v | It's not what you think

212 29 21
                                    

Lumipas ang unang gabi ni Solar sa Medina Mansion. Sa dami ng nangyari sakanya sa araw na iyon, hindi na siya nahirapang kunin ang tulog niya. Mismong paglapat ng kanyang ulo sa napakalambot na unan at malamig na hingaan ay tulog na siya. Ang tanging inisip niya ay ang pag gising sa umaga at umuwi sa kanyang Lolo Al.


----------

Chirp chirp

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chirp chirp. Naririnig ko ang mga ibon sa labas. Gusto kong bumangon pero ayaw bumukas ng mata ko. Napaka comportable pa ng pagkakahiga ko. Naka-aircon kasi tong kwarto kaya ang sarap ng init ng kumot , parang may malaking teddy bear na naka-akap saakin. Sarap tuloy matulog buong araw.

Teka, bat parang ang bigat naman ng teddy bear?

Teddy bear? may teddy bear ba dito kagabi? Parang flashlight na dumilat ang mga mata ko. Lumingon ako sa may balikat ko at nakita ang isang kamay. Napaupo ako ng di oras, pag tingin ko ay si Hunter.....

topless.

Bakit walang suot tong unggoy na to?

Agad kong tiningnan ang suot ko, at lumuwa sa gulat ang mata ko nang makita kong bukas ang dalawang botones ng pang itaas ko. Pinilit kong inisip kug anong nangyari... wala akong maalala, basta natulog lang ako.. diba?

"Kyaaaaaaaaah!!!!"

"A-a-a-nong ginagawa mo dito Hunter!!!" nauutal kong sabi habang humahablot ng kumot na ipang tatakip sa sarili ko.

"Hmmm.." haluyhoy niya sabay inayos ang kanyang ulo sa unan. "let me sleep..." ungol niya. Shocks, ang sexy niya-- este porn materia--- no.. ano ba brain! Magtino ka.

"Kelan ka pa nandyan?!" sunod kong tanong. Hindi ako makagalaw dahil nakaibabaw ang isa niyang paa sa mga binti ko.

"Hmm-- ugh.. shut up--" ungol niya.

"Shut up ka dyan, trespassing ka! Sa kabilang kwarto yung sayo!" iniangat ko ang napakabigat niyang binti.

Tsk.  Narinig kong nag-click ang kanyang dila at bigla nalang ay nakaibabaw siya saakin, hawak niya ang aking kamay at ipinako sa taas ng ulo ko. Idinikit niya ang noo niya saakin at mapungay na tumingin sa aking mga mata. "I said shut up! Kakatulog ko lang.. tumahimik ka."

Bigla kong tinikom ang aking bunganga. Sobrang lapit ng kanyang mukha. Ramdam ko ang hininga mulasa ilong niya. 

"Good girl, stay like that.." pabulong niyang sabi sabay nagcollapse sa ibabaw ko. Ang kanyang ulo eh dumeretso sa gilid ng mukha ko at facedown siya sa unan.

"Ouufghh--" ang bigat niya! Ramdam ko ang init ng kanyang katawan, pati ang pag-alon ng kanyang tiyan habang humihinga. Amoy na amoy ko rin ang shampoo sa kanyang buhok, medyo basa pa nga eh.

Free viewing din ang mala-painting niyang likod saakin. Masmakinis pa sa mukha ko likod niya. Erotic tignan...

Thump thump thump.

Fragile Heart [ BTS KIM TAEHYUNG ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon