Jybs POV
"Grrr.."
Nanggigigil na kinusot ko ang isang page ng aking sketch pad. Pagkatapos ay nag drawing ulit ako.
"Grrr.."
Pinunit ko muli ang papel, kinusot at tinapon ko sa aking likuran.
Drawing, punit, tapon.
Drawing, punit, tapon.
Hanggang sa pati ang cover ng sketch pad ay ginamit ko narin, pero pati yun ay di nakaligtas sa panggigigil ko at tinapon ko narin.
"Grrr.." lapis naman ngayong ang tinapon ko sa aking likuran.
"Bwisit!"
Pagtapos nun ay sumandal ako sa swivel chair at tumingala sa kisame.
Dun ay nag drawing din ako sa isip. Hindi ko nga lang mapunit at makusot ang kisame.
Without standing from my seat, pumunta ako sa may switch ng ilaw para buksan yun. Inabot pa ako ng ilang segundo bago nasanay ang aking mga mata sa liwanag.
Napakamot ako sa ulo then sinwitch off ko ang ilaw.
Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Mama.
"O tamang-tama. Kakatukin na nga sa kita sa kwarto mo. Maghapon ka namang hindi nasikatan ng araw." sabi niya
"Okay lang yun Ma..nagpapaputi kasi ako e."
"Anong nagpapaputi? Ang sabihin mo, nagpapaputla ka." sabi niya
"Puti yun Ma..promise!" inakbayan ko siya at sinabayang maglakad.
"Anong makakain natin sa kusina Ma?" tanong ko.
"May suman at puto dun na binili ko sa palengke kanina."
Nasa taas na kami ng hagdan pababa nang huminto sa paglalakad si Mama at humarap sa'kin. Titigan ba naman ako at ilang sandali pa ay parang naluluha na 'to.
"O ano na naman bang bumabagabag sa kalooban mo ngayon Ma?" tanong ko
"Nag-aalala lang ako sa kahihinatnan mo sa hinaharap." sabi niya
"Meaning?"
"Pano kung bigla ka na lang takasan ng katinuan? Tuwing nagkukulong ka sa kwarto mo, yun lagi ang naiisip ko. Nag-iisang anak lang kita, tapos masisiraan ka pa ng bait." sabi niya
"Ma, matagal nang may sira ang ulo ko. Kaya wag na kayong magtaka--"
Pak!
"Aray!" sabi ko. batukan ba naman ako.
Tumawa na lang ako at inalalayan ko siya pababa ng hagdan. Nawala na ang frustration na nararamdaman ko kanina.
"Kayo talaga Ma, Ang dami namang pwedeng isipin sa mundo, bakit ang hinaharap ko pa ang inintindi niyo? Wala na tayong magagawa sa tinadhana ng Diyos para sa'kin. Cup A talaga ang magiging size ko forever."
Hinampas ulit niya ako.
"Hahahaha"
"Wag kang tumawa. Alam mo ba kung anong sinasabi ng ninong mo? Binabantayan ka na raw niya dahil baka isa sa mga araw na ito, e kausapin mo na yung puno ng narra dun sa tapat ng tindahan niya." sabi niya
"Ang bait talaga ni Ninong Rey ko, Ma."
"Jybs, bakit kasi hindi ka magpaka normal minsan?"
Pagpasok namin ng kusina ay hinanda agad ni mama ang inumin ko.
"Lumabas ka kasama ng mga kaibigan mo. Mag-enjoy ka. Wag ka lang maglalasing at pupugutan kita ng ulo." sabi niya
"Hindi naman ako mahilig uminom." sabay subo ng pink na puto
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
Teen FictionCris and Jybs had known each other for a long time.Pero hindi naman naging maganda ang naging relasyon nila sa isa't isa dahil lang sa isang munting pagkakamaling nagawa ni Jybs nung nasa high school sila. Nagbitiw pa si Cris ng mga salitang hinding...