Rented BF 2.2

2.5K 45 3
                                    


"Gagetch nitey!" naiiling na sabi nito. "Ramdam ko naman na love ako ni Augustus, 'no! And he also confessed that he's also a... you know, like me. Kaya magkasundo kami and we truly love each other." Anito.

"Bakit mo kinailangang mag-rent ng boyfriend? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"

"Nag-rent ako ng boyfriend para ipakita sa walang kuwenta kong ex na ipinagpalit ako sa iba na hindi siya kawalan sa akin; nakaganti na ako, naka-move on na din kay ex at nakatulong pa ako sa kapwa ko dagdag na lang na naging boyfriend ko na siya ngayon." masayang kuwento nito. "Hindi ko 'yon nasabi sa 'yo dahil baka sabunutan mo ako at ikuwento mo sa daddy ang lahat." natatawang sabi nito. Alam din kasi ng parents nito na binabae ang pinsan niya pero pinagbawalan itong makipag-boyfriend. "Magigimbal ka sa mga lalaking naroon; dahil sobrang popogi nilang lahat at walang mga sakit dahil may medical certificate silang ipapakita, galing sila sa agency at walang criminical records at kung sakaling saktan ka o galawin ang buhok mo na against ka ay pwede mo silang i-report sa agency at maki-kick out agad sila doon. Luckily, wala pa naman akong nababalitaan negative feedback doon."

Napakunot-noo siya. "Paano mo nalaman ang tungkol sa rent a boyfriend site na 'yan?"

"From a gay friend, you know nangangailangan din ng rented boyfriend." Natatawang sabi nito. "Pwede mo rin gamitin ang guy na ire-rent mo pang-display sa unggoy mong ex para mas lalong mainis dahil nakahanap ka ng bago at ang maganda niyan ay mapipili mo ang magiging boyfriend mo at payo ko sa 'yo ay piliin mo 'yong pinaka-the best para walang maipintas ang sinumang makakakita sa kanya, kaiinggitan ka pa." nakangiting sabi nito.

"Ang lakas din ng topak mo, 'no?" naiiling na sabi niya. Of course, hindi niya papatulan ang kabaliwan ng pinsan niya dahil hindi naman siya desperada para mag-rent ng show off boyfriend.

"So?" hinihintay nito ang kasagutan niya.

"No!" mabilis na sagot niya.

"So, you're going to the reunion party—alone?" tanong nito.

"So, what?"

"Wala. Ayaw lang naman kitang masabihan na loveless at tatandang dalaga."

"Akala ko ba hindi mo ako pababayaan kapag sumama ako doon? Tapos..."

"Cous, alangan namang kasa-kasama ka lagi namin ni Augustus? Hindi ka ba naman makaramdam."

Napanganga siya. "Cous..."

"Rent a boyfriend."

"No way!"

KINAIN lahat ni Mareyna ang pa-'no way-no way' niya sa pinsan na si Jelly. Nagulantang ang mundo niya nang mag-visit siya sa site dahil ang daming mga guwapong lalaki doon at walang tulak-kabigin dahil may histura ang lahat ng mga naroon.

Nag-sign up siya agad para sa kanyang basic informations para makapasok sa site; kung ano ang hinahanap at itinatanong na dapat niyang sagutan at kung ilan ang edad ng lalaking gusto niyang i-rent, dapat ay malapit sa kinaroroonan niyang lugar para hassle free. At mula sa hinahanap niya ay na-view ang lahat ng mga pictures ng lalaking pwedeng i-rent at kasama na ng ages and locations ng mga ito.

Mukhang 'yong ibang naroon ay mayayaman din na naghahanap lamang ng mapagkakatuwaan. Inisa-isa niya ang mga lalaking naroon para makapili siya ng swak sa taste niya.

May half American-half Filipino, pure blooded Filipino, mga chinito at iba't iba pang lahi ang mga naroon. May nakita siyang cute na larawan; Chiz ang pangalan, twenty six years old at chinito—mabilis niyang cl-in-ick ang profile nito at nalaman ang identity at iba pang informations nito ngunit kailangan pa niyang mag-sign ng membership application.

My Rented Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon