C H A P T E R - 15

2.7K 39 7
                                    

J H O' S P O V

nandito kami ngayon sa condo ni bea. Grabe guys!! Sobrang ganda ng condo nitong babae na to. Alam na alam mong rich kid eh hahaha.


So anyways, papunta ako ngayon sa Living room para puntahan sina jia doon.


Habang nag lalakad ako. Kinuha ko yung phone ko para i text si Laura at papuntahin dito.


'To: bessy Laura

Hi bessy! Nasa work ka ba today?? What time ka uuwi?.'

*sent*


Hindi ko na hinintay pa yung reply nya at patuloy akong nag lakad papuntang living room.


Nang maka rating ako sa living room, kinuha ko yung isang bag of chips na nasa ibabaw ng coffee table at umupo sa sofa.


Ilang minuto pa ay dumating si bea at umupo sa may side ko. Inalok ko sya ng chips at kumuha naman ito.



Habang nanunuod ako biglang nag vibrate yung phone ko kaya dali dali kong kinuha ito.


Nang nakuha ko ang phone ko may nakita akong 1 message kaya binuksan ko ang phone ko at tinignan ito.


It was from Laura.


'From: bessy Laura

Hi bessy! Nasa work pa din me. tsaka baka late nako makaka uwi kasi kailangan namin mag OT kasi sobrang dami pang gawain sa office. Why did you ask pala?

To: bessy Laura.

Ah ganun ba? wala naman kala ko nasa bahay ka na. Ingat ka sa pag uwi later. Labyu!'

Hindi ko na expect pang mag rereply pa si Lau kasi nga tulad nga ng sabi niya marami silang ginagawa kaya nanuod nalang muli ako at kumain. Seryoso ang lahat sa panonood ng TV. Napaka tahimik ng lahat. Medyo na a-akward ako ngayon dahil katabi ko si bea.

Bakit mo kasi sinabi yon jhoana?! Bakit mo tinawag na Love si bea? Diba ang usapan nyo ni bea na mag tatawagan lang kayo ng  Love pag nandyan si tots. Nakooooo jhoana! Huwag kang shunga. nakakahiya tuloy kila jia, lalong lalo na kay bea.


Nagulat ako ng biglang nag lean sa shoulder ko si bea at yumakap ng pa side habang seryosong nanunuod. Naka ramdam ako ng sobrang awkwardness. Hindi ko ma explain yung nararamdaman ko ngayon. Ewan ko kung bakit ganito yung na fi-feel ko.

Hanggat maari ayokong ma feel ni bea na naiilang ako dahil nga sa nangyari kanina kaya naman sinakyan ko nalang sya. Hinayaan ko syang mag lean sa shoulder ko.


Nag tagal ng ganun lang ang ayos namin ni bea. hanggang sa may biglang kumatok sa pintuan kaya naman napatingin kaming lahat sa direction na yon.

D E A LWhere stories live. Discover now