Shirley - 7

236 9 4
                                    

Shirley - 7

"Dumaan ang araw at tama ang sinabi ni Drake. Pagkadismiss ng last class sa amin dumiretso agad ako sa Auditorium para maaga akong makatapos.

Nasaan na kaya yun? Aaminin ko at sa hindi, hinahanap ko na ang dalawang yon. Ni hindi man lang sinabi sa akin ni Shirley kung saan sila nagpunta.

Hinahanap mo si Shirley no. Isang boses sa likod ko ka agad naman akong lumingon.

Rachel, alam mo ba kung nasaan siya? - Ako

Wag mo nang hanapin, kasama niya si Drake.

Ah. Napabuntong hininga ako. Siguro masaya na siya don.

Tinapik ni Rachel ang balikat ko. Kawawang Jalbuena, nagmamahal na kasi.

Ayyy, epal. Tanggi ko, Masama bang magalala sa isang kaibigan?

Natawa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba? Napakamot ako ng ulo. Ang saya mong kausap ha.

Hay nako Benj, magalala sa isang kaibigan? Eh sa inaangot mo mukha kang seloso.

Nagtaka talaga ako sa sinabi niya, ako? Seloso? Edi ano ibig sabihin non? May gusto ako kay Shirley. Pft.

Pero ganun talaga ang mga lalaki ngayon, torpe at denial. Kaya sa ganitong sitwasyon, pag nauunahan selos na lang. Sa huli, sawi si loverboy.

Hinahayaan ko na lang siyang magdada. Baka pag kinontra ko pagkamalan pa akong guilty at ipush na may gusto talaga ako sa kanya.

Don't worry Benj, kung ito man ang katapusan ng buhay mo kay Shirley, Ngumiti siya na parang wierdo. Andito naman ako.

Asa mo! Umatras ako ng kaunti. Wala nga akong gusto sa kanya.

Edi sa akin ka na lang. She smirked.

Rachel, hindi magandang biro yan. Uuwi na ako. At iniwanan ko na siya sa doon. Ano kaya pinagkakain ni Rachel at kung anu-ano ang mga sinasabi.

Waring may gusto sa akin si Rachel.

AT WARING MAY GUSTO AKO KAY SHIRLEY.

Napailing lang ako.

Kaibigan ko lang siya.

Oo kaibigan ko lang siya. Nagaalala lang talaga ako't wala akong tiwala kay Drake. "

"Sa susunod ha, ilagay mo sa bag mo yang notebook mo." Sermon ko sa kanya.

"Sorry naman, nawala sa isip ko, akala ko bag ko yung bag mo." Tumingin siya sa paligid. Nasa park kami, para naman maiba ang setting at di puro pagkain at katayin ang pera ko.

"So Sir Benj, ano kinalaman ni Rachel sa love story niyo?"

"Nagmamadali ka naman! Chillax lang, kid. Malalaman mo rin.

So mag fast forward tayo ng konti kasi araw araw ganoon ang sequence, lagi akong may practice tuwing uwian, na kay Drake lagi si Shirley. Sumasabay siya lagi ng lunch sa amin kasi biruin mo, libre niya lagi. Kasora.

Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko mula nung dumating si Drake sa buhay namin ni Shirley. Kumbaga, ang laki niyang pader sa akin. Hindi ko mapasok si Shirley dahil pa-impress tong si Drake. Isa pa, HINDI NIYA BINUBUGBOG SI DRAKE SAMANTALANG AKO, ISANG SAKSAK NA LANG YATA PATAY NA AKO. Naiinggit ako kasi .. sandali lang niya nakilala ang bilis agad ng pakikitungo. Naisip ko nga, ang pangit ko ba para bugbugin ng babae?

Mas lalong hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Iba ang appeal sa akin ng DrakeLey. Sobrang kirot kamo. Ito naman si Rachel, parang butiki kung makalapit sa akin pag natutulala ako at natatameme. Lagi niyang sinasabi na siya na lang ang gustuhin ko. Dun ko najustify na crush niya ako. Maganda naman si Rachel. Magkamukha nga sila ng kapatid kong si Jam eh. Mabait pa. My partner in crime sa Math at Science. Pero may mali pag siya. Pag siya ang napili ko. AISH! Ewan. Ewan!

Isang umaga, maaga akong dumating sa school. Hindi ko rin alam. Sinipag yata ang kaluluwa kong pumasok.

Dire-diretso ako sa classroom. Wala yata akong samood. Tumingin ako sa oras, 6:45 na pala. Usually hinihintay ko si Shirley sa labas.

Naku. Wag na Benj. Andiyan naman si Drake. Di na lang ako lalabas.

Dumaan ang araw at himalang himala. Di kami nagkita si Shirley. Nakakapanibago. Unang beses na hindi ko siya nakasama at nakita buong araw. Baka absent. Napansin ko kasi si Drake sa court kanina.

Ang awkward tuloy. Si Rachel ang kasabay ko tuwing breaks. Inaamin ko, hindi ako kumportable sa kanya. Napaka-assumera niya. Mula nung nag-confess siya sa akin dikit lagi siya ng dikit. Pag nakikita kami ng mga popular students at mga kasama niya sa drama club, aba kumakapit sa akin. Feeling ko tuloy iniisip ng iba na magjowa kami. Ang kadiring tingnan!

Bakit naman kaya absent yun? Sino pagtatanungan ko? Wala naman kaibigan yun bukod sa akin. Baka alam ni Drake. Mapuntahan nga mamayang uwian.

Last Period na namin. At di hamak na surprise quiz ang ginawa namin sa english.

Maaga akong natapos, pero di naman to makakatulong dahil di ako papalabasin at hindi pa tumutunog ang bell.

Nagdecide na lang akong matulog nang kinalabit ako ni Rachel. Huy. Hindi ako nangongopya ha. Pero kailangan mo itong malaman. May nakakita kay Shirley at Drake sa court kaninang umaga. Ibig sabihin, hindi siya absent.

Nagtaka akong bigla. Ha? Ang kasama lang ni Drake buong araw yung barkada niya ah.

I don't know basta nakita ko siya, marami nga ring nakakita sa kanila eh. Nagtatanong sa akin kung bakit di kayo magkasama.

Kung magkasama sila, alam talaga ni Drake kung nasaan si Shirley. I've made my decision. Pupuntahan ko siya mamaya.

Nandito kami ngayon sa may basketball court. Kasama ko si Rachel. Namilit eh. Sigurado na rin akong nandito siya dahil narinig ko sa kaklase kong patay na patay kay Drake na may practice siya dito.

Ten minutes passed, wala pa rin siya. Nagvolunteer si Rachel na kalikutin ang buong gym para hanapin siya. Habang ako, sinusubukang kontakin si Shirley.

Ugh. Laging busy. Shirley sagot! Ilang beses na niyang hindi sinasagot ang tawag ko.

Lumapit sa akin si Rachel na naghihingalo. Sorry Benj, no sign.

Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Nasaan na kaya yon?

Natahimik kaming dalawa. Iniisip kung ano nga ba ang mga nangyayari. Sigurado ka ba Rachel na nakita mo sila? Baka naman niloloko mo ako eh.

Naiba ang aura niya. Mula sa kinikilos niya, may tinatago siya. Tumingin lang siya sa akin. B-Benj, ganito kasi ahhm.

Natigil ang sasabihin niya nung may tumunog ng busina ng isang kotse. Napalayo kami at medyo malapit sa amin ang kotse na ito. Hindi namin maiwasang tingnan ito.

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.

Bumukas ang pinto ng kotse. Hindi ako makapaniwala na siya iyon.

Si Drake. Na tila sumesenyas sa kung saan. Mas lalo kaming nagulat nung may lumabas na dalawang lalaki na may buhat buhat ng isang mahabang gamit.

Unting-unti luminaw ang mga mata ako. Hindi siya gamit, TAO.

Benj .. Sabi ni Rachel at napalingon naman ako sa kanya.

Bakit?

S-Si Tinuro niya ang mga lalaki, Si Shirley ..

Lumingon ulit ako sa kanila. Bago nilang tuluyang napasok ang taong iyon, nakita ko kung sino siya.

SHIRLEY!

Nasigaw ko ang pangalan niya na naagaw ng atensyon ng mga lalaki. Nagkasalubong kami ng ngiti ni Drake. Nag-smirk siya at hinarurot ang kotse.

SHIRLEY SHIRLEY! "

-----------------------------------------

Sensiya na guys, eto lang kinaya ko. Haha! 💕

What do you think, Saan kaya dinala si Shirley? At bakit sumulpot agad si Rachel dito?

Oh guys, Mika Dela Cruz is Rachel okay. ❤

Feedbacks na lang! Thank yooouuu 😂

-ContagiousFangirl👊

Shirley [JaiLenAsh Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon