*Jin
~Cause you're amazing, just the way you are~
Nagpalakpakan yung mga tao pagkatapos kong kumanta. 'Di pa man ako tuluyang nakakababa ng stage dinumog na ako ng mga tao. Akala ko dati masarap sa feeling yung pinagkakaguluhan ka. Shems. Nakaka-suffocate pala.
Hi. Ako nga pala si Jin Perez. Ang so-called "New found Heartthrob" ng St. Anne's International Academy. Ewan ko ba naman kasi sa ele kong bestfriend. Simula nung pinilit niya akong sumali sa singing contest dito sa scholl, ayun. Ano nga bang tawag niya do'n? Instant peymus? Oo yun nga ata yun.
"Ang taray mo tol! Peymus ka na talaga!" bati sa'kin ni Andrea ng sa wakas eh nakababa na ako ng stage. Yes, babae po ang bestfriend ko.
"Nako Andrea tigilan mo nga ako. Ayan ka nanaman eh." seryoso kong pang sabi kaso binatukan niya lang ako tapos inakbayan. 'Di ko alam pero imbis na mainis ako kasi binatukan niya ako eh natuwa pa ako. Haaay. Iba na talaga pag-
"Hoy! Ngangabells ka nanaman. Fly-fly away nanaman yang braincells mo!" birada niya. Nakow! Pasalamat ka.
Dumeretso lang kami sa cafeteria para kumaen. Nakakagutom kaya. Kaso pagpasok namin...
"Kyaaaa! Ayan na si Jin!!"
"Jin akin ka na lang."
Sigaw nung mga babae sa loob ng cafeteria. Uh-oh. Hinigit ko bigla yung kamay ni Andrea kasi nagsisimula ng magtakbuhan yung mga babae papunta samin. Takbo lang kami ng takbo hanggang makarating kami sa dulo ng hallway. Shtbrx. Wala ng matatakbuhan. Binuksan ko agad yung pinakamalapit na pinto do'n at pumasok. Maya-maya pa narinig na namin yung mga boses nung mga babae.
"Ugh. Nakakainis! Natakasan nanaman niya tayo." girl 1
"Azar naman oh. Bilis tumakbo. Hmp." girl 2
Sari-saring mga reklamo ang naririnig namin ni Andrea. Ugh. Ang sikip naman dito. Ang init pa. Buset! Ilang minuto pa ang lumipas, wala na kaming marinig na nagsasalita sa labas. Finally.
"Okay mukang safe ng lumabas. Labas na tayo tol. Sikip eh." masayang sabi ni Andrea. Cute nya talaga mag-smile.
"Sige tara- Teka! Sht ba't naka-lock yung pinto?!' Ugh. Asar naman oh.
"ANO?! Panong...Bakit...Ano" nauutal-utal na sabi ni Andrea.
"Dala mo ba phone mo?" tanong ko sa kanya. Nag-nod lang siya tapos nilabas niya yung phone. Yung akin kasi naiwan ko sa bag ko eh. Naman oh!
"May load ba to?" tanong ko ulit sa kanya
"Wala eh." sagot nya
"What the-" 'di ko na lang tinuloy yung sasabihin ko. Wala rin namang maitutulong kahit na magmura pa ako ng maraming beses. Mapapaos lang ako. In-on ko na lang yung flashlight ng phone ni Andrea and the heck!
"Ba't ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Pagka-on ko kasi nung flashlight nakita kong umiiyak siya.
"Natatakot kasi ako eh *3*" kaya pala. Tsk. Weakling.
Pinahawak ko sa kanya yung phone nya tapos sinubukan kong buksan ulit yung pinto. Kaso wala eh. So no choice. I'll do the screaming part na lang. Kahit medyo gay.
"May tao ba dyan? Hello?! Somebody, help us please!" first attempt. Zero.
"Hello?! May tao po dito sa loob! Manong Janitor? Kahit sino! Please tulong po!" sigaw ko pa ulit. Second attempt. Zero.
Naka-ilang try din ako sa pagsigaw pero wala pa rin. Ugh, this is so frustrating.
"Andrea an-" tatanungin ko pa sana si Andrea kung anong oras na pero pagtingin ko tulog na siya. Tsk. Sa takot siguro ayun, nakatulog. Tinabihan ko na lang siya tapos sinandal ko yung ulo niya sa balikat ko. Siguro naman may magbubukas din ng pesteng pinto na'to. Siguro naman may makakapansin na nawawala kami.
Maya-maya pa gumalaw si Andrea. Tapos siniksik niya pa lalo yung sarili niya sakin. Sana ganito na lang palagi. Sana lagi na lang kaming malapit ng ganito sa isa't isa. I mean, yes mag best friends kami pero minsan-minsan lang kami magkita. Magkaiba kasi kami ng section. Tapossuper contrast pa yung sched namin. So, ayun minsan-minsan lang kami magkita.
Haaay Andrea. If you only knew.
