Rented BF 4

2.6K 53 0
                                    

"NASAAN ka na ba Castle?" ani Marey sa kanyang sarili saka muling napatingin sa kanyang phone ngunit wala pa rin reply ang binata sa kanya. Usapan kasi nilang magkikita sa isang coffee shop sa Mall after work—katapat niyon ay ang gadget store ni Avys—gusto lang naman niyang ipakita sa mokong na ex niya na may boyfriend na siya kaya tantanan na siya. Nakita niyang papalapit na sa kanya si Avys ngunit wala pa ring nagpaparamdam na Castle sa kanya. Hindi kasi naniniwala ang mokong niyang ex-boyfriend na may bago na siyang boyfriend kaya kailangan niyang ilantad si Castle sa harapan nito.

"Marey, it's really nice to see you here." Narinig niyang sabi ng lalaki sa kanya nang makalapit ito sa kanya. Ayaw niya itong lingunin dahil for sure ngiting-ngiti ito sa kanya at baka mas lalo lang siyang mainis sa mukha nito.

Of course naka-move on na siya sa ungas na 'to at naiinis lang talaga siya dahil mas lalo lang niyang nakikita dito kung gaano ito kahangin at ka-feeling. Naiirita siya. Hindi tuloy niya alam kung paano niya ito naging boyfriend ng seven months. Siya ba talaga ang sumagot sa lalaking ito noon?

Naramdaman niyang umupo ito sa tapat niya. "May hinihintay ka ba, Marey?" tanong nito sa kanya. "O baka gusto mo lang akong makita."

Hindi niya napigilang taasan ito ng kilay bago bumaling sa lalaki. "I'm waiting for my boyfriend." Aniya.

"Really? So, hindi fictional character ang sinasabi mo?" nakangiting sabi nito. "Ang bilis mo namang nakahanap ng kapalit ko."

"Because you're replaceable." Nakangising sagot niya. "He's a great man at walang-wala ang hitsura mo sa kanya."

"Really, huh!" anito.

"Are you here just to show off your boyfriend?"

"Oo," pag-amin niya. "Para makita ng dalawang mga mata mo na totoo siya at malayo ang agwat ninyong dalawa."

Tumango-tango ito. "I can wait until you break up with him." Anito. Ang kapal talaga ng mukha nito!

"Who says I'm going to break up with her?"

Sabay silang lumingon ni Avys sa lakaking nagsalita sa likuran ng lalaki, napangiti siya at agad na napatayo nang makitang si Castle 'yon. Mabilis din itong naglakad palapit sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo bago sila sabay na naupo.

Nagulat siya sa paghalik na 'yon ni Castle sa kanyang noo para kasing may kaakibat na 'weird na something' sa kiss na 'yon na hindi niya malaman. She had been kissed before sa lips pa nga pero ang halik na 'yon ni Castle sa noo niya—that was electrifying, something like that. Wala sa usapan nila ang paghalik nito sa kanya pero bakit wala siyang makapang inis? Weird.

Naramdaman niyang umakbay si Castle sa likuran ng upuan niya kaya dinagundong siya nang mabilis na tibok ng kanyang puso. What is going on with her?

"I'm sorry babe, na-late ako." ani Castle sa kanya. Mabilis naman siyang bumaling sa binata at nabigla siya dahil ang lapit pala ng mukha nito sa kanya. Babe? Right! Kailangan din pala nila ng tawagan. "Traffic kasi."

Umiling-iling naman siya. "I-It's okay, babe." Ganti niya.

Hinaplos nito nang magaan ang pinsgi niya at ngumiti. Grabe! Kung sa picture ay nakaka-hypnotize na ito mas lalo pala pag-personal. Ayaw na niyang bawiin ang mga tingin sa lalaki dahil mas maganda pa ang mukha nito kaysa sa anumang view na nakita niya sa buong mundo.

Hindi na niya maalalang naroon pa pala ang ex-boyfriend niya kung hindi ito tumikhim sa kanila kaya sabay silang napalingon ni Castle sa lalaki. Kunot na kunot na ang noo nito sa sobrang inis at marahil selos dahil sa ka-sweet-an nila ng lalaking katabi niya. Infairness, magaling umarte ang lalaking kasama niya!

My Rented Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon