2-3

13 3 4
                                    

*Andrea

For the first time in my precious life, nagising ako ng feeling ko super bigat ng ulo ko. Uy, teka. Familiar 'tongnplace na 'to ah. Teka, kwarto ko 'to! Pero, diba, nakulong kami ni JIn dun sa madilim na masikip na kwarto do'n sa dulo hallway sa school? Tsk. Lalong sumasakit ulo ko sa kaka-isip.

Pumunta ako sa banyo para sana maghilamos kaso pagharap ko sa salamin may nakadikit na sticky note. (Malamang nakadikit yan) Kinuha ko yun tapos binasa.

"K3U"

'Yon lang yung nakalagay dun sa sticky note. Kanino kaya 'to galing? Tsaka, anong K3U?

(sa School)

Dumeretso ako sa locker room pagpasok ko ng campus. Kukunin ko na sana yung mga gamit ko, kaso pagbukas ko nung locker ko, kulang may magsabi ng "SURPRISE!". Na-schock ako sa nakita ko.

Ganito ulit? Naisip ko

Same note na nakita ko kanina sa salamin ng banyo ko. Same color ng sticky note,same handwriting and same content. Ano ba kasi talagang meron sa K3U? Nakakaintriga ah!

~~~

Wala na sigurong mas we-weird pa sa araw na 'to. Pa'no kasi pagpasok sa room namin, pinagtitinginan ako ng mga classmates ko. Uhm, excuse me? 'Di naman ako late ah. 'Yong mga classmates ko namang babae, nguso ng nguso. Eh? Nyare?

"Board" sabi nung nerd naming classmate.

"Huh?" tanong ko

"Look at the board" sagot nya. So ayun, tumingin ako. Kaso pagtingin ko, OW-EM-JI. Is it real? Is it real? Paglingon ko kasi ganito yung nakita kong nakasulat,

Andrea Iwata, K3U

Srsly? Anong eksena 'to?

"Sinong nagsulat nito?" tanong ko sa kanila. Wala namang sumagot. Ugh. Nakaka-stress na ah. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Imbis na kiligin at ma-flatter ako kasi may mga ganitong ganap eh feeling ko ang creepy. Biruin mo yun, hanggang sa kwarto ko? And take note! Sa banyo pa ah.

Lumipas yung buong araw na wala man lang pumapasok na lesson sa utak ko. Walaakong ibang iniisip kundi yung buset na K3U na yan.

"Tol!"

Promise talaga 'pag uwi ko talaga sa bahay igo-google ko agad 'yong ibig sabihin n'yang K3U na yan. Harujusme! Naku-kuryus tuloy ako masyado.

"Tol!"

Tsaka sino naman kaya yung-

"Andrea!"

"Ay kalabaw! Ano ka ba naman tol? Bakit mo naman ako ginugulat?!" si Jin lang pala.

"Kanina pa kaya kita tinatawag. Tsk. San ka punta?" sabi niya habang nangangamot ng ulo. May kuto ba to?

"'Di ba obvious? Uuwi na malamang!" Sige bye na muna ah. Uwi na ako. Bukas na lang tol! Bye" dere-deretso kong sabi

"Uy teka!" may sasabihin pa sana siya kaso sumakay na agad ako sa kotse.

Pagka-uwi ko dumeretso agad ako sa kwarto at nag-search. Malamang alam 'to ni Mr. Google. Matalino yun eh!

What does K3U means? Sinulat ko dun sa search bar

Yung ibang result naman sabi;

K3U is a combination of letters and a number.

Malamang po ano? Ilang scroll down pa at, boom panes! Nahanap ko na ata yung matinong sagot. Ha-ha!

Victory is-What the...hell? Ito ba talaga ibig sabihin no'n?

K3U is another way of saying I love you. Many people uses "I<3U" in saying the words "I love you" and many people, teenagers especially, made a new way of saying it, and so K3U was made......... 

Shtbrx.

K3UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon