CHAPTER 6: Let go? Or Hold on?

34 0 0
                                    

Gusto ko sana sugurin sila nung babaeng kasama nya, kaso nanghina ako. Tumalikod na lang ako, kunware wala akong nakita.

Dumeretso ako sa park. Sa park kung saan nagging kame ni Blake, tapos umupo ako sa bench at nagreflect.

Ganito pala masaktan. First boyfriend, first heartbreak. Masakit palang malaman mong yung taong mahal mo, may iba. One month palang kame, ganito agad? Grabe naman.

Kung kelan kailangan ko yung bestfriend ko, saka pa sya wala. *sigh

Nakita ko si Rish--classmate ko and girl bestfriend ko, papalapit sakin, ”Uyy Vanessa!”, umupo sya sa tabi ko.

“Oh Rish! Hi!”

“Bat parang ang lungkot mo? Kamusta kayo ni Blake?” tumahimik ako, di ako nakasagot at napa tingin na lang ako sa lupa. “Sa itsura mo palang kahit di ka na magsalita, alam ko na. May problema kayo noh? Van, bestfriend mo din ako. Sabihin mo sakin, baka mabigyan pa kita ng advice.” Kinuwento ko sa kanya buong story tungkol kanina. “Aba! How dare him? Monthsary na monthsary ganun agad? Sandaling panahon palang naging kayo may iba agad sya.” Sumandal sya sa bench and crossed her arms, “Di ko akalaing magagawa ni Blake sayo yan, he’s smart. Tapos ginamit nya pa kame na props nung niligawan ka nya yun pala hay nako.”

Tinignan ko si Rish sa mga mata, maluha-luha na yung mga mata ko. “Rish? Sasabihin ko ba kay Blake yung mga nakita ko na ginawa nya?”

“Aba! Dapat lang noh. Ipamukha mo sa kanya yun!”

“Rish, pano pag makipag-break sya?”, yumuko ako…at tuluyan ng lumuha. “Rish, mahal ko pa sya e. Should I let go? Or Hold on.”

Lumingon sakin si Rish, hinawakan ang balikat ko at tumitig sa mga mata ko, “It’s up to you.” Sumandal ulit sya, “Syempre kung mahal mo sya ipaglaban mo, kaya nyo naming ayusin yung problema nyo na yan e. Pero eto lang ang tandaan mo Vanessa. Lahat pwede mong ipaglaban, pero hindi lahat pwede mong ipagpilitan.”

---

Kanina pa paikot-ikot sa ulo ko yung mga katagang sinabi sakin ni Rish kanina sa park.

…Lahat pwede mong ipaglaban, pero hindi lahat pwede mong ipagpilitan.”

…Lahat pwede mong ipaglaban, pero hindi lahat pwede mong ipagpilitan.”

…Lahat pwede mong ipaglaban, pero hindi lahat pwede mong ipagpilitan.”

…Lahat pwede mong..

OH PLEASE! STOP IT!

Ano na ba dapat kong gawin ngayon? He was my first, and I don’t know how to end a relationship. Tinuruan nya lang ako kung paano magmahal, di nya tinuro sakin kung paano magstop! Kung ganito lang naman pala kasakit magmahal, di na ako muling magmamahal pa.

E kase mahal ko si Blake. Kakausapin ko siya bukas, aayusin ko to. Ayokong mawala sya sakin. :(

May chance pa.

“Dale, asan ka ba? Kung kelan kailangan kita saka ka pa wala.”

[Dale’s POV]

Naglalakad ako sa may bandang greenhills habang iniiscan ko phone ko, tinitignan ko yung mga pictures namin ni Vanessa.

“Oh sh*t,” napahinto ako sa paglalakad, nang matanaw ko ang isang familiar na lalake. “Blake Torres? Sino yung kasama nyang babae? DI naman si Best yun ah. Gago yun ah, niloloko lang pala kaibigan ko..mahal ko.” I tried to contact Vanessa, instead of texting her I called her, but she was  not answering her phone. Naka-ilang tawag ako sa kanya, almost 50 na ata. I tried to call her one last time. “Oh Van, sagutin mo please.”

“Oh Ano ? Ba’t ka ba tumawag? Ano problema mo ?”  At last sinagot nya na, pero mukhang wala sya sa mood.

“Si .. si .. Ano ? kase e.” Sasabihin ko ba? Ayoko sya saktan.

“Huh ? Sino ?”

“Si .. Yung boyfriend mo ! May ibang kasamang babae !!?” Nasabi ko na. O___O

“Haah !? Ako ba niloloko mo ? Pakshet! Nasaan sila ngayon ?”

“Sa Restaurant malapit sa may Greenhills.” Di na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Agad nyang in-end yung call.

I’m his bestfriend I should be proud. I must support their relationship no matter what. I’m his bestfriend, and I’m secretly falling for her, I mean I already fell for her. Alam kong good news ang nangyaring to sakin, magkakalaboan na sila ni Blake, may chance na for break up at may chance na ako. Pero mali, mali ang iniisip ko. Bestfriend nya pa rin ako kahit paano. Ayokong makitang nasasaktan ang kaibigan ko, ang mahal ko…ang gusto ko lang ngayon…magka-ayos sila. Si Blake lang naman ang dahilan ng mga ngiti ni Vanessa e. Kung mawawala sa kanya si Blake, di ko na muling makikita mga ngiti sa mukha nya. Di bale nang ako yung masaktan, tungkulin ko din to as a bestfriend. Sabi nga nila, Love is a sacrifice.

Maya-maya, nakita ko si Vanessa bumaba ng taxi at pumasok agad dun sa restaurant na tinutukoy ko. Pipigilan ko sana sya kaso, bigla syang tumigil sa pagpasok. Dahan-dahan syang tumalikod at huminga ng malalim, and she walked away.

Sinundan ko sya, dumeretso sya sa park. Sa park kung saan icoconfess ko na sana ang pagmamahal ko sa kanya. Umupo sya sa bench at mistulang nagrereflect.

Di ko magawang lumapit sa kanya, I feel guilty kase. Sana hindi ko na lang sinabi sa kanya, ayan tuloy nasasaktan sya. Tama ba yung ginawa ko? Dahan-dahan na lang akong naglakad palayo, iniwan ang bestfriend kong malungkot at mag-isa.

BESTFRIEND MAHAL KITA!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon