Basura

14 0 0
                                    

Minsan Naisip Ko,
Para Lang Akong Isang Bagay.
Isang Bagay Na Kapag Kailangan Tsaka Lang Hahanapin At Gagamitin.
Isang Bagay Na Kapag Tapos Gamitin, Iiwan Nalang Sa Isang Tabi At Hahanapin Nalang Kung Kailan Ulit Kailangan.
Pero Paano Kung Ma-Misplace Nalang Ako Bigla?
Paano Kung Nakalimutan Nila Kung Saan Ako Iniwan At niwala?
Hahanapin Parin Kaya Nila Ako? O Hahanap Nalang Sila Ng Bago Na Magiging Kapalit Ko?

Pero Nasagot Din Yung Tanong Na Gumugulo Sa Isipan Ko.
At Ang Sagot Sa Mga Katanungan Na Yun Ay Hahanap Nalang Ng Bago Na Magiging Kapalit Ko.
Ano Nga Ba Ako? Isang Hamak Lang Naman Na Bagay Na Kapag Nawala, Pwedeng Pwede Namang Palitan Ng Bago.
Isang Bagay Na Hindi Naman Ganun Kahalaga Sa Isang Tao.
Isang Bagay Na Parang Basura.
Basura Na Kapag Tapos Gamitin At Sawa Na, Pwede Nalang Itapon Kahit Saan Banda.
Isang Basura. Basura Ba Wala Namang Halaga Dahil Wala Na Itong Kwenta.

Hanggang Sa May Bagong Tanong Nanaman Na Gumugulo Sa Isipan Ko.
Kailan Kaya Ako Makakatagpo Ng Taong Kayang Pahalagahan Ang Isang Tulad Kong Basura Lang? Na Kayang Gawing Bago Ulit Ang Dating Luma At Walang Kwentang Bagay? Siguro Wala Na. Siguro Hindi Na. Siguro Nga Hanggang Dun Nalang Talaga. Hanggang Basura Nalang Na Kahit Kailan, Hindi Naman Talaga Naging Mahalaga.

Masakit Mang Isipin Ngunit Kailangan Tanggapin. Kailangan Ko Nang Tanggapin Na Hanggang Dun Nalang. Hanggang Dun Nalang Ang Trato Nila Sakin. Sa Isang Tulad Kong Basura Lang Sa Kanilang Paningin.
Masakit Man, Pero Kailangan Ko Na Talagang Tanggapin Na Hanggang Dun Lang Ang Kaya Nilang Iparamdam Sa Akin. Masakit. Sobrang Sakit. Pero Kailangan Ko Itong Tanggapin.

At Ngayong Tanggap Ko Na, Na Wala Kana Talaga, Sana Kahit Papaano Naging Masaya Ka.
Sana Naging Masaya Ka Sa Pagtrato Mo Sakin Na Parang Isang Basura.
Isang Bagay Na Kung Kailan Mo Lang Kailangan, Tsaka Mo Lang Hahanapin At agamitin.
Sana Naging Masaya Ka. Naging Masaya Sa Panandaliang Paggamit Sakin.
Dahil Ako? Oo.
Naging Masaya Ako Kahit Papaano.
Naging Masaya Ako Sa Panandaliang Panahon Na Kinailangan Mo Ako.
Naging Masaya Ako Sa Panandaliang Panahon Na Iningatan Mo Ako Kahit Papaano. Iningatan. Iningatan Mo Ako Dahil Alam Mong Kailangan Mo Ako.
Oo. Kinailangan Mo Ko. Kinailangan Mo Mo Kung Kailan Mo Lang Gusto. Kinailangan sa mga panahon na wala Kang Ibang Magawa Kundi Gamitin Ako.
At Ngayong Sawa Kana, Ibinasura Mo Na Ako. Iniwan Nalang Bigla At Naghanap Ng Panibago.
Ngunit Kahit Ganon, Salamat Parin Sayo.
Salamat Dahil Kahit Papaano Naging Mahalaga Ako Sayo.
Salamat Dahil Kahit Papaano Naging Bahagi Ako Ng Buhay Mo At Naging Bahagi Ka Rin Ng Buhay Ko.
Salamat Dahil Kahit Papaano Naramdaman Ko Ang Pagmamahal Mo. Pagmamahal Na Hindi Ko Alam Kung Totoo o Pakitang Tao.
At Ngayon, Paalam Na Sayo.
Paalam Na At Sana Maging Masaya Ka Na At Makuntento Sa Bago Mo.
Sa BAGO MO.
Mahalin Mo Sya Ng Totoo. Ingatan Mo, Alagaan Mo.
Iparamdam Mong Mahalaga Sya Sayo At Wag Mong Gawing Basura, Katulad Ko.
Sana Maging Masaya Kayo. Maging Masaya Hanggang Fulo. Hanggang Dulo At Hindi Panandaliang Saya Kagaya Ng Naramdaman Ko.
Uulitin Kong Muli, Salamat At Paalam Na Sayo.

