Ako si Denver Stonem, 3rd year college na ako. Simple lang naman ung buhay ko, pero nag bago lahat un nung nakilala ko siya. Si Chelle Tan.
1st year college kami nung nakilala ko siya. Masayahing tao sya, maganda, mabait, matalino para sakin siguro nasa kanya na ang lahat.
----------
'Chelle!!' Sigaw ko sa kanya nung nakita ko siya sa hallway
'Oh Denver ikaw pala. Kamusta ka na?'
'Ito ayos lang. Ikaw ba?' Di ko tinatanggal ung tingin ko sa maganda niyang mukha
'Ok lang din. Sige ah nag mamadali ako eh' at umalis na sya. Hindi ko man lang nasabi sa kanya ung nararamdaman ko. Lagi nalang siyang nag mamadali umalis.
----------
'Chelle!!' Nakita ko siya ulit sa hallway. Pero this time hindi nya ako pinansin. Lagi nalang siyang nag mamadali.
----------
'Chelle!!' Buti nalang lumingon na siya.
' oh Denver. May kailangan ka?'
'Gusto ko lang sanang itanong kung pwede ba kitang ligawan?' Tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako sa sagot niya.
'Gugustuhin ko man pero hindi pwede' at tumakbo na siya palayo sakin. Liligawan pa din kita.
Araw araw ko siyang binibigyan ng bulaklak at chocolates. Sinubukan ko na din ung mga pick up lines pero mailapmpa din siya.
Isang araw sinundan ko siya. Tinignan ko kung saan siya lagi pumupunta at bakit siya nag mamadali.
Nalaman ko na may part time job pala siya.
--------
Kinausap ko mga kaibigan niya at nalaman ko na iniwanan na pala siya ng magulang niya. Hindi nila sinabi sakin kung bakit. Pero alam kong may alam sila.
Nasa bahay ako ng may tumawag sakin sa cellphone.
'Hello? Oh Jen ikaw pala. Napatawag ka?'
'Ha? Osige papunta na ako jan'
Nag mamadali akong lumabas ng bahay para pumunta sa ospital. Sinugod daw dun si Chelle.
Pagdating ko dun nakita ko sila sa tapat ng ER nakatulala.
'Anong nangyari?' Tanong ko sa kanila
'Hindi ko din alam. Basta tumawag nalang ung landlady nila na naka higa sa sahig si Chelle' sabi ni claire. Kaibigan ni Chelle.
'Sino pamilya ng pasyente?' Sabi ng doctor na kalalabas lang.
'Kaibigan niya ho kami. Wala na ho siyang magulang' sabi ni jen
'Meron siyang brain haemorrhage. Inaantay pa namin ang iba pang results. Excuse me' at umalis na ang doctor.
Pasalampak ako umupo sa upuan. Bakit walang syntomas? Bakit hindi niya sinasabi. Ang daming tanong ang bumabagabag sakin.
Nung nailipat na siya nang kwarto agad namin siyang binisita.
Nag sialisan na ang mga kaibigan nya pero ako nandito pa din.
'Alam mo bang namatay ang panganay kong kapatid dahil sa ganitong sakit?' Umpisa niya. Nakikinig lang ako sa kanya.
'Iniwan kami ng papa ko kasi natatakot siya na baka pati ako may ganung sakit. Inalagaan ako ng mama ko. Pero hindi nag tagal iniwan niya din ako. Siguro kasi ayaw nilang makita na mamamatayan nanaman sila ng anak.'