Shirley - 1

974 38 10
                                    

Shirley - 1

Dumating na ang order namin. Kasabay rin non ang pagumpisa ko sa kwento. Hindi tuloy ako nakakain dahil nga magkukwento ako.

"Unang araw non sa Spectrum University bilang isang newbie graduating student na aatend ng first sem. Masyado kasing magulo kung bakit palipat-lipat ako ng school but ang pinakadahilan don is, marami akong inaplayan ng scholarship at kung saan saang school ako napunta. Okay enought about that. First day ng first semester. Nagaabang ako non ng masasakyan ngunit ni isang sasakyan walang nagpakita sa kalsada namin sa di maintindihang paliwanag. Nakakapagtaka kasi main road to. Matiyaga lang akong nagaabang, at sa wakas may dumaan na tricycle. Maliit at, tipong luma na kung titingnan .. pang teleserye ang itsura. Pumara na ako at baka malate ako, nagdadasal na sana wala akong kasabay sa loob. Huminto siya sa harapan ko, pagtingin ko sa baba, nakita kong may sakay. Di na sana ako sasakay ngunit nagsalita ang driver

Sakay na iho, parehas kayong pupuntahan niyan.

Sinunod ko na lang. Ano pa ba magagawa ko? At kawawa naman, doble rin ang kita ng driver na 'to.

Nakaupo na ako sa loob at nakatabi ang isang babae. Parehas pala kami ng uniform kaya pinilit ako ng matandang 'to. Di ko rin maiwasang tingnan ang babae kasi may something sa kanya. Until na naiscan ko na ang buong katawan niya. She's wearing a uniform,but not neatly. Mataas ang medyas niya at medyo madumi. Maigsi ang skirt at ang blouse, lukot. Kita ko pa nga ang panloob niya na nakalaylay sa may balikat. Ang dami niyang baller sa kamay at ang bag niya ay sing nipis ng isang magasin. Nakatingin lang siya sa labas, sa may malaking butas mula sa driver kaya di ko gaano nakikita ang mukha niya.

Maya-maya rin lumingon ito sa akin. Napakasama ng tingin niya. Lilingon na sana ako sa ibang direksyon nang bigla niyang nilapit ang mukha niya. Ganoon pa rin ang tingin niya. Nakakatakot para sa akin. Hanggang sa isang inch na lang ang pagitan. Maya maya rin bigla niyang kinurot ang pisngi ko.

Anong karapatan mong titigan ako ng ganyan ha! Manyak!

Sigaw niya sabay sabunot sa ulo ko sa pamamagitan ng kanang kamay niya. Syt. Dedbols ako sa babaeng to.

A-aaray .. Miss wag ho.

Yun lang ang nasabi ko. Tinanggal na niya ag kamay niya sa mukha ko at siniko naman ang tiyan ko. Saka siya tumawa ng tumawa. Tinitigan ko lang ulit siya .. realizing .. Cute pala siya. Hindi ko rin alam kung bakit di ako nasasaktan emotionally sa ginawa niya sa akin. Remember hindi ko pa siya kilala non.

Pagkatapos non ay lumisan ulit ang tingin niya sa labas, nakakatunaw ang paghawi ng buhok niya non. Mukha siyang babae sa right side while the other naging lalaki siya. Hindi ko rin maintindihan. Sino ba may saltik sa amin? Siya o ako.

Nakarating kami sa school na parang mga strangers lang, pagbaba namin tiningnan ko ulit siya .. blanko lang ang mukha niya at naglakad papasok ng gate. Saka ko lang rin naalala, hindi ko na natanong ang pangalan niya! Hala naman. Balak ko pa naman siyang kaibiganin.

Mula non, hindi ko na siya nakita sa loob ng campus. Nagtataka ako kung bakit. Malaki rin kasi ang unibersidad kaya malabong sa madaling paraan kami pagtatagpuin."

"Teka lang iho, magsi-CR muna ako." Sabi ko sa bata na pumayag naman. Bago ako makarating sa Comfort Room, may nakasalubong ako na isang babaeng tipong pamilyar sa akin. Hinayaan ko muna at ako'y .. alam niyo na..

*****

"Dumaan ang araw na iyon at nagiisa lang ako. Medyo friendly naman ang mga katabi ko sa upuan but not the usually friendly na tipong ako talaga ang gusto nilang kaibiganin. Pero nung uwian .. nung uwian talaga .. Uuwi na lang ako may nangyari ..

Bago pa ako makalabas ng gate, naaninag ko ang garden sa may gilid, medyo naintriga ako kaya pinuntahan ko saglit. As always, ang ganda ng garden. Parang wala ka sa Spectrum University pag nakita mo ang garden. Aalis na ako nun may narinig akong naguusap.

Ano ba? Sinabi na't ayoko niyan eh.

Boses ng babae yun ah at parang pamilyar, hinahanap ko sila habang nakikinig sa kung ano man ang marinig ko. Susundan ko ang boses.

Hui. Member ka ng grupong to. Kailangan mo to para di maging miserable ang buhay mo. Sabi ng isang lalaki.

Sabi niyo kaya niyo to binuo para matulungan ako sa grades ko, bakit ganyan ang nagyayari? Bisyo? Mali iyan! Sagot ng babae. Mukhang palaban.

Natunton ko na rin ang lugar nila. Nakikita ko na ang ilang parte ng kanilang katawan. Nagtatago kasi ako baka sabihing chismoso ako or something. Nakita ko na lang pinalo nila ng stick ng walis ang babae at napadapa siya. Akala ko iiyak na siya at tatawag ng tulong pero nasipa niya ang binti ng isang lalaki at napadapa rin, tumayo na ulit ang babae para manuntok, pero na-corner pa rin. At sa di inaasahang pangyayari, bigla akong lumabas. Di ko rin alam pero nabigla ako sa nakita ko.

Yung babaeng palaban,

Siya yung nakatabi ko sa tricycle.

Ano yang ginagawa mo? Pasiga kong sinigaw sa lalaking gustong saktan ang babae.

Wala kang pake okay? Isa tong pagpupulong ng samahan namin, di ka kasama. Sagot niya.

Pagpupulong? Bakit sinasaktan mo?

Sa di inaasahang pangyayari, lumapit sa akin ang lalaki at tinulak ako pababa. Subukan mo pang lumaban malilintikan ka lalo. Sabi niya habang nakikita kong namumuo ang mga kamao niya.

Hinablot niya ang kwelyo ng polo ko at may balak ulit akong saktan, bago mangyari iyon ..

Pwede ba? Sabi ng babae sabay piglas sa lalaking humawak sa braso niya. Alam mo, mali na iyang ginagawa mo. I QUIT! Marami pa kayo, sa kanila niyo na gawin yan. Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinatak ako papaalis ng garden. Nang makalabas na kami sa campus, tumigil siya sa paglalakad at binitiwan ang hawak niya sa akin .. Di siya makalingon sa akin nang ..

*PAK*

Bakit ka nandon? Alam mo bang malalakas yon? Kaya ko na ang sarili ko! *siko sa tiyan* Wag ka kasing magpakabayani!

Gusto lang kitang tulungan. Kahit kaya mo sila hindi mo pa rin masisigurado dahil sabi mo nga malakas sila. Sabi ko sabay ngumiti ng pilit. Sinampal niya ako at sinuntok ah, bakit ba wala akong pakiramdam pag ginagawa niya iyon? Physically masakit pero in the inner side may kakaiba.

Nanahimik siya sandali. Salamat ha, ikaw lang kasi ang nagbackup sa akin. Lahat ng kaibigan ko non, mga takot sa kanila. Tumingin siya ng diretso sa akin at ginulo ang buhok ko.

A-ah, w-wala iyon. Ano pala pangalan mo?

Shirley Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at inoffer ang kanyang kamay para sa isang handshake. Nung nahawakan ko ang kamay niya .. uminit ang buong mukha ko. Hindi ko talaga malaman ang mga nararamdaman ko nung oras na 'yon. Biglaan na lang. At bago ko pa naman sabihin ang pangalan ko, hinatak niya akong bigla at tumakbo somewhere."

"Love at the first sight." Sabi ng bata at isinisulat lahat ng sinasabi ko. Hinayaan ko muna siya at kumain sandali, binaling ko ang tingin ko sa labas. May nakahintong tricycle sa labas at mukhang pamilyar. Maya maya'y may sumakay na babae sa loob. Napaisip ako sandali. Realizing ..

Ang babaeng iyon siya yung nakita ko kanina bago ako mag CR at yung tricycle .. Kaparehas na kaparehas nung sa kwento ko kanina.

**************

PS. Dialogues are in Bold and the Flashbacks were in Italics, baka kasi maguluhan kayo. :)

Votes and Feedbacks are always welcome. :)

Shirley [JaiLenAsh Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon