Maraming nagsasabi na masarap magmahal..
Pero ako? takot akong sumubok umibig..
Dahil kasi sa pag-ibig na yan kaya nawalan ako ng mga magulang
Nambabae kasi Papsy noon tapos sumama yung loob ni Mamsy nung nalaman niya. Walang araw na ginawa ang Diyos na hindi sila nag-aaway at nagkakasakitan. Masakit, bilang anak nila, ang makita silang puno ng galit sa isa't isa. Nakakapanghina makakita ng isang eksena kung saan halos mapatay na nila ang isa't isa. Walang araw na hindi ako umiyak. Minsan ka idinadalangin ko na sana maghiwalay na lang sila para hindi na nila masaktan pa ang isa't isa.
Nang dumating ang araw na makikipaghiwalay na si Papsy kay Mamsy, akala ko magiging ok na ang lahat pero akala ko lang pala iyon. Dahil simula ng iwanan kami ni Papsy, naging miserable na si Mamsy.
Araw araw siyang naglalasing at hindi na pumasok sa trabaho. Hindi ko na siya makausap ng maayos at parang laging wala siya sa sarili. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maayos niya ang sarili niya. Siguro nga ganun na lang niya kamahal si Papsy kaya hindi niya kaya ng wala siya. Naaawa ako para sa kanya pero wala naman akong magawa para mabawasan yung sakit na nararamdaman niya.
Isang araw pag-uwi ko galing school, akala ko madadatnan ko na naman si Mamsy na lasing na lasing at walang malay. Pero mali na naman ako. Oo nakahandusay si Mamsy sa sahig at walang malay, pero hindi siya lasing.
nagkalat ang mga bote ng alak sa paligid, magulo ang bahay at napuno ng dugo ang sahig galing sa laslas na pulso ni Mamsy.
Hindi gumagalaw.
Hindi humihinga.
Wala ng buhay.
Nanghina ang tuhod ko at nanginig ang buong katawan.
"Bakit, bakit Mamsy? Bakit pati ikaw iniwan ako. Paano na ako ?"
Parang walang katapusan ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay.
Nang mailibing si Mamsy, nag-empake na ako ng gamit dahil hindi na ako pwede pang tumira sa dati naming bahay. Habang nag-iimpis ako may nakita akong sulat. Galing ito kay Mamsy.
Pinasok ko muna ito sa bag ko. Hindi pa kasi ako handang basahin dahil masyado pang sariwa ang sakit ng pagkawala niya. Kapag handa na ako, dun ko na lang bubuksan.Ngayon kinupkop ako ng Best friend ni Mamsy at sa kanila ako titira simula bukas. Wala kasing kamag anak namin ang gustong kumopkop sa akin dahil magiging pabigat lang daw ako. Buti na lang talaga at may mabuting loob si Tita Grace, yung bestfriend ni Mamsy. Parang kapatid na daw kasi niya si Mamsy at hindi kakayanin ng konsensya niya kung mapapabayaan ako at ang pag-aaral ko. Siya na daw ang bahala sa lahat. Kaya naman napakalaki ng utang na loob ko sa kanya.
Simula ng mangyari sa akin ang lahat ng ito, natakot na akong magmahal. Ayokong matulad kay Mamsy. Ayokong mabiktima ng isang tulad ni Papsy. Hindi naman ako man-hater. I'm just afraid to fall in love. I'm just afraid on taking chances in love.
Ako si Yoona Mae Faustino, 16 years old. At dito na magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
<3 Take a CHANCE on me <3
Fanfiction*Exo's Luhan and Sehun Ft. Yoona of SNSD* Paano kung kupkupin ka ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa at ang may-ari ng school na papasukan mo? Ang saya di ba?! Akala ko rin eh kaso may PANIRA! May anak sila na pinaglihi sa sama ng loob at may...