Walang Tayo

3 0 0
                                    

Oo, ikaw at ako.
Sweet na akala mo magjowang totoo. Masaya kahit hindi naman tayo. Nagmamahalan at walang sumusuko. Nagseselos pero hinahayaan na lang to. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan na masaya.
Lumipas ang taon na puro ligaya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon nanlamig ka na lang bigla.
Na hindi ko naman alam kung saan ako nagkasala.
Tinatanong ka puro ka naman wala. Siguro baka may mahal ka ng iba.
Isip ko'y gulong gulo, litong lito kung bakit nangyayare ang ganito.
Puso ko'y lumuluha at unti unting humuhupa.
Unti unting nakikita ang sagot sa mga tanong na ako mismo ang gumawa. Oo masaya ka na.
Nakikita ng aking dalawang mata. Masaya ka na kasama ang bago mong wala naman akong panama.
Naalala ko wala nga palang tayo pero bakit ako nageemote ng ganito. Lumipas ang araw na di kita nakikita. Natatapos ang buwan na di kita nakakasama.
Oo ikaw at ako.
Akala ko hanggang dulo.
Ang ganda sana pakinggan lalo na kung merong tayo.

Wag Kang Ano Hugot Ko To!!!Where stories live. Discover now