Chapter1

13 1 0
                                    


Nagising ako sa ingay ng tunog ng alarm clock ko. Nakakainis ang aga aga pa. Bat kasi kailangang alas 7 ang pasok sa iskwelahan? Ang aga pa kaya. Nakakastress naman ang ganito. I'm really not a morning person. It's so hard to wake up on my bed even if I really want to sleep more.

Tumayo na ako sa higaan ko at huminga ng malalim kaso bigla akong nabilaukan ng naamoy ko ang hininga ko. Tae nakalimutan kong mag toothbrush kagabi. Sorry na ako na tamad. Pero kasiii babad ako cellphone ko kakabasa sa wattpad di ko inalala na may pasok na kinabukasan. Nung inantok ako agad ay napagdesisyunan ko ng matulog na at kinalimutan ko na rin na mag toothbrush.

Pagkalabas ko nung pintuan ay bumungad sakin ang bunso kong kapatid na si Emman pero tawag namin sakaniya "Em". Dalawang taon pa lang si Em.

"Ateeeeeee" tawag ni Em. Kinuha ko siya at binuhat. At hinalikan sa pisngi.

"Yak wag kasi mo ako halik pisngi" naiiritang sabi ni Em.

"Bakiiitt? love ka diba ni ate" sabi ko sakaniya.

"Ateee baho hininga! Mommy! Ate baho hininga!" Sigaw ni Em.

"Ivy ano nanaman ba yan? Bat ang ingay niyo diyan? Dalian mona 6:45 na. Madali na mag alas syete ate. Malalate ka na" Sigaw pabalik ni mommy.

Binaba kona si Em at naligo na. Syempre nagtoothbrush hahaha. Kumain ako ng mabilisan ang linuto ni mommy. Late na kasi ako. Tsaka onti lang naman ako kumain.

Nagpahatid ako sa iskwelahan ko sa daddy ko. Tumakbo ako sa catwalk
papunta sa field. Dumiresto ako sa pila namin. Nalaman ko agad na linya namin yun dahil anduon yung best friend ko.

"HOOOOY" sigaw ko na ikinagulat niya. Hahahaha yung mukha niya di mo na maipinta. Syempre di ka naman marunong magpinta diba? Hahaha.

"Ano ba?!!" Galit niyang sabi. Hala galit na siya. May PMS ata tong babaeng to. Humarap na siya at di nako pinansin. Hahaha hinayaan ko na din siya.

First day of school nga pala ngayon. Kaya alam niyo na. The usual first day of school. May introduce yourself pang nalalaman.

Daming kinakabahan kasi pupunta sa unahan at yung iba naman ay nahihiya. Sus pupunta lang naman sa unahan. HAHA Kinakabahan din ako. Nung sunod na ako. Dali dali ako pumunta sa unahan.

"Hi I'm Ivella (Ay-vela) Jane Roman. You all can can me Ivy (Ay-vi) I'm 14 years old. From section Mendel last year. Thank you." sabi ko at bumalik na sa upuan ko.

Wala naman masyado ginawa ngayon. First day eh. Bukas nga may orientation sa gym. Hayy inaabutan ako ng katamaraaaan ayokong pumasok.

Umuwi nako ng maaga. Wala akong kasama. Kaiyaq. Sinalpak ko nalang yung headset ko sa tenga ko at nakinig sa tugtog habang naglalakad papunta sa sasakayan ng tricycle.

Alam niyo yung nakakainis pag katabi mo ang lalaki? Broad-shouldered kasi yung iba. Tas di ka na makaupo ng maayos kasi natutusok nung balikat nila yung balikat mo? O kaya naman sa laki ng balikat nila naiipit kana?

May katabi akong lalaki nakakainis ang sikip tas natutusok pako nung balikat niya.

Inis na inis talaga ako kaya umunahan ako at hinayaan siyang sumandal. Nakita ko siya. Tinarayan ko nga psh di man lang gentleman. Kainis ba. Tiningnan niya lang ako. Balakajan. Porke gwapo ka.

***

Pumasok akong late uli sa school. Wala eh orientation lang naman. Pakilala yung mga teachers chuchu.

Sinalpak ko nalang yung headset ko at naglakad na papuntang classroom. Nakita ko yung best friend ko may hinahanap sa bag niya.

"Hii. Anong hinahanap mo?" Tanong ko sakaniya.

"Uyy Aybilaaa naiwan ko yung cellphone ko. Diko nanaman yun matetext magagalit nanaman yun" sabi niya habang naiiyak na.

"Kaloka ka hahaha bat ganon jowa mo? Naiwan lang naman di naman sinasadya bat siya magagalit?" Sabi ko habang natatawa na ewan.

"Ewan ko ganon talaga yun. Heh tawa ka diyan porke wala kang jowa hahaha" tinawanan niya naman ako.

"Hoy umayos ka nga kung ayaw mong isumbong kita don sa boypren mo" pananakot ko.

"GUYS PUNTA NA SA GYM OI BILISAN NIYOOOOOOOO" Sigaw nung isa kong kaklase. Diba yun napuputulan ng ugat? Makasigaw parang mapuputulan na eh.

So yun na nga may mini program chuchu.

Umupo kami sa lapag habang nakikinig. Medyo matagal kasi madami dami ang mga teachers namin dito.

"Hanubayaaan gutom nako di pa tumutunog yung bell" reklamo ng katabi ko which is my best friend.

"Ako nga rin eh" Tumingin ako sa orasan ko.

"Limang minuto nalang time na" sabi ko sakaniya tas binigyan niya lang ako ng inip na inip na mukha.

Inaantok na talaga ako. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon kung saan naglalakad ang ibang istudyante.
Nang biglang may tumunog na tugtog ang alam ko kpop yun.

Napatingin ako sa stage. Oh pitong lalaki na naka itim. Sinasayaw nila yung DOPE ng BTS. Grabe grabe ang sigawan nakakabingi. Tumingin ako sa best friend ko. Ay wow nakatingin din sa unahan mukhang interesado din. Nakakainis ang ingay. Puro sigaw.

May nakakuha ng aking atensyon. Yung lalaking naka cap na black. Kilala ko siya o nakita ko na siya.

Wait... Processing... Loading...

AHA SIYA YUNG LALAKING NAKAKAINIS NA KATABI KO SA TRICYCLE!

Siya nanaman. Pero yung katabi niya sheeeeet ang gwapo. Ang puti. Ang tangkad. May braces. Para siyang si Gatorade kulayan mo lang blue ang buhok. Gash kilala niyo ba yun readers? Yung Boyfriend Corp. Ganda non. Basahin niyo :)

"Oi besh kilala mo yan na maputi na lalaki yan na matangkad!?" Sigaw niya kasi sobrang ingay talaga ng gym.

"Hindi rin eh. Tanong mo sa sarili mo try mo" sagot ko.

***

Pagkauwi ko sa bahay. Agad kong
in-on yung wifi namin. At in-open ko kaagad yung messenger. Chinat ko yung kaklase kong sobrang ingay kanina makasigaw kita na yung ngala ngala.

Ako:  Uy classmate 😂 may tatanong ako sayooo.

Siya: Ano yun? Wag lang assignment. Parehas tayong walang alam 😂

Ako: Yung kaninang sumayaw sa orientation. Yung maputi na matangkad na gwapo don ano pangalan non?

Siya: Yung nasa unahan? O yung sa gilid ba?

Ako: Yung sa gilid. Sino yun?

Siya: Jusko yung boypren ko yun. Char. Hahaha. Si Alex yun.
Alexander Kit yun. Ewan ko kung ano apelyedo. 

Alexander pala ha..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Unforgettable Mistake Where stories live. Discover now