Shirley - 4

336 20 6
                                    

Shirley - 4

"Lumagoy ako papunta sa kinaroroonan niya. Dun ko lang narealize na malalim na pala ito. Salamat sa diyos marunong akong lumangoy. Kaya naman hanap ako ng hanap sa kanya. Mahirap maghanap kasi ang lakas ng ulan.

Hanggang sa nakakita ako ng kamay na nakataas.

Agad ko itong pinuntahan at binuhat siya. Kahit mabigat siya pilit kong isakay sa likod ko at lumangoy pabalik.

Nakakita kami ng isang malaking puno na maraming dahon. Dun ako tumakbo para makasilong kami.

Hiniga ko siya at inayos ang buhok niya. Ang ganda niya lalo pag tulog.

Wait? What?

Back to the situation.

Huuuy. Gising. Bulong ko habang niyuyugyog siya. Di siya magising-gising. Haya anong gagawin ko?

Naipress ko ang dibdib niya. Yan lang ang alam kong first aid pag nalulunod. Di pa rin siya magising. Waring i-CPR ko to.

Ayoko nga. I don't like baka kung anong malisya ang maisip niya. Kaya ganon na lang ang ginawa ko, ilang minuto na rin yata di pa rin siya magising.

Shirley naman eh. Pagtataranta ko. Hoy anong idadahilan ko sa nanay mo to gumising kaaa. Dagdag ko pa.

Wala na yata akong choice, maiCPR na nga. Hinawakan ko na ang bibig niya saka ako yumuko papalapit. Huminga akong malalim aaaaattttt ..

ARAAAY!

Anong gagawin mo diyan? OKAY NA AKO. Nananaginip ako eh. Sabi niya. Sinuntok nga pala ako sa tiyan.

#Nakakahiya po.

Eh kasi naman akala ko wala kang malay! Ni hindi ko nga nakitang humihinga ka eh. Napakamot na lang ako ng ulo sa sobrang pagtataka.

Matanong ko nga lang, tao ba 'to? Kinikilabutan ako sa kilos niya.

Isinawalang bahala na lang niya ito at ginatukan pa ako. Salamat kanina ah. Ang saya nun.

sasaktan pa ako tas magpapasalamat. Nice.

Tumango na lang ako. Lumingon siya sa malayo, at nanahimik. Mukhang may iniisip ka diyan ah. Bigla kong nasabi.

Benj wag mo akong iiwan ah. Seryoso niyang sinabi at lumingon sa akin. Nagkatitigan lang kami.

Bakit niya alam pangalan ko? Bakit niya sinabi iyon? Iniiwanan din ba siya ng mga kaibigan niya?

Natigil ang gulo sa isip ko nung niyakap niya ako. NIYAKAP NIYA AKO. Dugdug dugdug dugdug. Naabno ang puso ko. Bakit ganito?

Humarap siyang muli sa akin. Simula ngayon, magkaibigan na tayo. Then inoffer niya sa akin ang pinky niya. Pinky Swear?

Ginaya ko na rin siya. Pinky Swear. Pagkatapos non inalog niya ako at niyayang umuwi. Naghiwalay kaming dalawa ng direksyon pagdating sa main road. Minadali ko na lang ang paglakad ko kasi medyo gabi na rin iyon at walang ilaw sa kalsada.

Wala sigurong kaibigan si Shirley, napapansin ko na rin iyon kapag nakikita ko siya sa classroom niya. Napansin ko ngang parang napakaintrovert niya sa ibang tao, pero sa akin. Napakabrutal. Siguro ganun siya sa mga kinakaibigan niya, binububog kaya walang makatiis sa kanya. Haha. Edi ang lakas ko pala no.

Shirley [JaiLenAsh Love Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon