CHAPTER 2: A Very Weird Day and The Love letter

46 0 0
                                    

Nang makarating na kames a Campus, nag-split na kame ni best, magkaiba kase kame ng room e. At ayun! As always, mag-isa nanaman akong pupunta sa room.

Pagkarating ko sa classroom, as usual I greet all my classmates ng GOOD MORNING! Pero teka? I smell something weird this day. Bat' di nila ako pinapansin? Yung iba pinansin naman ako tapos iwas kaagad saken. Ano bang meron? Naligo naman ako uh? Di ako sanay ng ganito! Hindi naman sila ganyan sakin this past few days uh? Hmmmm? Napakamot na lang ako sa ulo, umupo sa upuan ko at hinintay si CRUSH.

Si CRUSH nga pala si Blake Torres. Classmates and seatmate. First love ko siya kung ituring. Infairness uh? Antagal niya dumating. Yan tuloy nagstart na ang klase.

".. So, class the function of this sy-- ..", -- ma'am Cruz

BOOOGSHHH! Biglang may malakas na humampas ng door namin.

"Who the hell did tha-Mr.Torres? And why are you late? Nakuha mo pang ibagsak ng ganon kalakas ang pinto uh?", sabi ni ma'am kay Blake.

"I'm so sorry ma'am. I just did something very very important last night, that's why I am late today. And I didn't mean to push the door too loud. I was just hurrying cause I know I'm already late". magalang na sagot ni Blake kay teacher. Haaay! Grabe English niya nuuh! Of course matalino yan si Blake, siya kaya ang Top2 student namin. Pero ang weird nanaman, eh? Always kaya siya ang early bird naming tapos nalate siya ngayon ng sobra-sobra. And wala naman kaming homeworks na ipapasa ngayon? Ano kaya yung ginawa niya? Hmmmm.. Clueless ang lola niyo.

Habang paupo na siya sa seat niya, nakatitig lang naman ako sa kanyang maamong mukha na para bang Angel in disguise.

"Good morning Van!", Pabulong niyang sabi saken tapos nag-wink pa! Ay shet! Makatunaw! Kilig to the max naman ako. Pero di ko ipinahalata. Hehe!

"Good Morning din", sagot ko sa kanya tapos yumuko ako then nagsmile ng patago.

Nang matapos na ang class naming agad-agad akong dumeretso sa locker ko sa may hallway. Then lumapit sa akin si Best.

"Best! Tara na uwi na tayo! Pagod na ako e." sabi niya saken habang nakasandal sa mga lockers.

"Ahw! Teka lang uh? Just wait here. I'll just get my bag sa room namin."

After a while, narating ko na rin ang classroom. Pagpasok ko ay agad-agad kong kinuha ang bag ko sa chair ko. Pero teka? Mali! May naiwang letter and rose sa chair ko. Wow! Hah! Sa upuan ko pa talaga.

"Sino naman kaya ang nagiwan ng sulat at rosas na 'to sa upuan ko? Maybe it's one of my classmates? Ata?!", tanong ko sa sarili ko, of course sa sarili ko talaga wala naman akong iba pang kasama sa room noh? Maliban na lang kung may multo! Wait nga! Erase erase erase, love story 'to not a horror one. HEHEHE!

Binasa ko muna saglit ang letter total wala naming nakatingin e. And WOW! As in capital W-O-W! Para sa akin ba talaga 'to? HAHA! First time in the history of my effin' life!

At ang nakasulat is,

Dearest Vanessa,

I love you to the moon and back, to infinity and beyond, till death do us part.

I've been waiting for this moment. And I think it is the right time. :)

Sincerely Yours,

Prince Charming <3

Prince Charming? Ano yun? I mean sino yun!?? Hmmm. RIGHT TIME? Anudaw?! Ngayon ba yun? Ang gulo naman. T____________T

"Vanessa? Hey! Best! What are you doing there? Tara na!", sigaw ni best galing sa door ng room namin. Bigla-bigla na lang siya lumapit, "What's that? Love letter?" Kinuha niya kaagad yung letter at binasa.

"blah.blah.blah........ Prince Charming? Wow! May secret admirer si Bespren ah!", sabi niya sakin habang tumawa na para bang nang aasar!

"Anong nakakatawa dun? Teka! Kilala mo ba sino nagbigay 'neto? O di naman kaya ikaw gumawa nyan! Pinagtitripan mo nanaman ba ako!?", sabi ko sa kanya na halos pasigaw na.

"Woah! Woah! Woah! Chilax Bessie! Hindi noh! Ba't naman kita bibigyan nyan? LOL! Baduy nga e. Pa-love letter2x pa lumang style na yan! Kung sino man nagbigay nyan walang sense of romance." Habang sinasabi niya yang mga nakakaasar na salita gusto ko syang ipalamon sa lupa. Nakakainis e!

"FYI! Hindi kaya baduy! And what are you saying na walang sense of romance? Eh?! Ang sweet sweet kaya niya! Kung sino man ang nagbigay o gumawa neto, I think he is really so sweet!" sabi ko habang niyakap ang letter at inamoy ang bulaklak, na para bang nagpapaselos kay Best.

[ Dale's POV ]

"Ahw! Teka lang uh? Just wait here. I'll just get my bag sa room namin." --- Vanessa

Pagkaalis niya ay dahan-dahan ko naman siyang sinundan papunta sa room nila. Sisilipin ko lang kung nakuha niya na ang letter at red rose na iniwan ko sa upuan niya. Matagal ko na kase syang gusto, I mean MAHAL. Kaya I think it's the right time to confess. After niya makuha ang letter ay yayayain ko na siya sa park at dun na ako magcoconfess.

After a while, nakita ko na siyang binabasa yung letter at para bang nagtataka sino si PRINCE CHARMING! Hindi niya alam ako lang pala yun. HAHAHA!

Pagkatapos niyang mabasa umepal na ako. "Vanessa? Hey! Best! What are you doing there? Tara na!", sigaw ko galing sa door ng room nila. "What's that? Love letter?" tinanong ko para di niya mahalata at agad agad akong lumapit at kinuha yung yung letter at binasa. "blah.blah.blah........ Prince Charming? Wow! May secret admirer si Bespren ah!", sabi ko sa kanya.

"Anong nakakatawa dun? Teka! Kilala mo ba sino nagbigay 'neto? O di naman kaya ikaw gumawa nyan! Pinagtitripan mo nanaman ba ako!?", sabi niya sakin. Nakakatawa itsura niya HAHAHA! Pero cute at maganda pa rin siya.

"Woah! Woah! Woah! Chilax Bessie! Hindi noh! Ba't naman kita bibigyan nyan? LOL! Baduy nga e. Pa-love letter2x pa lumang style na yan! Kung sino man nagbigay nyan walang sense of romance." Grabe di ko akalain ininsulto ko sarili ko dun, para di lang niya mahalata.

"FYI! Hindi kaya baduy! And what are you saying na walang sense of romance? Eh?! Ang sweet sweet kaya niya! Kung sino man ang nagbigay o gumawa neto, I think he is really so sweet!" Yan ang sabi niya, ikinagulat ko yun, seryoso! Alam kong baduy man to sabihin, pero, kinilig ako di ko lang ipinahalata. HAHAHA!

Kaya ayun! naglakas ako ng loob na yayain na siya, "Best? I've changed my mind. Maaga pa naman e. Later na tayo umuwi, daan muna tayo sa park. Treat kita!"

Agad agad naman siyang sumagot, "Sure! Tara na!"

BESTFRIEND MAHAL KITA!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon