CHAPTER 7: Magulo. Di ko maintindihan.

28 1 0
                                    

[Vanessa's POV]

Sa school...

Inhale. Exhale. Okay. Good vibes. Good Vibes. Good Vibes. Fighting kaya mo to.

Kanina pa ako nakaupo sa seat ko, kanina pa din si Blake nakaupo sa seat nya. Di kame nagsasalita, mistulang mga statwa lang kame dun, bihira gumalaw.

Lumingo na ako sa kanya at sisimulan ko na sana ibreak yung ice kaso nakita ko siyang may binasang text tapos biglang tumayo at umalis ng room.

Natutula lang ako. Ayaw nya na ba sakin?

Nagsimula na ang class, di pa rin sya bumabalik. Ayun! Hanggang dalawang subjects na ang nakalipas no sign pa rin ni Blake di naman siya ganun ah? Di siya yung tipong nagcucut ng class. Hinintay ko yung break time para hanapin sya sa campus.

Nung nagring na yung bell for break time, sinuyod ko buong campus. Habang naglalakad ako sa may bandang likod ng building may narinig akong nagsasalita.

"Masarap ba? Gago ka kase!", malalim yung boses nung lalakeng nagsalita. Nagtago muna ako, at nakinig. Di ko muna sila tinignan.

"You deserve that," boses ng isang babae. "for choosing her over me." Tapos nakarinig ako ng malakas na suntok. Hala. Anong nagyayare dito? Dahan-dahan akong sumilip sa kanila.

Tatlo sila nandun sa lugar na yun, yung isang lalake nakatayo, medyo may katangkaran, moreno at may tattoo na dragon sa braso. Di ko sya kilala pero nakikita ko sya sa campus, one of the gangsters.

Yung babae pamilyar sya. Mahaba ang buhok, maputi, ayy teka! Oo nga pamilyar sya. Sya yung babaeng kahalikan ni Blake! Bat sya andito?

Tinignan ko yung huling tao, nakaluhod sya sa ground at nakayuko. Di ko masyado makita yung mukha nya, tinatakpan kase ng buhok nya na basa ng pawis. May mga dugo sa mukha nya. May mga pasa sa katawan nya, sa yung kanina pang binubugbog nila. Tinitigan ko mabuti yung lalake kaso di ko talaga mamukhaan.

Biglang nagsalita yung babae, "Di sana mangyayare yan sayo kung ako na lang sana yung minahal mo! Sabihin na nating obssessed ako. So what? Pagmamahal mo lang naman ang hinihing ko e."

"Di.." yung lalakeng sinasaktan nila sumagot pero nakayuko pa rin. "Tandaan mo Chelsea.." Ahh Chelsea pala name ng babae. "Di mo mapipilit ang isang taong mahalin ka. Walang magmamahal sayo! Lalo na't ganyan ang ugali mo." Huminga ng malalim yung lalake. "Kahit patayin mo pa ako, di mo makukuha ang pag-ibig ko."

Unt-unting tumitingala yung lalake. Yes! Makikita ko na kung sino sya.

"Uyy Vanessa! Andyan ka lang pala. Kanina ka pa naming hinahanp tara na." Ayy bwisit na classmate ko. Biglang hinila yung braso ko. Nawalan na ako ng chance para makapiglas pa sa kapit nya sakin kaya sumama na lang ako. Sayang di ko nakita yung mukha ng lalake. Natatakot din akong isumbong sa student council ang nangyari baka ako ang resbakan nun.

Pero sino kaya yung lalakeng yun? At bakit kasama nya yung babaeng kahalikan ni Blake ko? Di pa nasosolve ang problema naming ni Blake, may isa nanamang katanungan sa isip ko.

Uwian na..

Nakatayo lang ako sa may lobby, nakatingin sa malayo. Kanina ko pa hinihintay si Blake. Matapos nyang umalis kaninang umaga sa klase di na kase sya bumalik pa.

"Best!"

Ah kilala ko tong boses na to, lumingon ako at nagsmile, "Dale.." pabulong kong sagot.

"Parang ang lalim ng iniisip mo."

"Best, gusto mo pasyal muna tayo sa may dalampasigan?" wala lang, parang feel ko lang mamasyal sa beach e. Pampawala ng problema.

"Oh sige." Maikli nyang sagot.

Nang makarating na kames a beach, umupo kame sa puting buhangin. Ipinahinga ko ang ulo ko sa balikat nya, at nilagay nya naman ang kamay nya paikot sa balikat ko.

Ano tong nararamdaman ko. Kahit di kame nag-uusap dalawa ang saya at ang gaan ng pakiramdam ko tuwing kasama ko siya. Is this because we too are bestfriends noon pa? or baka iba na to?

Magulo.. Di ko maintindihan.

BESTFRIEND MAHAL KITA!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon