C H A P T E R - 20

2.6K 41 12
                                    

B E A ' S  P O V



Ilang araw na ang lumipas mula nung nagalit sakin si jho. Hindi niya parin ako kinakausap sobrang cold niya pa rin sakin. Well except siguro today dahil kahit papano napapatagal ko na yung convo namin hindi tulad ng dati 10 secs. Lang ata yung convo namin kasi lagi siyang nag wo-walk out hahaha.




Mula nung nakausap ko si kuya loel non na realize ko na kailangan ko pang doblehin or triplihin yung efforts ko kay jho. Kaya araw-araw ko siyang sinusuyo. Araw-araw ko siyang binibigyan ng sunflower kasi nabanggit niya sakin dati na yun yung isa sa mga bagay na nakakapag pasaya sa kanya bukod sa family niya kaya walang araw na dumaan na hindi siya nakatanggap ng sunflower mula sakin sinasamahan ko din ng mga sweet notes pero parang walang effect. Gumigising din ako ng sobrang aga para lang makarating sa kanila ng maaga dahil baka takasan nanaman niya ako haha kaya ang ending lagi akong inaantok sa training at madalas ako napapagalitan dahil don.




Tina-try kong i open yung topic about kay ann pero lagi siyang walang gana. Kahit tinatarayan niya ako pag kinakausap ko siya pero hindi ako susuko and this time sisiguraduhin ko na makakausap ko na siya ng matino at maayos na ang lahat bago kami umuwi ng pilipinas.




First day namin sa thailand ngayon nandito kami ngayon sa baba para mag lunch. Nakakagutom talaga yung biyahe kaya wala kaming pinatawad na pagkain. Kinain namin lahat as in simot na simot mga plato namin hahahaha.




Habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain biglang nag salita si ate ells na ikinasamid ko.




"Bei balita ko naka balik na si ann sa pilipinas ah." Sambit ni ate ells na halos hindi mo na maintindihan sa daming laman ng bibig niya.




"Omg baby besh ok ka lang??" Pag aalalang tanong ni ate den. Nag nod lang ako bilang sagot at kinuha ang isang basong tubig at ininom.




Grabe ka naman ate ells eh. Ang ganda ng mood ko ngayon kasi medyo nakakausap ko na si jho tapos bigla ka nalang mambabasag ng trip eh haayyyss.




"Weh? Nakauwi na si ann??" Gulat na gulat na tanong ni ate ly.





"Kelan pa bei?" Dugtong pa niya. Guys ano ba yan. Ang daming topic bakit si ann pa?? Iba nalang please!!  Huhu.




Tinignan ko muna si jho na sobrang seryosong kumakain ngayon bago ako nag salita.




"May one week na rin po ate ly." Mahinhin kong sagot at sumubo ng pag kain.




"Weh talaga?? Nakapag usap na ba kayo??" Tanong muli ni ate Ly. Shet bakit na ha-hot seat ako??




"Uhm, no pa ate Ly" sagot ko at ngumiti ng mapait and this time si jho naman yung nabilaukan kaya napatingin ako sa kanya.




"O jho hinay-hinay lang kasi sa pag kain eh. Yan tuloy." Sabi ni jia at iniabot kay jho yung isang baso ng tubig.




Napatingin din ako kina jamie &  pongs at nakitang seryoso silang naka tingin sakin ganun din si deanna siguro nagulat sila sa sinagot ko dahil kasama ko sila nung araw na bumalik si ann and they know na i'm lying dahil saksi sila sa nangyari. And buti nalang at hindi sila kumibo at nag patuloy nalang sa pag kain.




D E A LWhere stories live. Discover now