Uno

21 2 0
                                    

Nagkayayaan kami ng aking kaibigan sa isang club.Medyo gabi na kami nakapunta sa club at nandito kami ngayon sa isang kalsada kung saan matatanaw mo ang ilaw na nakakaakit sa paningin at nakaburda dito ang pangalang Le Estefania.Pumasok kami sa loob at sumalubong sa amin ang naghahalikang tao at mga taong sumasabay sa indak ng musikang millennial pati na rin ang pag-iba ng klima na kaninang maginaw ay napalitan ng mainit.

Biyernes ngayon kaya walang klase bukas.Maraming tao ang nandirito sa club pero maswerte kami dahil nakakita pa kami ng bakanteng upuan sa may unahan.Pumwesto agad ang kaibigan kong si Daine at sumabay na rin ako sa kanya.

Sumulpot sa aming harapan ang isang waiter.

"Good evening,Senior.What's your order mister?" tanong ng waiter sa amin.

"Three tequila please."utos ni Daemon na kambal ni Daine.

''O! bakit tatlo lang?" tanong ni Daine.

"I don't wanna drink." turan ng kanyang kambal.

Magkaibang-magkaiba talaga ang magkambal.Si Daine itong playboy at walang pakialam sa mundo pero palaging nangunguna sa klase samantalang ang kambal nitong si Daemon ay palaging tahimik lang at pumapangalawa siya sa klase.

"Dae,sige na uminom ka kahit isa lang."paghihikayat sa kanya ni Rion.

"Sorry bro but no thanks."sabi ni Daemon.

Naguusapan kami hanggang mapunta kay Daine ang topiko.

"Daine kamusta na pala kayo ni Trina?" tanong ni Rion,"Narinig kong nagkahiwalay kayo?"dugtong nito.

Napabugtong hininga siya bago magsalita,"Oo,nakakasakal na siya kasi.Kahapon lang kami nagkahiwalay ha,ang dali namang makaabot sa 'yo ng balita."

"Asus,iniiba mo lang ang usapan."wika ni Rion at sakto namang inilagay ng waiter ang inumin namin.

"Ganyan talaga ang mga babae Daine just give her a break." pangaral ni Daemon kay Daine.

"Ayan Daine sundin mo 'yang kapatid mo."pangaral ko sa kanya.

"Tss,ibinigay ko na sa kanya ang gusto niya.Masaya nga ako bilang single dahil walang kang gastos,wala kang pagpapaalaman kapag aalis ka,wala ring..."

"Asus,wala magluluto sa 'yo,walang gagawa nun kundi siya lang.Sabihin mo na lang kasi ang totoo miss mo na s'ya ano?" putol ni Rion sa sinabi kanina ni Daine.

"Me,missing her?no way." matigas na pagkakasabi ni Daine.

"Daine si Trina!" sabay turo ni Rion sa likuran ni Daine at siya naman ay lumingon kaya napahalakhak kami dahil isang patibong lang iyon ni Rion.

"Di daw na miss."pangaasar ni Rion sa gitna ng kanyang tawa.

Napairap si Daine sa kay Rion,he crosses his arm around his chest.

Sa isang kumpol ng mga tao sa counter nakuha ng atensyon ko ang naka-purle dress na babae.She look stunning and the perfect shape of her body molded in her cloth.A gorgeous smile painted in her red lips.She stand up and dance to the beat of the music.Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

"Bro,ok ka lang?" Rion interupts.

"I'm fine." I assure him with out breaking my gaze to the woman in purple.

"Sino ba d'yan ang tinitingnan mo?" takhang tanong ni Daine.

"Wala,alis muna ako." nagpaalam ako sa kanila para makita at makausap ang babaeng nakakuha ng aking atensyon.

Nilapitan ko kung saan siya nakapwesto pero nahuli ako at nawala siya sa aking paningin.Hinanap ko siya hanggang makalabas ako ng Clubhouse.Sumalubong sa akin ang malamig na hangin sabay tinangay nito sa aking buhok.

"Sayang hindi ko siya nakita." bulalas ko.

Laking paghihinayang ko na hindi ko siya naabutan.

"Are you looking for me?"tanong ng boses sa aking likuran kaya
napatalon ang kaluluwa ko sa takot.

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang babaeng naka-purple.

Nanlamig ang aking buong katawan,hindi makapagsalita ng maayos.

Napabugtong hininga ito bago lumapit sa akin.

"I'm Celindria Solaire,you?"sabay lahad ng kanyang kamay patungo sa akin.

Lumapit siya sa akin at inilapat ang kanyang labi malapit sa aking tengga," Don't be shy."sabi niya at naamoy ko ang alak na nanggagaling sa kanyang bibig.

"Uhm..."matagal akong nakapagsalita at nasabi ko rin ang aking pangalan.

A mischievous smile written on her face," You smells good."
papuri niya sa akin.

"Thanks."sabi ko.

Maganda siyang kausap kaya nagladlakad kami sa isang baybaying malapit sa nightclub. Buwang nakatanglaw sa aming daanan ang siyang ilaw namin.

"Alam mo masarap kang kausap pero..." panimula nito.

Naghihintay lang ako na dugtungan niya ang kanyang pangungusap.Natakpan ng ulap ang buwan at dumilim ang aming daanan.Tinangay ng hangin ang kanyang buhok at isinuka ng ulap ang buwan.Doon ay nagsimulang mag-iba ang ihip ng hangin.

"Mas gusto ko ang dugo mo." nagulat ako sa kanyang sinabi

Nag-iba ng kanyang mga mata, naging kulay pula ito.Lumabas ang mga matatalim na pangil na nagmumula sa kanyang ngipin at hindi ko namalayang lumapit siya sa akin at kinagat ang aking leeg.Nakaramdam ako ng hapdi at sakit sa aking leeg.

Huli na ang lahat,naging malabot ang aking paa at unti-unting nilamon ng dilim ang aking paligid.

*
A\N

Bloody Greetings Humans,

Ni hao!Wattizen,

This is my first Vampire Story...

Do you love the first chapter?

If you do just click the star below to vote and share your thoughts in the comment section also don't forget to share the message.

I hope you'll love the story and the characters.

Que pronounced as Q.

Sayonara,

Polliepops

Crimson Blood (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon