MTT II

42 2 0
                                    

Jybs POV

Mainit ang sikat ng araw at mejo masakit na sa balat dahil alas-onse na ng umaga. Nangangawit na ang braso ko sa mga bitbit na grocery bag kaya nagpahinga muna ako sa waiting shed na nadaanan ko.

Naisipan kong mang grocery dahil tinatamad pa akong magtrabaho sa harap ng aking computer.

Nakakailang paypay pa lang ako ng kamay sa pawisan kong mukha nang bumukas ang gate malapit sa waiting shed.

Lumabas dun si Cris. May hawak siyang liyabe habang hinuhubad ang suot na gloves. Mukhang kakatapos lang niyang magkutingting ng sasakyan dahil may mga grasa pa ang damit at mukha niya.

Naka-rolled up ang sleeves niya at kitang-kita ng mga mata ko ang toned muscles sa mga braso niya at bicep niya. Parang ang sarap pisilin.

Muntik ko nang masampal ang sarili sa naiisip ko.

Haaay! Bakit ba nagawi pa ako dito? Makaalis na nga lang.

Pero huli na ako dahil napunta na sakin ang attensyon niya. Saglit kaming nagkahulihan ng tingin, pagtapos ay nagkatitigan.

Natauhan ako ng ipalo niya ang hawak na liyabe sa gate. At ngumiti siya ng nakakaloko.

"Wag kang mag aalala, aalis na ako."

"Hindi naman kita pinapaalis ah." sabi niya sabay lapit sakin.

"Nang grocery ka ba?" tanong niya

Kumunot ang noo ko. "Hindi. Namundok ako."

How could this guy look so hot even in his greasy state? Goodness!

"Nagsusungit ka na naman Jybs." sabi niya

"Ikaw jan ang nangungulit."

Inilayo ko ang mga grocery bag nang tangkain niyang silipin ang laman nun sa pamamagitan ng hawak niyang liyabe.

"Wag mo akong kausapin." sabi ko

"O, galit ka na naman. Masama sa puso ang laging high blood." sabi niya

"Wag kang magpakita sakin para hindi ako mahigh blood." sagot ko

"Ikaw kaya ang nagpakita dito." sabi niya

"Kaya nga lalayas na ako."

"Teka lang." sabay hawak sa aking braso at hinila pabalik sa inupuan ko.

"Mag usap nga tayo ng masinsinan Jybs. galit ka ba sakin?" tanong niya

"Oo."

"Hindi ka man lang nagpakipot sa pagsagot." sabi niya

Binawi ko ang braso ko.

"Aalis na ako."

"Agad? Magpalamig ka muna sa loob. Siguradong nainitan ka sa paglakad mula sa grocery store." sabi niya

Nagdududang tiningnan ko siya. Ngumiti lang siya sakin.

"Hey, I'm being nice to you Jybs. For old time's sake..so, come on, loosen up." sabi niya

"I am!"

"Good." sabi niya

At kinuha ko na ang mga grocery bag na dala ko.

"Ako na." pag-insist nya.

Maybe i need to loosen up a bit when it comes to him. Napapagod na rin akong makipagpatintero sa kanya tuwing nagkikita kami ng hindi sinasadya.

At lalong wala akong balak na mapagkamalang iniiwasan ko siya.

"Kaya mo ba? Baka magkamaskels ka." sabi ko

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon