ko talaga tong crush ko na toh noh.
"Giles! Oi! Jollibee,wag namang snab dyan oh!"jollibee nickname namin kay Giles, yung sapatos nya kasi eh, kahawig din ng sapatos ni Jollibee, hahaha.
"Anong kailangan mo Sin? Mag gregreet pa kami ni Bryan."
"Huh? Ah ano,sabay tayo ni Bryan mag lunch, bibigyan kitang chicken.~"sabay hablot ko sa baonan ko na may laman fried chicken. Syempre ako nag luto neto.
"Ayoko nga, baka mamaya ma-ospital pa ako dahil sa pang fofood poison mo."
"Hah!? Grabe ka naman! Ako mismo ang gumawa neto noh!"
"Yun na nga problema eh, ikaw may gawa nyan, so may posibility na mamatay ako dahil sa pagkain ko ng luto mo."
"Oi Giles, bat ang ba- Ay kaya naman pala ang bagal mo eh, haha. Hello Sin, gusto mong sumabay sa lunch namin?"sabay kindat sakin ni Bryan. Thank you Bryan!! Buti at sinabihan ko tong mokong na crush ko si Giles.
"Oh,kita mo! Agree nga si Bryan na sumabay ako eh! Ang arte mo naman Giles, sasabay lang naman ako sainyo eh."
"Argh, sige na, sige na, halina kayo, siguraduhin mo lang na wag kang magiging pabigat samin ah. Tumakbo ka pag tatakbo din kami."
"Oo! Promise, promise."
"Dali na kayo, may naaamoy pa naman akong chicken dyan, haha."
(Sa food court kami kumain)
"Ay lagot, sobra tong chicken na nakuha ko ah. Giles oh, sayo na tong isa kong fried chicken."
"Tas ano? Ma-food poison ako? Wag na lang, kainin mo yang kinuha mo."
"Pfft, ano bang nilagay mong pampalasa dyan, Sin? Bleach ba?"
"Hah!? Syempre hindi noh! Marunong talaga akong mag-luto! 100%!!"
"Huwag nga kayo masyadong maingay, nakaka attract kayo ng unwanted attention dito." Saway samin ni Giles. Eh nang iinis si Bryan eh.
"Kunin mo na kasi yung manok na niluto sayo para ni Sin, para matahimik na yung machine gun nyang bibig,haha." Nag grunt na lang ako at tiningnan si Giles, kinuha nya na yung chicken na luto ko, napansin nya na nag smile ako at napa smile din sya sa peripheral vision ko.
"Masarap talaga yan, Giles! I promise you na mapapa-wow ka sa sarap ng chicken na luto ko."
Kumain na kami ng tahimik at hum lang ako ng hum, sana nagustuhan ni Giles luto ko, sabi nga nila the easiest way to a man's heart is through his stomach. Kaya yun ang ginagawa ko.
Nung pabalik na kami sa classroom ay may nadaanan kaming mga upper classman, kaya nag greet sila, sumabay na lang ako kahit di naman ako kasali sa colt, para di ako O.P, I kept my distance of course.
"Nagustuhan mo ba yung chicken? Wala kasi si mama kaya ako ang nag luto para samin ni kuya, tapos napadami luto ko,haha."
"Yeah, ok naman sya. Kulang lang sa practice." I know na wala lang sa kanya ang mga efforts ko but I'll still try my best para sa kanya.
Nakarating na kami sa classroom, at mag gre-greet pa sila, kaya naman naiwan ako sa classroom.
"Hay naku Sin, umamin ka na kaya noh, para di ka na magsayang ng effort mo."
"Tas ano? Umuwi na umiiyak?"
"Ikaw na mismo nag sabi na crush lang yan, feelings fade."
"..fine, I'll take the risk."
Hapon na,andun lang ako sa second floor, nanunood ng hanay nila. Pinagpapawisan lahat, pero ang batak nila,yummy. Hehe. Bigla naman nag ring ang phone ko. May tumatawag pala.
"Hello?"
"Pfft, good luck Sin!~"
"Halikan mo agad pag naging kayo ah! Hahaha."
"Oi! Mga lok-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil binabaan na nila ako, mas kinakabahan tuloy ako, sana maging maganda ang outcome ng confession ko, kung hindi naman eh makikitagay na lang ako sa kanto. Di,joke lang, may beer naman sa bahay, si papa kasi, alcoholic, and so napasa sakin ang bad habit nya.
Natapos na din ang hanay nila, hinintay ko muna na mag alisan ang iba para di naman ako mapahiya. Negative ang mangyayari, no such thing as a positive outcome para sakin. Kesa naman sa napaka positive ng inaabangan ko tas downfall ko lang naman pala.
"Oi Giles.."tinawag ko sya habang naglalakad ako papalapit. Hingang malalim Sin, malalagpasan mo rin toh.
"Oh ano? Wag mong sabihin sasabay ka pa pauwi. Mag ka iba ang direksyon ng bahay natin." sabi nya sakin habang nakataas ang isa nyang kilay, I clenched my fist at huminga ulit ng malalim at tumingin sa mga mata nya.
"Giles Rider. I like you." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mata nya, halata na nagulat siya pero nawala rin ang expression nya na yun. "I know." Yun lang? Yung lang ang nasabi nya? No answer?
"I know that for a very long time, Sin. I'm really sorry, I don't feel the same way you do." Sabi na nga ba, negative outcome.
"I know Giles, gusto ko lang sabihin sayo. Mahirap kasi kung didibdibin ko lang eh, I just wanna let it out. Thank you sa oras mo." Hindi ko na hinintay na mag salita pa sya, mag sosorry lang yan, almost all guys are like that. Mapait ang simoy ng hangin sakin ngayong araw. At ngayon alam ko na kung bakit crush ang tawag sa crush.
'Crush is called crush cause your feelings ended up getting crushed.' Sabi ko sa sarili ko papauwi habang pinipigil ang mga luha ko.