Rented BF 6

2.3K 55 3
                                    

"YOU'RE NOT alone, together we stand, I'll be by your side, you know I'll take your hand. When it gets cold and it feels like the end, there's no place to go you know I won't give in, no I won't give in..."

Pumailalang sa dance floor ang kantang 'Keep holding on ni Avril Lavigne' at hindi maalis-alis ang magagandang mga mata ni Castle na nakatitig lamang sa kanya habang nagsasayaw silang dalawa kasama pa ng ibang mga batchmates sa dance floor, hindi tuloy niya maintidihan ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya; kinakabahan, nae-excite, masaya at kinikilig siya.

Kaso hindi siya maaaring magpadala sa nararamdaman niya dahil sinabihan na niya ang sarili na hindi na siya magpapadalos-dalos sa pag-ibig at si Castle ay rented boyfriend lang niya at natural lang na gampanan nito ang role nito para mapaniwala ang iba kung bakit nagpapaniwala siya sa nararamdaman niya.

Sa tuwing nagkakadaiti ang mga balat nila at may sweet gestures ang lalaki sa kanya, lagi na lang weird ang itinitibok ng puso niya, as if ang saya-saya ng pakiramdam niya. Kahit naman kasi paulit-ulit niyang pinapagalitan ang puso ay bumabalik at bumabalik pa rin ito sa gusto nitong maramdaman. Okay fine, naguguwapuhan na siya nang sobra kay Castle Wren Jacobs at crush na niya ito! Pero hanggang crush lang, period!

Tumikhim siya saka kunwari ay nag-iwas ng tingin sa lalaki. Kung hindi pa nito ihihinto ang katititig sa kanya baka tuluyan nang malambot ang mga tuhod niyang kanina pa nanlalambot, mabuti na lang at nakakapit siya sa leeg nito at nakahawak naman ito sa baywang niya.

"Okay lang naman tumingin sa ibang babae," baka kasi matunaw na ako, e. "Baka kasi magsawa ka agad sa pagmumukha ko." Aniya.

Nang bumaling siya sa lalaki ay nakita niya itong umiling at ngumiti. "Bakit pa ako titingin sa iba kung nasa harapan ko na ang pinakamaganda?" anito.

Mabilis naman niyang tinampal ng magaan ang balikat nito. "Huwag mo nga akong pinaglololoko, tayo lang naman ang nakakarinig sa mga usapan natin kaya hindi mo kailangang magpaka-sweet." Aniya.

"But I'm really serious." Anito. Kumabog ang puso niya nang ilapit nito ang mukha nito sa kanyang tainga. "Wala na kasing ibang gustong makita ang aking mga mata kundi ikaw lang. You're one of the seven wonders of the Philippines."

"Sus, si Liza Soberano 'yon, 'no!" natatawang sabi niya.

"But to tell you honestly, para sa akin ay mas maganda ka pa kaysa kay Liza o kahit sinupang artista. You have a real Filipina beauty." Nakangiting sabi nito.

Muli niyang magaang hinampas ang balikat nito. "Huwag mo nga akong pinagpapaniwala dahil baka maniwala na ako." natatawang sabi niya.

"Seryoso nga kasi ako." anito.

"Hindi ito kasali sa acting mo?"

Umiling-iling ito at tumawa. "Hindi. And I guessed sa lahat ng mga ipinapakita ko sa 'yo, iilan lang ang acting, e." anito, na ikinabog ng puso niya. "I can be myself whenever I'm with you, ang gaan mo kasama."

Gusto tuloy niyang mapakamot ng ulo. So, huhulaan ba niya kung alin sa mga ginawa nito ang pag-arte sa mga hindi? Katulad nang sinasabi nito kanina sa table, joke lang ba 'yon? Kasi nakipag-high five ito kay Augustus, e. Pero 'yong mga sinasabi nito ngayon, ay seryoso daw. Litong-lito na tuloy ang puso niyang pinipigilan niyang mag-react sa mga ginagawa ni Castle sa kanya.

"Tingnan mo ang mga batchmate kong girls kahit kasama nga nila ang mga asawa nila ay hindi pa ring mapigilang mapatingin sa 'yo. You're a head turner, mister." Pagbibigay alam niya, para kasing siya na lang ang nag-e-exist sa mga mata nito.

My Rented Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon