Noong mga araw na nagkahiwalay tayo, akala ko may PAG ASA pa,
PAG ASA pa para sa ating DALAWA,
MAIBALIK ang Dati na MASAYA pa,
MARAMDAMAN muli ang iyong mga HALIK,
MARAMDAMAN muli ang iyong mga YAKAP,
MARANASAN muli na HAWAKAN ang iyong mga KAMAY,
NAKAKAMISS lang,
Dahil ang mga araw na LAGI tayong MAGKASAMA,
Ay isa isa na nating BINABAON lahat Sa LIMOT,
Nang MAGKAHIWALAY tayo sabi mo MASASANAY din ako,
MASASANAY din akong GUMISING na WALA ka sa TABI ko,
MASASANAY din ako na sa tuwing pag MULAT ko ay walang MENSAHE Mula sayo,
MASASANAY din ako, mga KATAGANG lagi kong SINASAMBIT sa aking sarili,
Ngunit bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako SANAY?,
Paano nga ba ako MASASANAY?,
Kung sa bawat LUGAR na PINTAHAN ay IKAW ang NAAALALA,
kung sa bawat BAGAY na HAWAKAN ay IKAW ang NAIISIP,
Paano nga ba ang MASANAY?
Kung Ang TAONG nais mong KALIMUTAN,
Ay ang TAONG gusto mong MAKASAMA sa bawat SEGUNDO nang iyong ARAW,
Mahirap man pero PIPILITIN ko,
KALIMUTAN ang mga ARAW na KASAMA kita,
KALIMUTAN ang mga ARAW na MAGKASAMA tayo habang INIISIP ang posibleng KINABUKASAN natin,
Paano nga ba ang MASANAY kung sa bawat pag MULAT at pag PIKIT ng aking mga MATA Ay BINABASA kong muli ang dati mong mga MENSAHE sa akin,
NAGMUMUKHANG TANGA habang UMIIYAK at HAWAK HAWAK ang mga REGALO mo sakin,
Ganito ba talaga KASAKIT Ipilit sa aking sarili na KALIMUTAN ka?
Siguro Kaya ganito kasakit dahil SAYO na UMIKOT ang MUNDO ko,
at hindi Ko na NABIGYANG HALAGA ang SARILI ko,
kaya heto ako ngayon,
nasa APAT na sulok ng KWARTO UMAASA na Ssana kaya ko pang IBALIK,
PATAWAD,
kung bakit IKAW PARIN,
Wag kang mag alala PIPILITIN kong SANAYIN,
Para maka AHON na ako sa PAGKAKALUNOD mo sa akin,
Para MAABOT kong muli ang LIWANAG na nawala nang IWAN mo ako,
Dahil SUSUBUKAN kong MULI ang MAGMAHAL,
Ngunit hindi na para PARA SAYO kundi PARA SAKIN,
Dahil ALAM kong HINDI ko na NABIGYANG pagMAMAHAL ang aking SARILI,
ngunit ganun pa man ay hindi kita SINISISI,
Dahil GINUSTO kong MAHALin ka,
PINILI kong MAKASAMA ka,
SINANAY ang SARILI na IKAW lang ang AKIN at AKO lang ang SAYO,
Ngayong TAPOS na tayo,
TATAPUSIN ko na din ang Mga KALUNGKUTAN ko,
TATAPUSIN ko na din ang Mga ARAW at ORAS ng pagIYAK ko dahil SAYO,
TATAPUSIN ko na din ang pagASA ko na akala ko ay MERON pa,
TATAPUSIN ko na ang SAKIT,
dahil MAGSISIMULI muli ako sa SIMULA,
ang BAGONG AKO na WALANG IKAW,
At salitang pagBANGON para sa SARILI ko,
Dahil NARARAMDAMAN kong KAYA ko,
Magiging MASAYA ako,
Kahit WALA KANA sa TABI ko.