C H A P T E R - 5

3.4K 58 3
                                    


~ B E A ' S  P O V

Sobrang bilis dumaan ang mga araw.
It's been 2 months since nag simula ang summer training namin, at sa loob ng 2 months nayon sobrang daming nangyari. Lumipad si dad patungo sa singapore para sa business thing nya, at si kuya loel naman engaged na! Omg ako nalang talaga walang love life hahaha well di ko naman minamadali yung sarili ko no, duuhh bea de leon kaya to!! Anytime puwede akong mag ka girlfriend no!  nakapila lang sila dyan sa tabi hahahaha chick magnet kaya to! hahaha joke! Oyy mga pare, take love seriously ah!! Wag nyo akong tularan haha bad ako.


A N Y W A Y!!



Umiikot yung buhay ko  ngayon sa monday to friday training lang then saturday and sunday club day o kaya naman gala day kahit anong maisip namin, minsam naman rest day kung pagod talaga kami sa training.


TODAY IS FRIDAY pero cancelled yung training kaya mapapaaga ang walwal day namin hahaha. So ayun dahil cancel yung training namin nagyaya sila ponggay na mag team dinner daw kami tonight. Para naman daw maka pag bonding kami at makapag kuwentuhan, dahil most of the day sobrang pagod kami sa training kaya wala na kaming masyadong bonding. WE NEED REST!! So ayun Pumayag naman kami lahat. duhh food is lyf kaya pero girls are lyfer hahaha anyway pumayag ang lahat maliban kay monster may importanteng lakad daw sya eh. Well WHO CARES?!


Speaking of monster habang tumatagal palala na ng palala yung pagsasama namin as a pair, para kaming aso't pusa na walang araw, oras, minuto o kahit segundo pa yan nang hindi kami nag aaway. Meron this one time na habang tumatakbo ako dahil ilang minuto nalang ma le late nako dahil na late ako ng gising. dahil malakas ang ulan masarap matulog at the same time traffic pa. Kaya pag ka dating ko na pag ka dating, minabuti ko ng tumakbo pag kababa ng sasakyan ko dahil wala na talaga akong oras. Chinempuhan nya ako habang tumatakbo at tinakid. At ayon nadapa ako at dahil umuulan nasubsub ako sa putikan. Pumasok tuloy ako ng mukhang taong putik kaya nag tawanan sila ng makita nila ako.


Then meron din this one time habang nag bibihis ako sa CR bigla nyang sinara at ni lock sa labas ang pinto, kaya ayon na stuck ako sa loob ng CR ng 3 hours. Hayyyss ewan ko ba basta di ako papatalo sa kanya.


Ok back to my story.....

* F A S T   F O R W A R D

nandito na nga kami sa buffet restaurant. Grabeee!! Ang daming fooooooood!! And linantakan na namin yon at wala kaming sinayang na oras pa. Sa pangunguna ni ate ells hahaha nag tatawanan lang kami habang kumakain. Grabe nakakamiss yung ganito kami ng mga teammates ko walang bad vibes puro good vibes lang.


Lumipas ang ilang oras at nag yaya na silang umuwi dahil yung iba gusto na din mag pahinga.


Time check! 10:45pm ayoko ko pang umuwi kaya nag pasya akong mag bar na muna. Niyaya ko si deanna kaso tinanggihan nya ang alok ko dahil pupunta daw sya sa condo ng girlfriend nya.


Dumeretcho na ako sa sasakyan ko at pinaandar ito.


Nakarating na ako dito sa bar. At syempre maraming tao, yung iba naman nasa sahig na dahil sa sobrang kalasingan. dumeretcho ako sa may counter, umupo at nag order ng tequila.



* F A S T  F O R W A R D



May dalawang oras at kalahati na rin ako dito sa bar. At may mga ilang babae na rin ang umalok ng drinks sakin at may mga lalaki din na nagtangka kaso sinabihan ko sila ng "di tayo talo pare" may mga ilang lalaki ang nagugulat pag sinasabi ko yun sa kanila, natatawa na lang ako sa mga reaction nila hahaha.


Marami na rin ang na inom ko at medyo bumibigat na ang mga mata ko kaya nag pasya na ako umuwi.


Habang nag lalakad ako palabas ng bar, may natanaw ako na babae sa may sulok ng bar at nag iisa. Medyo familiar yung figure nya eh kaya nag stop ako at tinignan sya ng mabuti.



Wait! what?? Si jho ba to? Anong ginagawa nya dito at bakit mag isa lang sya.


WOW GRABE!!! mag ba-bar lang pala sya paka importanteng-importanteng lakad pa nya. Wala talagang kuwenta to. Pinagpalit nya yung team dinner  namin sa bar.



WAIT!!!!



UMIIYAK SYA??!!  Anong meron??


Kaya nilapitan ko sya kahit mortal kaming mag kaaway. Isinantabi ko yung inis ko sa kanya at lumapit ako bilang isang teammate, bilang  isang kaibigan. May care pa namam natitira yung puso ko para sa kanya dahil we're  teammates and I think she needs someone to talk to right now.


Habang papalapit ako sa kanya may biglang lumapit na guy sa kanya at medyo lasing na to aah. Tinabihan nya si jho at inakbayan. Nagulat si jho at sinampal nya ito "MANYAK!!" Sabi nya sa guy at lalo pang hinigpitan nung guy yung hawak nya sa balikat ni jho. Kaya tumakbo na ako papunta sa kanya dahil iba na ang kutob ko.


Akmang hahalikan nya na si jho....


"TARANTADO KA!!!! BITIWAN MO SYA!!" hinila ko yung gagong lalaki na yon at pinuno ng sapak sa mukha. Tinawag ko yung isang bouncer sa club at pina huli ko yung lalaki "ikulong nyo yung gago na yan! Binastos yung kaibigan ko!!"


Lumapit ako kay jho na namumutla ngayon dahil sa nangyari. Umupo ako sa tabi nya at kinausap.


"jho! Are you ok??" tumango lang sya bilang sagot habang nakatulala lang sya at may tumutulong luha mula sa kanyang mga mata.


"Hey Sure kaba? Why are you crying? What happen ba?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.


"Please tell me. Don't worry I'm here as a friend, I will not do anything that can harm you. We're teammate right? So tell me and I'll listen." Dugtong ko. Tumahimik lang sya ng ilang minuto.


"He cheated on me" sabi ni jho in cold tone at habang nakatulala parin at umiiyak.


"Who?" Tanong ko .


"Nico" sabi nya at lalong lumala ang pag iyak nya. Who the hell is nico?? May boyfriend pala itong tao na to masyado kasing masikreto eh.


Niyakap ko si jho dahil sobrang in pain sya ngayon. At ayokong may umiiyak o nasasaktan sa mga teammates ko.


"Don't worry! I'm here, we're here and everything will gonna be alright. ok?" Kaya niyaya ko na syang umuwi at hinatid ko na sya sa dorm niya.


----------------------------------------------------------

Hi guys!! Update nanaman. Hahaha

Sorry if ngayon lang ako naka pag update, sobrang busy kasi at may dumating din akong unexpected visitors hahaha

PS:
    Gagawin ko munang  bad boy si kuya nico dito ah. Wag magalit! hahaha

Hope you enjoy!! Thanks! ❤

D E A LWhere stories live. Discover now