Quattro

7 1 0
                                    

Hindi ako mapakali sa aking mga nakita kaya napag isipan kong maglagay ng bawang sa bawat kanto ng bahay at nagtapon ng asin sa buong kwarto saka hindi ko pinatay ang ilaw ng aking kwarto.Naprapraning na talaga ako,maya't maya akong sumisilip sa aking bintana noo'y sumisilip ako sa hinahangaan ko pero ngayon sumisilip ako sa isang bampira sa kabilang bahay.

Pagpatak ng alas tres ay dumoble pa ang kaba ko at panay marcha sa takot.3 o'clock means ano ba?diba evil time tama ba?di ko alam!

Ang ginawa ko para mawala ang aking kaba ay nagsabit ako ng bawang sa aking leeg ginawa ko itong kwintas para di siya makalapit sa akin.Nagdala na ron ako ng rosaryo para doble ingat.Lahat secure na maliban lang kay Mama.My gorgness.Si Mama,ayoko siyang kainin niya,anong gagawin ko?

Patiyad kong nilagyan ng bawang ang leeg ni Mama at sinabuyan ng asin ang kanyang kwarto pagkatapos kong gawin iyon ay natulog na ako.

Kinaumagahan,nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana at napakaiksi lang ng tulog ko kaya gusto ko pang humilata sa kama at matulog ng buong magdamag.

"Que!" sigaw ni Mama kaya isinubsob ko ang aking mukha sa unan.

"Que!anong 'tong bawang sa leeg ko at asin sa 'king kwarto." dugtong niya.

Hala!patay,nabisto na.

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at bunungad sa aking mukha ang galit na hitsura ni Mama.Lagot.

Ngumiti ako na parang batang may nagawang masama.

"Que,ano 'tong....putak...putak..." parang manok si Mama putak ng putak.Ang aga-aga pinagalitan n'ya na ako.Sheperd.

"Eh!Ma di naman ako naglagay n'yan sa 'yo." pagsisinungaling ko.Kung ako'y si Pinocchio kanina pa humaba ang ilong ko.

"Pa'no mo 'to ma-eexplain sa akin.Aber?" napangiti ako ng pilit.

"Ma,baka nag-sleep walk ka kagabi."seryosong tugon ko.Sana kagatin niya ang palusot ko.

"Baka nga."sabi niya.

Nakalusot na naman ako.Totoo naman kasing nag-se-sleep walk 'yang si Mama.Noong isang taon nga lang nakita siya ng kapit bahay namin na naglalakad sa highway habang nakapikit ang mata.Hays.

"Sige na,kumain ka lang muna."dugtong niya habang kinuha niya ang nakasukbit na kwintas na bawang sa kanyang leeg.

Umupo ako at patagong ngumiti.
Binuksan ko ang takip ng bowl at nakita ang itlog.Itlog na naman?Hays.Magiging manok na ako nito kakakain ng itlog.Padabog kong ibinalik ang takip ng bowl at tumayo kaya nakuha ko ang atensyon ni Mama.

"Ano 'yon?hindi ka kakain?"mahinahong wika ni Mama pero nakakatakot na pakinggan.

"Upo,upo!di ka uupo!?" dugtong nito.

Sheesh.

"Ito na po uupo na po." ibinagsak ko ang sarili muli sa silya.

Hays.

Bago ako umalis ay nagbaon ako ng bawang,asin at Crux para sa kapit bahay kong bampira dahil ligtas ang may alam.Red alert!Char.

Sa pagkakataong ito ay di ko nakasama si Emir papuntang eskwlahan dahil maaga akong pumasok.Napaaga yata ako?di bale.

Nakaupo ako sa upuan malapit sa room ko at natanaw ko ang paglapit ng grupo ni Debian.Sa kumpol ng mga kaibigan ni Debian ay nakita ko ang hitsura ni Debian na naka-drag make up.Tama ba drag make up?Well,ganun na din 'yun basta naka-make up.

Fierce ang mukha nito kaya nabilaukan ako ng laway sa kanya.Nakakatuwa siyang tingnan parang ulol.

"Hello,loner." bati sa akin ni Debian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crimson Blood (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon