Chapter 3

687 18 14
                                    

Crdts to the owner of the video
*****************
Mayumi's POV

Pag dating namin sa may harap ng gate ng EH marami akong nakita na mga tao,as in ang dami. Ano bang meron ngayon?At teka nga bakit may mga nurse at doctor.

"Ahm..... anong meron?"tanong ko habang tinitignan yung mga tao,lahat sila parang sanay ng nandito yung mga nurse at doctor

"Masanay kana palagi pag tuwing mapapansin nila na wala kami mag hihintay na sila dito sa may gate"sagot ni John,so pag-tuwing umaalis sila sa school mag hihintay na sila sa may gate?ang weird naman nun at anong meron sa kanila para may mag hintay na nurses at doctor?

"Bakit kailangan niyo pa ng mga nurse at doctor?"pwede naman sa may clinic atsaka masyadong O.A naman yung mag hihintay pa yung mga nurse at doctor ako nga ako na mismo ang gumagamot sa sarili ko.

"Hindi namin sila kailangan yun nga lang masyadong O.A ang mga parents namin"singit ni Paulo,teka so mag kakakilala yung mga parents nila?

"Oo dahil business partners silang lahat"teka nga lang paano niya nalaman yung iniisip ko?Don't tell me,bigla ko siyang tinignan ng seryoso.

"Oh,bakit ganyan ka maka tingin?"gulat na tanong niya

"Mind reader kaba?"seryoso parin yung mukha ko

"Seryoso kaba?"di makapaniwalang tanong niya,anong tingin niya sa mukhang ito hindi seryoso?

Hindi namin napansin na wala na pala yung mga nurse at doctor,ang naiwan na lang ay yung section D at pinapanood kami

"Nakikita mo naman na seryoso ako"sagot ko dito at nag cross arms ako para talagang mag mukha akong seryoso

"Paulo seryoso daw yung tao"mapang-asar na sabi ni James kay Paulo

"Heh!manahimik ka nga James"naiinis na sabi ni Paulo

"Yah! Kinakausap pa kita"tawag pansin ko kay Paulo

"Oh bro kinakausap ka pa daw"nang-aasar na sabi ni James,nang asar pa ang loko

"You all three stop bickering"seryosong sabi ni Hiro,seryoso as always,tumahimik na kaming tatlo

Nag simula ng mag-lakad ni Hiro papuntang cafeteria at sumunod narin yung iba,ano naman gagawin nila dun?Tapos na ang lunch break ah. Sumunod narin ako sa kanila pero dahil may nakalimutan ako sa room duon na lang ako pumunta. Habang nag lalakad ako tumingin tingin ako sa paligid ko,minsan na lang ako makakita ng tahimik at preskong lugar. Pag dating ko sa room pumunta agad ako sa bag ko at kinuha ko yung headset at phone ko,sinalpak ko sa tenga ko yung headset at nag patugtog,pumunta ako sa may bintana at binuksan ito. Umakyat ako at umupo duon,mahangin dito kaya susulitin ko na 'to hanggat wala pa sila. Pumikit at dinama ko yung hangin na tumatama sa mukha ko,ang peaceful sana ganito rin ka peaceful ang buhay ko,hindi ko napansin na dumating na pala sila kung hindi pa nag salita si Daniel

"Mag papakamatay kaba?"napa mulat ako ng di-oras at tinignan ko siya ng masama

Tinaas niya yung dalawang kamay niya,"Oh tinatanong lang kita"at dumiretso na siya sa upuan Nita,pumasok na sa loob lahat ng section D at nag kanya-kanyang upo na sila pati ako umupo narin sa may upuan ko.

"Ano gagawin niyo mamaya?"biglang tanong ni Marvin,ako naman ay nakikinig lang sa kanila

"Ewan,duon ulit tayo kila Hiro?"sagot ni Leo at tinignan si Hiro na naka dukdok,ang tinatanong ay kung ano ang gagawin hindi kung saan,napa irap na lang ako sa sagot ni Leo

"Sige duon na lang tayo,ano guys sama kayo?"tanong ni Marvin,may mga narinig akong sumagot ng'sige''ikaw''at'game'. Nag ring bigla yung phone ko kaya tumahimik sila at ako naman ay sinagot ko kung sino man yung tumatawag

Ang Princessa Ng Section D[ON HOLD]Where stories live. Discover now