Nasa Wishing well na kami."Blessy. Anong gagawin natin dito?" sabi ni Thirdy.
"Basta. May barya ka ba Thirdy? "sabi ko.
"Meron.Bakit?"
"Ihuhulog natin tapos magwiwish tayo"
Kinuha ko yung barya kay Thirdy.
"Ano nga pala Wish mo Blessy?"
"Ang wish ko. Sana seryoso siya, sana magustuhan na ako ni Crush. Sana hindi na siya aalis sa tabi ko. Sana mahanap ko na si Mr.Right"
"Sino naman yung tinutukoy mo Blessy?"
"Ikaw Thirdy. Ikaw yun. Manhid ka ba?"
Hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil biglang tumawag yung mama niya.
Pagkatapos nilang mag-usap umuwi na kami.Thirdy's POV
Ano? Totoo ba yung sinabi niya? Ang Manhid ko talaga.
Palagi siyang nasa tabi ko. Pero bakit? Bakit? Hindi ko man lang napapansin siya. Ganun na ba ako kamanhid?
Pumunta ako sa bahay nina Romeo.
"May problema ba bro?" sabi ni Vince.
"Wala bro"
" Eh bakit parang malungkot ka?"
"Bro. Sa tingin mo Manhid ba ako?
"Ewan ko. Bakit mo natanong?
"Wala bro. Never mind"
"Tungkol ba ito kay Blessy"?
"Oo bro"
"Thirdy. Alam ko mahal na mahal ka ni Blessy"
"Yun nga ang problema eh.Alam kong mahal na mahal niya ako.Pero alam mo namang mahal ko pa rin ang Ex ko."
"Eh bakit may Callsign kayo?"
"Hindi ko maipaliwanag Vince. Ang gulo"
"Basta. Pag-isipan mong mabuti yan."
20 minutes akong nakatulala. Iniisip ko kung ano ang dapat kung gawin.
Uii. Online si Blessy. Ichat ko nga..
"Hi Blessy babe"
"Hello Thirdy"
"Kumusta ka Blessy?
"Okay lang naman Thirdy"
"Pwede bang pumunta ka dito sa bahay nina Romeo?. Magpapaturo sana ako kung paano maggitara."
"Oo. Sige basta ikaw..
Pumunta na si Blessy sa bahay nina Romeo....
BINABASA MO ANG
RWL:Relasyong Walang Label
RomanceM.U. Magulong Ugnayan. Hindi kayo pero parang kayo. May callsign pero walang COMMITMENT. Pwedeng magselos,pero bawal Magreklamo. Dahil nga M.U lang kayo , "Masarap sa Umpisa". Pero MASAKIT UMASA.