Akala Ko Wala Nang Pag-Asa. Wala Ng Pag-sang Makakakita Ako Ng Taong Pahahalagahan Ang Tulad Kong Basura Lang. Basura Dahil Binasura Na Ng Iba.
Ngunit Akala Ko Lang Pala.
Kung Ang Dating Sagot Sa Tanong Ko Na KAILAN. "Kailan Nga Ba Ako Makakatagpo Ng Isang Taong Pahahalagahan Ang Katulad Kong Basura Lang?" Ay "Siguro Hindi Na. Siguro Wala..." Ngayon Ay Nagbago Na.
Dahil Ngayon, Ngayon Ay Nandito Na.
Nakita Ko Na Sya.
Sa Wakas. Nakita Ko Na. Nakita Ko Na Yung Dating Akala Ko Wala Lang. Hindi Ko Napansin Noon Na Nandyan Lang Pala Sya.
Andyan Lang At Naghihintay Kung Kailan Ako Malaya Na. Naghihintay Kung Kailan Ako Magiging Handa Na.

Salamat Sa Taong Ginawa Akong Basura.
Salamat Dahil Kung Hindi Mo Ko Iniwan Hindi Ko Sya Makikita. Oo Sya. Sya Na Laging Nandyan Para Iparamdam Jung Gaano Ako Kahalaga.
Mahalaga. Isang Salitang Ang Sarap Pakinggan.
Mahalaga. Isang Salitang Ngayon Ko Lang Ulit Naramdaman. Isang Salitang Ngayon Ko Lang Nalaman Na Pwede Rin Pala Akong Maging Ganyan.
Ngayon, Ako Ay Naging Mas Masaya.
Mas Masaya Dahil Ramdam Ko Na Ako Ay Mahalaga. Biruin Mo, Kahit Pala Basura Ay Pwede Rin Palang Magkaroon Ng Halaga? Nakakatuwang Isipin. Nakakatuwa Dahil May Mga Tao Rin Palang Kahit Patapon Na Ang Isang Bagay Ay Kaya Parin Itong Gawing Bago At Gawing Importante Sa Kanila.
Bago. Bagong Bagay Na Pahahalagahan Ulit Ng Isang Tao.

At Ikaw Yun Mahal Ko.
Salamat Sayo Dahil Tinanggap Mo Ako.
Salamat Dahil Dumating Ka Sa Buhay Ko.
Salamat Dahil Binuo Mo Ulit Yung Durog At Wasak Na Dati Ay AKO.
Salamat Sayo.
Salamat Dahil Kahit Na Di Kita Nakita Noon Ay Nandyan Ka Parin Ngayon. Ngayon. Hanggang Ngayon. Di Ka Nawala Kahit Na Binabalewala Kita Noon.
Salamat At Hindi Mo Ko Pinapabayaan Ngayon. Hindi Ginagawang Basura Tulad Ng Hinawa Nya Noon. Hindi Ginagamit Tulad Ng Paggamit Nila Sakin Noon.

Wag Kang Ano Hugot Ko To!!!Where stories live. Discover now